Chapter 4

6 0 0
                                    

Alona's Pov.

"Okay class that's all for today,see y'all tomorrow,class dismiss"

isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos kaming idismiss ng aming teacher.

after ng isang madugong lessons ay natapos na din at makakapagpahinga na ang aking utak mula sa pag gana nito maghapon.

bigla akong na drain kahit halos nakaupo lang naman ako at nakikinig sa mga teachers, siguro dahil sa maghapon ding pakikipag talo at pakikipag asaran kay zamir.

napatingin naman ako kay zamir na nakatingin din pala sa akin pero biglang inalis ang kanyang tingin na animo may binabasa sa white board sa unahan.

napakunot na lang ang noo ko at saka inayos ang aking gamit para maghanda na sa pag uwi.

napansin ko din sa aking peripheral vision na nag ayos na din si zamir nang makita nyang nag ayos na ako ng aking mga gamit.

kahit hanggang sa pag uwi namin ay hindi nya ako tinigilan sa pang aasar nya sakin kaya mas lalo lang akong nabwisit sa kanya.

nang makarating na sa exit ng school ay saka lang sya tumahimik,nagpaalam na ako sa kanyang uuwi dahil medyo may kalayuan ang bahay namin.

"bukas mo na ituloy 'tong pang wawalanghiya mo sakin, mauuna na ko sayo!" paalam ko dito.

pero hindi pa naman ako nakakalayo ay agad nyang hinigit ang braso ko dahilan ng pagbaling ko muli sa kanya,muntik na akong masubsob sa dibdib nya medyo napalakas ang pagkakahatak nya sakin at inaantok na din ako dahil sa pagod,pero mukang nawala ang antok ko dahil sa ginawa nya.

marahan kong ipiniksi ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak dahil nakaramdam ako na parang daloy ng kuryente mula doon at para na rin mapagtakpan ang pagbilis ng puso ko.

"a-ano ba?! ba't ka ba na-nanghahatak dyan?" kunwaring pagalit na ani ko sa kanya.

napatawa naman sya sa akin at ginulo ang aking buhok.

hahampasin ko sana ulit ang kamay nya kaso naalala kong mabilis ang reflexes nya kaya baka mailagan nya ulit at mahampas ko nanaman ang ulo ko.

ngayon ko lang narealize na masakit pala ako humampas.

napanguso na lang akong inaayos ang buhok kong ginulo nya.

"where do you live?"matigas na ingles nitong sabi.

"medyo malayo ang bahay namin mula sa university, why did you ask?"oh diba pantayan ko din ang pag iingles nya.

napansin naman nya ang pagpipilit kong magsalita ng ingles kahit na di masyadong litaw ang accent ko,the side of his lips rose but he stop it and make a serious face again.

kala mo di ko napansin yon, pag naging magaling ako sa ingles who you ka sakin.

hindi naman sa hindi ako marunong noon sadya lang na hindi ako sanay gumamit nito pero dahil madalas ito ang gamit ko pag nakikipagusap kina grandma dahil doon sila nakatira sa ibang bansa ay unti unti ko itong hinahasa para mas maging familiar din ako sa lenggwuaheng ito.

it's also a good thing that I've met zamir because i can practice this language in a basic way of communicating with other people.

"do you have a service? or are you going to commute?" balik tanong nito sakin.

"mayroon kaming family driver but it seems that I'm going to take a bus going home, sira kasi ang kotse at nagtake ng ilang araw na day off si kuya manuel because his wife is sick, ako nga lang ang tao sa bahay namin dahil nasa business trip sila mommy, si yaya naman pinagday off ko na kasi kawawa naman, malaki na'ko kaya kailangan kong maging independent" mahabang paliwanag ko.

may kaya lang kami, hindi naman kami mayaman di katulad nitong si zamir na talagang kilala ang pamilya sa loob at labas ng bansa.

"so that explains your lunch earlier" tumatango tangong ani nito.

agad namang kumunot ang noo ko sa kanya.

bigla akong na offend dun ah!

double meaning ang dating,parang sinasabi nyang walang wala talaga ako kaya delata ang ulam ko kanina bukod pa sa muka akong gutom na gutom dahil ang lalaki ng subo ko.

hindi lang kasi ako nakapagalmusal at nakapagluto ng ulam pang lunch, nasanay na din naman ako na sa t'wing ako lang ang tao sa bahay ay yun lang ang kinakain ko dahil bukod sa tinatamad akong magluto, masarap din naman ang lasa nito at marami kaming stock sa bahay.

siguro hindi pa sya nakakatikim ng mga canned goods sa buong buhay nya kaya ganon na lang ang tingin nya sakin kanina habang kumakain ako.

inirapan ko na lang sya at naglakad na papuntang sakayan para makasakay na ngunit pinigilan nya na naman ako.

mariin kong ipinikit ang mga mata, pilit na pinapakalma ang sarili dahil baka sa pagharap ko sa kanya ay di ko na alam kung anong pwede kong magawa.

baka masapok ko lang ang isang to!

"ano nanaman?!" naiinis na ani ko sa kanya.

gustong gusto ko nang umuwi at magpahinga dahil napagod ang katawang lupa ko sa ginawang pakikinig kanina.

"why are you mad? I just want to offer you a ride, it's getting dark and it is dangerous for a girl to commute alone" pagpapaliwanag agad nito.

"may sasakyan ka?"

hindi pa man sya nagsasalita para sumagot, dumating na naman si kuyang naka formal na suot na nagdeliver ng pagkain kanina noong lunch time.

nakita kong inabot nito ang susi ng sasakyan na nakaparada sa isang tabi na kanina ay wala naman doon.

hindi ko na napansin na pumarada yon doon.

bakit pa nga ba ako nagtanong kung may sasakyan sya? natural may sasakyan na sya kahit sa murang edad pa lang, baka nga lahat silang magkakapatid ay tig iisa ng sasakyan dahil sa yaman nila.

"nakakahiya no, kaya ko naman bumyahe mag-isa, okay lang naman ako—"

"no, I insist so lets go" tila walang pake alam na ani nito sa mga sinabi ko sakanya kanina.

aangal pa sana ako sa kanya ngunit agad na nya akong tinalikuran at pinatunog ang kanyang sasakyan, hudyat na wala na talaga akong magagawa dahil ihahatid na talaga ako.









You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing the Waves(Argiente Series #2)Where stories live. Discover now