CHAPTER 6❤ Cutie Pie

121 39 6
                                    

( Patty )

The next day suot ko na ang uniform ko and it's really cute. Habang nasa harapan ng salamin hindi ko mapigilan na mapangiti. Ang cute talaga nitong uniform.

Ang design nitong uniform ko sa pang itaas is kulay white siya my lining lang sa dulo ng manggas na kulay red and black tapos may black ribbon to close the neck to add some design too. Sa kaliwang dibdib may bilog na nakaburda doon na kulay itim, sa gitna ng bilog nakaburda naman ang disenyong maliit na building. Bagay na bagay sa kurso namin. While sa pang ibaba naman is kulay gray na skirt. Dalawang klase ang uniform namin. M-W-F yung long sleeve ang style ang susuotin namin. Kapag naman T-Th-S yung short sleeve blouse type.

Ang suot ko ngayon ay ang blouse type dahil tuesday ngayon.

Ganoon din naman ang design sa long sleeve ang naiba lang yung lining na red and black ay naruroon pa rin malapit sa bandang kilikili. Halos parehong pareho lang naman, ang ipinagkaiba lang ng uniform ko sa uniform ng mga lalake sa department namin is necktie yung kanila na my lining din na red and black sa bandang dibdib while sa akin ay black na ribbon naman. Ang pang ibaba ko ay skirt na gray sa kanila naman ay Slacks na kulay gray din.

Kaso sobrang kahihiyan ang nangyare sakin dahil sa uniform na 'to. I-announce ba naman thru speaker ang buong pangalan ko para kunin lang yung uniform na ito sa faculty room. Pwede naman thru phone nila ako tawagin, bakit sa speaker pa? Rinig na rinig pa naman ito sa buong building ng Architechture. Dali dali tuloy akong lumabas ng room namin dahil lahat na naman ng atensiyon nila sa'kin natuon.

Kaya pala natagalan silang ibigay ang uniform sakin kasi ipinagawa pa nila ito sabi ng dean sakin. Wala silang stocks na uniform para sa mga babae dahil hindi naman daw nila in-expect na may mag eenrolled pa na babae sa department ng Zairin dahil puro lalake lamang ang nakakapasa doon.

Doon ko nakilala si Catalina Johnson. Lina for short. Ang ibig sabihin daw ng kanyang pangalan sa spanish ay pure. Ang mama niya isang Filipina at ang papa niya ang Spanish. Kaya pala mukha siyang foreigner. Isang transferee students din siya tulad ko pero iba ang kurso niya. Bachelor of Fine Arts (BFA) ang ti-ni-take niya. Tulad ko 2nd year na siya sa course niya this year.

Sobrang bait niya at down to earth 'yon ang napatunayan ko habang kausap ko siya. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya. Matatas na rin siyang magsalita ng tagalog dahil matagal na rin sila dito sa pilipinas. And the reason kung bakit siya lumipat sa prestihiyosong universidad na ito ay dahil naririto ang lalakeng nagugustuhan niya. Ganoon kasimple kaya naririto siya ngayon. At nasa department ko ang lalakeng tinutukoy niya. Sobrang gwapo daw nun at talented may pagka-snob lang daw pero mabait. Napaisip ako kung sino kaya sa kanila? Dahil hindi naman sa'kin binanggit ni Lina kung sino doon. Sabagay kahit sabihin niya kung sino hindi ko rin naman makikilala. Ang dami nila tapos halos lahat ang gu-gwapo walang naligaw na ampon lahat may ipagmamalaki sa itsura pati na rin sa estado sa buhay.

Sa kanya ko din nalaman na kaya pala ganoon ang mga reaction ng mga tao sa Zairin's department ay sanay na silang may papasok na babae sa department nila pero after a week or two weeks, matagal na ang 3 weeks pero bihira mangyare 'yun. Umaalis din sila kasi bumabagsak. Sa mga quizzes pa lang nagbibigay na ng grado ang mga professors dito kahit na kakaumpisa pa lang daw ng klase. Kaya doon pa lang malalaman na kung kailangan mo pa bang mag patuloy.

Grabe ang lupit nila.

Kaya dapat ngayon pa lang tumutok na ako sa lahat ng lessons namin. Ayokong mapahiya kela Mom and Dad na una pa lang tinutulan na nila ang kursong pinili ko. Maging kay Ms. Valdez na umpisa pa lang ang gaan na ng loob ko. Pinagkatiwalaan niya ako na makakaya kong pumasa at hindi matulad sa iba na bumagsak lang. Nakaya ko noong unang taon at magagawa kong pumasa hanggang sa makagraduate ako, to make my parents proud at patunayan na magagawa ko especially Mom na sobra ang pagtutol na ito ang kunin kong kurso.

Her Name Is Monique ( Zairin Boys Series #1 ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon