23 - New Found Friend

3.9K 101 2
                                    

Graduation day. Dapat ay masaya ako ngayon pero dahil wala ang paboritong tao na gusto kong nandidito kasama ko ay hindi ko mapigilang malungkot. Halos dalawang buwan na rin ang nakalipas ng umalis si Beckham at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay na wala s'ya sa tabi ko.

"Jonah, pupuntahan ko lang sina mama." paalam sa akin ni Nadya kaya tumango na lang ako. Kakatapos lang ng graduation ceremony at busy na nga ang lahat na kumuha ng litrato kasama ang mga magulang at kaibigan nila.

10 months to go. Ang tagal n'ya pang babalik.

"Oi ganda! Ikaw nga!" tawag sa akin ni Daisy.

"Daisy,"

"Isa ka rin pala sa mga graduate."

"Oo. May kamag-anak ka rin ba rito na grumaduate?" tanong ko.

"Kaibigan ko lang. Ininvite n'ya ako dahil hindi nakapunta ang parents n'ya kaya ako ang tumayong guardian n'ya kanina." paliwanag ni Daisy. "Nakikita ko si Nadya sa store pero ikaw hindi mo na ako binibisita. Nakakatampo ka."

Natawa ako sa pagsimangot ni Daisy na parang bata. Hindi bumagay sa malaki n'yang katawan ang inasal n'ya. Paulit-ulit ko na 'tong itinatanong sa sarili ko pero bakit ang gugwapo ng mga bading ngayon? Hindi lang 'yon, mas maganda rin ang built ng katawan nila compared sa mga tunay na lalaki.

Pero para sa akin ay wala pa ring makakatalo sa Beckham ko. Sa kanya lang ako.

"Hindi nga kasi ako mahilig sa mga make-up at pampaganda."

"Parang isinasampal mo sa amin na ang papangit namin kaya kami gumagamit ng beauty products. Aray ah."

"Ikaw nagsabi n'yan."

"Hahaha. Charing lang." Halakhak ni Daisy.

Nakakatuwa naman ang baklang 'to.

"Jonah!" tawag sa akin ni ate Freida kasama si mama at kuya Jenno.

"Daisy, halika. Ipapakilala kita sa family ko."

"Wag na, nakakahiya. Aalis na rin ako. Baka naghihintay na 'yong kaibigan ko sa akin." pahayag ni Daisy. "Sa susunod ulit nating pagkikita. Kapag nagkita ulit tayo sa labas ng store, destiny na talaga tayo gurl. Sige na babye na." paalam n'ya sa akin.

Hindi na naabutan nina kuya si Daisy. Ang bilis n'ya kasing mawala.

"Sino 'yong kausap mo kaninang lalaki?" tanong ni ate Freida.

"Bakla 'yon teh. Nakilala lang namin ni Nadya sa isang store sa mall nung maggala kami."

"Dapat pinakilala mo kami." saad ni kuya habang buhat si Cairo.

"Nagmamadali nang umalis 'e. Next time na lang."

"O s'ya! Tara na at mag-celebrate na tayo." pagsingit ni mama.

SIMPLING celebration lang ang ni-request ko kina mama at kuya para sa graduation ko. Masaya na ako kahit kami-kami lang ang kumain nang magkakasama kesa naman mag-imbita kami ng marami. For sure pagod kaming lahat kakaasikaso sa kanila kung madami kaming ininvite. Naranasan ko nang maghugas ng sandamakmak na mga hugasin noon kaya lesson learned na talag

"Get yourself busy. Maiiwasan mong isipin s'ya parati kung may pagkakaabalahan ka." pahayag ni ate Freida ng tabihan n'ya ako. Siguro ay napansin n'ya ang pagiging tuliro ko this past few days. "Sobrang close n'yo sa isa't isa ni Bea kaya hindi maiiwasang hanap-hanapin mo s'ya. After all, you two already shared steamy nights."

"Y-You knew?" gulat kong tanong sa kanya.

Tumango s'ya. "It's obvious."

"No it's not."

Sinigurado namin ni Beckham na walang makakaalam sa pagiging f*ck buddy naming dalawa. Kung gaano kami ka-close bilang magkaibigan ay 'yon ang ipinapakita namin sa kanila. There's an invisible line drawn between the two of us whenever we're with them.

"3 hours s'yang nasa loob ng kwarto mo. Hahaha. Don't worry, walang kaalam-alam ang kuya Jenno mo." Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi ni ate Freida.

Nakakahiya! S'ya pa talaga ang nakabantay sa aming dalawa ni Beckham. Kesa naman si kuya Jenno. Mas mabuti na palang si ate Freida ang nakakita at nakaalam.

"Kayo na ba ni Bea?"

"N-No."

"You mean no label just s*x?"

"His my bestfriend."

"Of course the two of you are bestfriend but having s*x with him is a whole new story. Okay sabihin na nating s*x buddy kayo pero papayag ka bang hanggang 'don na lang 'yon?" tanong ni ate Freida.

"I don't want to lose him ate. Iyon lang ang nakikita kong paraan para hindi s'ya mawala sa akin."

"You're doing it wrong Jonah. Sarili mo lang ang sinasaktan mo sa ginagawa mo. Hindi sa nagmamarunong ako sa relasyon n'yong dalawa pero sa tingin ko ay mas makabubuti na sabihin mo sa kanya ang totoo mong nararamdaman para sa ikatatahimik ng puso at isip mo."

Hinawakan ni ate Freida ang balikat ko at tinapik ito.

"You have 10 months to gather all of your courage to tell him the truth. Malay mo pareho pala kayo ng nararamdaman para sa isa't isa, pinapatagal n'yo pa."

Kahit si Nadya ay gan'yan din ang sinasabi. Baka nga pareho lang kaming natatakot ni Beckham na sabihin ang totoo naming nararamdaman para sa isa't isa. Nakita naming dalawa ang dinulot nang pag-iibigan nina Amari at Yuna kaya siguro natakot kaming matulad sa kanila pero nand'yan din naman ang kwento nina ate Freida at kuya Jenno na kahit anong pagsubok ang dumaan sa kanila ay nahanap pa rin nila ang isa't isa.

"O-Okay," kabadong pahayag ko.

"Kung hindi man sumangayon ang tadhana sa inyo ngayon o sa mga susunod pang mga araw at taon ay malay n'yo naghahanap lang ito ng tamang timing para sa inyong dalawa. Hinihintay ko rin 'yon dumating para kina Amari at Yuna." pahayag ni ate Freida.

I'll wait. Katulad ng ipinangako ko kay Beckham ay hihintayin ko s'ya at kapag dumating na ang araw na magkita ulit kaming dalawa ay sisiguraduhin kong handa na akong sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya.

***

"Ayiieee. Beshhyy na talaga tayo ganda!" tili ni Daisy nang magkita kami sa isang park. Nagna-night jogging ako ng makita ko s'yang pauwi na galing trabaho. Kakatapos lang daw ng shift n'ya.

"Kung sinuswerte ka nga naman. Tamang-tama, nauuhaw na ako. Libre mo ako."

"Huwaw ah!"

"Hahaha. Diba 15 ngayon? So, I assume sumahod ka na." Nakangising pahayag ko habang itinataas-baba ang kilay ko.

"Napakatalino mo." Pumalakpak s'ya nang mabagal na mas lalo kung ikinatawa. Wala talaga s'yang palya sa pagpapatawa sa akin. He's a natural comedian. "Tara na nga. Mabuti nakita mo ako bago ko ipangbayad bills ang sahod ko."

"Gastos now, iyak later."

"True gurl."

Pumunta kaming dalawa ni Daisy sa pinakamalapit na milktea shop at doon nagchikahan. Nalaman kong limang taon ang agwat ng edad n'ya sa akin. Hindi sya nakapag-graduate ng college dahil kinailangan n'yang kumayod muna para may mapakain sa pamilya n'ya. Patungkol naman sa love life ay 5 years ago pa nang huli s'yang magka-jowa. Wala raw s'yang time para lumandi ngayon kaya single pa rin daw s'ya.

"How about you? May jowabells ka ba?" tanong sa akin ni Daisy habang humihigop ng milktea n'ya.

"Wala." tipid kong sagot sa kanya.

"Wala raw 'e bakit namumula mukha mo?"

"It's complicated."

"Bakit? Kabit ka ba?" Nakangiwing tanong ni Daisy.

"Baliw! Hindi sa ganun."

"E ano nga? Dali na, kwento mo na." pagpupumulit n'ya habang niyuyugyog n'ya ang kaliwa kong balikat.

"I love him. I don't know if he likes or love me too since bestfriend kami matagal na."

"Oww. One-sided love."

"I'm not sure about that. Hindi pa naman kasi ako umaamin sa kanya."

"Edi umamin ka na now na."

"Kakaalis n'ya lang papunta sa malayong lugar. 10 months pa ang hihintayin ko bago ako makapag-confess sa kanya."

"Nagsisisi ka ba ngayon na hindi ka umamin sa kanya bago man lang s'ya umalis?"

"Hindi naman. Siguro ay mas okay nang hindi ko kaagad sinabi sa kanya since I'm still figuring it out if love ba talaga 'tong mararamdaman ko o sadyang nasanay lang ako sa presensya n'ya. We've never been apart for the last 5 years, ngayon lang talaga." saad ko.

"Kaya ayokong magka-love life. Stress lang ang aabutin ko. Sayang lang ang mga beauty products na ginagamit ko sa mukha kung magiging gurang naman ako kakaisip sa problema nilang dala."

"Hahaha. Hindi naman. Masarap din namang magmahal."

"Masarap? Oh my gosh! Iba ang pumapasok sa isip ko dahil sa statement mong 'yan. Ehe! Enebe! Masarap talaga." Hinampas ko sa braso n'ya si Daisy dahil sa malandi n'yang pagsasalita. Para s'yang kambing na niri-rape. As in!

"Next time labas tayo minsan nina Nadya. Let's hang out."

"Sure."

"Give me your number para naman may contact ako sa'yo."

Having a new gay friend will surely be fun. May umalis pero may bago rin naman na dumating pero kahit anong mangyari Bea would always be my favorite gay bestfriend.

My Bang Buddy | Pechay Series #3Where stories live. Discover now