CHAPTER 36❤️ Invited

43 1 0
                                    

( Patty )

Nakatitig lamang ako sa professor namin habang nagdi-discuss sa harapan ngunit wala naman pumapasok sa utak ko.

Ang nasa isip ko lamang ay ang mga maaaring mangyare mamaya sa bahay nang mga Dela Vega.

Hindi talaga dapat ako papasok ngayon kaso nakakahiya naman kela Kuya Renz at Tita Kelly. Pinipilit nila na sumabay na ako sa sasakyan ng binata kasama rin si Lina.

Sa totoo lang hindi na ako kumportable na makita o makasama si Lina. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging galit sa akin.

Mas naguluhan pa ako ng bigla banggitin ni Tito Miguel na isama ko na rin daw ang parents ko. Napakunot noo ako dahil ang sinabi ni Kuya Renz sa akin is text ay huwag ko iyon ipaaalam sa mga magulang ko pero bakit ngayon invited na sila?

"Are you okay, Patty?"

Napalingon ako sa katabi ko na si Kuya Renz.

Tinitigan ko lamang siya.

Humarap ito ng maayos sa akin at tinaas-taasan ako ng mga kilay.

Alanganin akong ngumiti.

"Naisip ko lang Kuya Renz yung about sa sinabi nang dad mo kanina."

"What about it?"

"Sinabi niya kasi na isama ko sila mommy pero diba ang sabi mo huwag kong ipaalam sa kanila."

"Ahh... Iyon ba.", bigla itong umayos ng upo, tumagilid at humarap sa unahan. "Invite mo na rin sila m-mommy mo para hindi ka mapagalitan."

Napakunot noo ako.

"Hi Pat-pat!"

"Patty!"

Nanigas ako sa kinauupuan ko.

'Kuya Vince and Prince?'

Bakit bigla naging abnormal ang tibok ng puso ko?

Mabagal ang ginawa kong paglingon sa kanilang dalawa.

Naroroon sila sa likuran ko seryosong nakatingin sa isa't isa, nakapamulsa ang kanilang dalawang kamay. Anong meron?

"Nag-away ba kayong dalawa?"

Bungad ni Kuya James doon sa dalawang kanina pa nagsusukatan nang mga tingin, sabay upo sa katapat kong upuan tapos hinila ito at itinabi sa upuan ko. "Hi Princess!", anito na nakangiti saka pi-nat ang ulo ko.

"Don't touch her."

"Huwag mo nga siyang hawakan."

Nagulat kami nila kuya Renz at kuya James dahil sa pagtaas ng boses no'ng dalawa. Magkasabay pa sila.

"Badtrip nagulat ako! Ano bang problema niyong dalawa pareng Prince at pareng Vince?"

Nakahawak pa sa dibdib na tanong ni kuya James saka tumayo at kunot noo na tumingin sa dalawa na hindi ko rin maintindihan kung bakit nga ba nagkakaganyan?

Kung hindi lang ako bothered sa dalawa matatawa talaga ako sa itsura ni kuya James ngayon.

"Para kayong mga tanga. Mag-usap nga kayo nang maayos. At huwag kayong sumigaw. Ano bang pinagtatalunan niyo? Babae?"

Bigla nagbago ang mga expression nang mga mukha nila. Kanina lang nagsusukatan nang mga tingin ang mga ito at parehong akala mo'y any minute magsusuntukan na. Magkasabay rin na nagtanggal nang bara sa lalamunan ang mga ito at umiwas nang tingin.

"Tara Princess, kain tayo. Libre ko."

Nakangiting anyaya sa akin ni kuya James. Sasagot na sana ako nang bigla tumutol na naman sina Prince at Kuya Vince.

Her Name Is Monique ( Zairin Boys Series #1 ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon