*F O U R*

6.3K 156 1
                                    

*F O U R*




[Desery]





I let out a deep sigh. Napuyat yata ako kagabi kakaisip sa dalawang lalake na 'yon. Buong araw lang akong nagpakwento kay Gabriel. Gets ko na lahat ngayon. Ako ang batayan nila para matupad ang wish nila. At isa lang ang dapat kong piliin.



Ganito ang pagkakasabi ni Gabriel.



"Desery halimbawa you are currently facing a great dilemma. O kahit ano pang sitwasyon na kinakailangan mong magdesisyon. Kami yung magsisilbi mong konsensiya. It's either gagawa ka ng mabuti or gagawa ka ng masama. Sa full moon, doon namin malalaman kung may progress. We will show you our wings. The more the pinipili at sinusunod mo ako, the more na may chance na matupad ang hiling ko. Pero kapag si Lester ang sinusunod mo, you are giving him the chance to reach his goal. Tandaan mo, pareho kaming may goal. We called that divine goals. At isa lang ang dapat mong sundin sa amin... Sa ngayon, ayaw magsalita ng masungit na isa dyan kaya hindi mo malaman kung ano ang goal niya. Gusto kong siya ang magsabi mismo sayo."




May isang bagay pa siyang sinabi kagabi.



"Alam mo ba Desery, sa tuwing gagawa ng mabuti si Lester nababawasan ang pagkakataon niya na matupad ang divine goal niya. Kaya nga sabi niya kagabi hindi na siya gagawa ng mabuti. Gaya ng pagligtas sa'yo."


"...bakit niya kasi ginawa iyon? Diba bad siya?"




"...hindi ko rin alam.. kahit na pareho kaming anghel, may pagkakaiba kami bukod pa sa ugali. Parang masyado siyang attach sa mga tao which is hindi dapat dahil hindi kami tao. Angels kami. At may mga tungkulin kami. Mula pa noong bata ka, kasama mo na ako. Pero ako lang. Ang guardian mo. Kasi ang bata, hindi pa nade-develop  sa kaniya iyong bad qualities. That's why I'm here to guide you and teach you to be a good girl. But because humans have free will, habang unti-unti kayong tumatanda, natututo kayo ng marami bagay isa na doon ang mga bagay na hindi kagustuhan ng Diyos. Thats when the dark angel will come to you to provoke you. Tulad ni Lester. Last two months lang siya biglang sumulpot sa mundo niya. Yun din yung time na nakilala ko siya."




"Ibigsabihin, hindi kayo naging tao. Kahit noon? Diba sabi nila, once na mamatay ang isang tao, magiging angel siya."




"Hindi yon totoo. Maghintay ka lang.. may ikukwento rin yan si Lester sa'yo. Maraming bagay ang dapat mong malaman tungkol sa kanya. He's not just a dark angel. He's different."




Hays. Pamisteryoso pa kasi ang isang iyon. Ano kaya ang gusto niya? Bahala siya. Basta ako, gagawa at gagawa ako ng mabuti. So, it means may bias ako. Mas pinapanigan ko yata si Gabriel. Baka siya na yata ang piliin ko sa huli. Gusto ko rin naman na matupad niya ang gusto niya. Ang maging isang God's messenger.





"Be ready." Bigla akong napagitla sa narinig kong boses. Parang boses mula sa isipan ko? Lumingon ako sa buong classroom. Ako lang yata ang nakarinig noon. Sino yun? Wala namang bumulong sa akin.




Be ready? Bakit?




Maya maya ay natanaw ko si Paul na padaan ng classroom. Sumilay sa aking mukha ang isang ngiti. Kaso, kasabay niya si Mia, kaklase ko. Masaya silang nagkukwentuhan. Parang may nakakatuwa silang pinag uusapan.




Nang nasa tapat na sila ng classroom namin ay nagpaalam na si Mia kay Paul at tuluyan nang pumasok sa classroom. Si Paul naman, hindi man lang ako hinanap.




...Where stories live. Discover now