Chapter 2

17 1 0
                                    

Alona's Pov.

"Hoy, antayin mo naman ako oh" dinig na dinig sa buong hallway ang boses nitong si zamir, dahil sa sobrang lakas ng sigaw nya nagtitinginan tuloy samin ang mga estudyante ganun din ang mga dumadaan na teacher.

"Ano bang ginawa ko ha? tinanong mo ko kung anong pangalan ko at sinagot ko naman, anong masama don?" naguguluhang tanong nya saken.

Mahigpit na bilin ni kuya na dapat hindi ako nakikipaglapit sa mga taong sikat lalo na ang pamilyang may ari ng university na to at isa sa pinaka popular na pamilya sa buong mundo.

Tapos nakasalamuha ko pa ang isang to.Isa sa mga anak ng isa sa pinakamayamang tao sa buong bansa.

Sabi daw kase ni kuya maraming may gusto na mapalapit sa kanila dahil nga sa kanilang estado sa buhay kaya lahat ng mga nakikipaglapit sa kanila at humahadlang sa mga taong ang plano sa buhay ay kuhanin ang loob nila ay magiging delikado ang buhay.

Hindi naman daw sila masamang tao ngunit ang masama ay yung mga taong handang gumawa ng masama sa mga taong haharang sa kanila.

Kaya pala pansin ko na kanina pa maraming nakakatitig sakin ng masama dahil yun pala ay katabi ko ang isang famous na tao.

Pasimple kong pinitik ang noo ko dahil sa kahihiyan kanina, nagawa ko pang makipag away sa taong yon.

Dapat pala inalam ko muna kung sino yon.

"Hey" agad akong napapitlag ng bigla nyang hinablot ang kamay ko na naging sanhi ng pagkatigil ko sa paglalakad, pinaharap nya ako sa kanya at bakas sa muka nya ang pagtataka.

"Bakit bigla bigla na lang nagbabago yang mood mo? kanina lang game na game kang asarin ako tapos ngayon tinatakbuhan mo ko?"

Bat ba ako ang ginugulo ng taong to?wala ba syang ibang kaibigan o kakilala na pwede nyang gambalain? baka pag naging close pa kami nito, may biglang sabunutan ako at sabihing inaagaw ko tong moko na to.

Gusto ko lang ng tahimik na buhay habang pumapasok sa eskwelahan pero mukang di mangyayari yon dahil ngayon pa lang ginugulo nako nito.

Wala naman akong pake kung sino pa sya,ang sakin lang, wag naman sana akong madamay kung sakali, dahil mukhang palaban ang mga estudyante dito.

Naalala ko pa yung paalala ni kuya saken, dahil nakakita na sya ng estudyanteng nakaranas noon at natatakot sya na baka mangyari saken yon.

Naiintindihan ko naman si kuya, ikaw ba naman magkaron ng isang magandang kapatid, di ka ba magaalala?

Inis na hinarap ko sya dahil panay panay na ang mga tingin ng ibang tao pati ang mga bulong bulungan nila dahil kilala nila si zamir.

"Wag ka ngang maingay dyan! kanina ka pa sigaw ng sigaw pinagtitinginan na tayo oh!"

"Kanina pa kase kita tinatawag di mo ko pinapansin dyan, ano ba kasing nagawa ko bat moko iniiwasan ha?"

"Alam mo kase ganito yan, kilala ka ng mga tao dito dahil nga sa estado mo sa buhay. Mayaman ka, at kilala ng nga tao ang pamilya mo bilang may ari din ng school na ito at alam kong madaming mga tao ang gustong makipaglapit sayo, lalo na nga babae.baka magalit sila sakin pag nakita akong kasama ka!" mahabang paliwanag ko sa kanya ng matigil na sya ngunit hindi man lang nabago ng kahit konti ang kanyang malamig na ekspresyon.

"You know what, I don't care, bakit ka ba nag aalala eh magkaibigan lang naman tayo? huwag mong sabihin na nagaassume kang may ihihigit pa ito at baka may magalit sayo?"

"A-aba h-hindi! ano ba yang sinasabi mo?!"

"Yun naman pala, edi walang malisya, sila na ang bahala sa kanila basta tayo magkaibigan lang, hanggang dun lang yon"

"Tss, as if naman gusto kong humigit pa don no! tsaka anong kaibigan? hindi kita kaibigan!" inis na irap ko dito saka umalis na.

Tinawag tawag nya pa'ko dahil iniwanan ko daw sya sa paglalakad, puro ba naman kase daldal tapos pag naiwan sakin isisisi.

Pumunta ako sa tinambayan ko kaninang umaga kung saan ako pinaalis ng mokong kanina!

Wala akong ibang choice kung saan ako kakain, ayoko naman sa cafeteria dahil halata namang mga mayayaman ang kumakain doon, baka pagtinginan lang nila ako at laitin ang baon ko.

Ayoko din naman sa library dahil baka makaistorbo lang ako sa mga nagaaral dahil sa pagkalansing ng mga gamit ko.

Hindi pa man ako nakakaupo ay agad ko ng napansin ang presensya ni Sean sa likod ko.

Hanggang dito talaga sinundan ako?wala ba syang plano na pumunta ng cafeteria at umorder ng pagkain kasama yung mga kauri nya?

At anong pake ko kung anong gusto nyang gawin eh sa kanila naman tong school?

Inis ko na lang na nilagay ang baon ko sa may lamesa, umupo naman sya sa may tapat ko.

Pinasadahan nya muna saglit ang dala kong baon na kanin at isang delata bago ilabas ang kanyang cellphone at mag tipa.

Hindi ko na sya pinansin at nagtuloy tuloy na lamang sa pagkain.

Pagkatapos nyang magtipa ng kung ano ay ibinaba nya na ang kanyang cellphone at seryosong tinignan ako.

Nakasandal sya at naka de kwatro pa, habang ang mga kamay ay magkasaklob na nakapatong sa lamesa.

Kitang kita ang ganda at tikas ng kanyang katawan sa kanyang porma, maging sa pananamit, kahit na pare parehas lang naman ang uniform ng mga lalaki dito makikita mo parin na mas angat sya sa lahat, sobrang ganda at pungay ng kanyang mga mata ganun din ang kanyang matangos na ilong at ang kanyang mapulang labi na talagang sadya na ang pagkapula.

"Are you done on fantasizing me?"

Dahil naparami ang aking subo ay agad akong nasamid sa kanyang mga nasabi, di ako makahinga at agad kong tinapik tapik ang aking dibdib.

Agad nyang iniabot sa akin ang isang water bottle, di nako nag abalang kunin ang bote sa kanya, uminom na ako agad kahit na hawak hawak nya ang bote, pakiramdam ko mamamatay na ako dahil di ako makahinga.

Ramdam kong natigilan sya sa ginawa ko.

Iisipin ko pa ba yung pagiging conservative nya kung mamamatay nako? at isa pa kasalanan naman nya kung bat ako nasamid eh!

"Hindi ka pa nakuntento sa pagpapantasya sakin kanina ah, gusto mo pang hawakan ako" nakangising ani nito.

Puno talaga ng kayabangan sa katawan tong diablo na to!

"Tigil tigilan mo ko zamir utang na loob!"

Ni hindi man lang nya pinansin ang sinabi ko at napahalakhak na lang sa itsura kong mukang inis na inis sa kanya.

                                     ²

Chasing the Waves(Argiente Series #2)Where stories live. Discover now