Chapter 3

10 0 0
                                    

Alona's Pov.

Hindi ko pa man natatapos ang aking pagkain nang may biglang dumating na isang lalaking nakasuot ng pormal na damit, may suot din syang itim na glasses at litaw na litaw ang dami ng gel na nilagay nya sa buhok nya para masigurong maayos ang pagkakaporma ng kanyang buhok.

Parang nagtatrabaho sa office ang dating ni kuya ah.

Agad namang napababa ang tingin ko sa tatlong malalaking kahon ng pizza at may isang paper bag pang bukod na may tatak ng isang sikat na bilihan ng mga chicken wings.

Kunot noo kong nilingon si zamir at bahagya akong natigilan ng napansin kong nakatitig sya saakin.

Nag iwas ako ng tingin dahil ayokong mapansin nya yung kakaibang reaksyon ng puso ko.

Ano bang meron ngayon at ang bilis bilis ng tibok ng puso ko? wala naman akong nakaing kakaiba o ginawang kakaiba para magkaganito ako.

Nang makarecover ay agad kong sinamaan ng tingin si zamir.

Nakuha nya pang magpa deliver ng masasarap na pagkain ah.

Minamaliit nya yata yung baon kong 555 tuna caldereta not sponsored,eh kasarap sarap kaya nito, all time fav ko to eh.

"Kung mangiinggit ka lang ng pagkain mo, lumipat ka ng pwesto kase nauna ako dito!" inis na sabi ko sabay subo ng kanin.

Tuloy tuloy lang ang subo ko dahil syempre gusto kong matapos kumain agad, kung ayaw nyang lumipat ng pwesto edi dito sya mag isa.

Hindi ko sya tinatapunan ng tingin at panay lang ang pagnguya ko ng pagkain.

Punong puno ang aking bibig na sa sobrang puno ay nakaumbok na ang aking mga pisngi, pero wala akong pake,bibilisan ko na lang ang pagkain ko konti na lang naman, ilang subo na lang matatapos na din ako—

Napatigil ako sa mga iniisip ng mapansing naka tingin sya sakin habang naka ngisi na tila may nakakatawang bagay ang nangyayari sakin.

"What's funny?" mataray kong tanong kahit na punong puno ng pagkain ang bibig ko.

Ang ngisi nya ay tuluyan nang napalitan ng halakhak.

Ano bang nakakatawa? i just want to eat peacefully but this demon Infront of me makes my blood boil.

"Anong bang nakakatawa—"

"Eat" biglang sabi nito habang binubuksan ang isang kahon ng pizza gayundin ang lalagyanan ng chicken wings.

Uminom muna ako ng tubig bago ko sya sinagot.

"Nakain na nga ako oh, kumain ka na lang dyan at wag mo nang ipangalandakan sakin na masarap yang pagkain mo!"

"Tsk, i said eat it" naka ngisi paring sabi nito sabay kuha ng isang pirasong pizza saka tumayo at inilapit sa labi ko ang pizza.

"Ha?" naguguluhang tanong ko.

"Just eat it, i bought this foods for us so eat... ahhhh" tinuruan pa ko nito na ngumanga na ikinapula ng pisngi ko.

Lah, si kuya parang ano.

"Take a bite, nangangalay nako" naiinis kuno na ani nito.

Ang cute naman nya mainis.

Agad kong kinagatan ang pizza at kinuha ito mula sa pagkakahawak nya.

"Nakain pako ng kanin eh" maktol ko dito pero ang sarap ng pizza ah.

Hindi nya pinansin ang sinabi ko, kumuha sya ng pizza at kinagatan ito saka kumuha ng manok at inilagay sa baunan ko.

"Kainin mo din yan, paano ka mabubusog sa delata lang?" he tsked.

"Masarap kaya to! eto kaya ang fav ulam ko pero minsan gusto ko din yung cornbeef o kaya naman sanmarino—"

"Ang daldal mo, kumain ka na nga lang" suway sakin nito pero may bahid parin ng ngiti sa labi.

Bat ba parang laging may nakakatawa? muka bakong clown sa kanya?

Natapos at naubos namin ang mga pagkain na inis na inis ako kay zamir.

"Hays pasalamat ka masarap yung pagkain na pinadeliver mo kundi nako, 'wag kang mag alala ililibre din kita kaso nag iipon pako ngayon eh" mahabang litanya ko habang naglalakad na kami pabalik sa room.

"Kahit wag mo nakong ilibre, I bought it for us at wala naman akong intensyon na hingan ka ng kapalit"

"Kow dumale eh, bat parang bumait ka ngayon? may kakaiba sa pizza na nakain mo? o doon sa may chicken wings?"

"Tss ang daldal mo tara na nga" ginulo pa nito ang buhok ko bago ako inakbayan at inihapit sa kanya.

"Hoy! a-ano ba?! feeling close naman to!"

Nakarating kami sa room na puro asaran at kulitan, pansin ko pa rin ang kakaibang tingin ng mga kaklase namin kaya agad akong tumahimik at tumigil sa pagganti ng asar sa lalaking to pero wala lang yata sa kanya ang mga mapanuring tingin ng mga kaklase namin dahil patuloy lamang sya sa pang gugulo ng buhok ko.

Inis kong hinampas ang kamay nya sa ulo ko pero agad nya itong iniwas kaya ang nahampas ko ay ang ulo ko na naging sanhi ng malakas na pagtawa nya.

Napangiwi ako sa nangyari dahil medyo malakas ang pagkakahampas ko dahil nga naiinis nako kay zamir.

Agad kong hinimas ang aking ulo at ganon din ang kanyang ginawa.

Sinamaan ko sya ng tingin sa nangyari.

Mas ramdam ko tuloy ang mga awkward na tingin ng aming nga kaklase.

"Hindi ba nya kilala kung sino yang nilalandi nya?"

"It's freaking Zamir Tyrone Very hot Argiente! one of the hottest bachelor and son of the family Argiente!"

"Kaya siguro sya ganyan kase alam nyang mayaman si zamir!such a gold dig—"

Hindi na natuloy ng kung sino man yon ang kanyang sasabihin dahil nakita ko ang pagbaling ni zamir sa kanyang likuran na naging dahilan ng pagtahimik ng mga bulong bulungan.

Agad ko naman syang sinaway, hayaan nya na lang ang mga iyon dahil 'di ko din naman masyadong naintindihan ang mga pinagbubulungan nila.

'Di ko nga alam kung bakit lumingon si zamir sa bandang likod dahil wala naman akong narinig dahil sa sobrang hina noon kaya hindi ko na lang ito pinansin.

Inis kong pinitik ang kanyang kamay na naging dahilan ng muli nyang pagbaling sakin.

Bakas parin ang pagkunot ng kanyang mga noon ngunit agad din nawala iyon.

Natapos lang ang asaran namin ng dumating na ang aming teacher.

Habang nag didiscuss ang aming teacher ay nagte-take down notes naman ako ng lesson para kahit paano ay may mareview ako kung sakaling magkaroon man ng quiz at activity.

Nabaling naman ang tingin ko kay zamir na tahimik lang at nakikinig ng mabuti sa aming guro.

Bakit kaya hindi nag te-take down notes itong lalaking to?

'Di ko napansin na medyo natagalan na ako sa pagtitig sa kanya hanggang sa mahuli nya ko.

Napatingin din sya sakin saglit saka sumenyas na lumapit ako.

Agad akong lumapit ngunit nanindig ang balahibo ko sa sunod nyang ginawa.

lumapit din sya sakin para bumulong, damang dama ko ang mainit nyang hininga na kumikiliti at umaabot sa aking batok.

"Stop staring, it's rude, di ako makapag concentrate sa lesson dahil nadidistract ako sa mga titig mo" he said with a husky voice.

Biglang nanlaki ang mga ko sa sinabi nya,hindi ko maexplain kung ano bang dahilan ngunit bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na at magkalapit kami, agad na akong lumayo sa kanya at dahil hindi ko sya marebatan kasi baka mapagalitan kami ni ma'am ay inis ko na lang sya inirapan saka nagpatuloy sa pakikinig.

Narinig ko naman ang mahina nyang tawa na tugon nya sa ginawang pag irap ko kanina.

                                     ³

Chasing the Waves(Argiente Series #2)Where stories live. Discover now