CHAPTER 2

996 43 10
                                    

Chapter 2

Papasok palang ako sa school ay parang gusto ko na agad umuwi. Binabalot ng lamig ang buong katawan ko kahit hindi naman ganoon kalakas ang hangin.

Medyo kukunti pa ang students dahil maaga pa naman. Kanya kanya silang umpukan at nag-iisa naman ako dahil wala pa si Rakia. Palagi naman kasing tinatanghali ng gising iyon. Minsan lang talaga umaaga ang pasok kapag may gustong makita.

Napabuntong hininga ako at inikot ang tingin sa paligid hanggang may mahagip ang aking mga mata.

Napababa lang ang aking tingin sa hawak kong cellphone ng may message na dumating dito. It was from unknown number. Pero kahit numero lang ito ay alam ko na kung sino. I can't forget how this number makes me drown of thinking last night. Ni halos wala akong naging tulog t'wing naaalala ang mga sinabi niya.

Good morning. Have a nice day ahead.

Iyon ang message niya sa akin. Ni hindi na ako nag-abala pang magtipa ng reply. Nang mag-angat ako ng tingin ay nasa akin parin ang mga mata niya. Ako na ang nag-iwas.

This is really not good. How can I have a nice day if I always seeing him around? Wala naman akong magagawa doon. He's one of our Prof, of course! Mayamaya nga lang ay nasa iisang room na naman kami.

"Anong balita sa kumare ko? May textmate kana?" umakbay agad sa akin ang kararating lang na si Rakia.

I froaned. Naupo kami sa isang bench. Napanguso ako sa kanya na parang nagsusumbong.

She knotted her forehead. "Bakit? Inaya ka bang mag-date? Or what?"

Umiling ako. "R-Raki, kasi...tumawag siya sakin kagabi." handa naman siyang makinig sa akin. She knew it when I'm serious. "Sabi niya..a-attracted daw siya sakin. He even says that he likes me. P-Pero baka lasing lang naman siya diba? Biglaan kasi ang pagkakasabi niya. Siguro ay epekto lang rin ng alak diba?" I sighed.

"Oh my goodness! So totoo nga?! May gusto sayo si Sir--" I covered her mouth. Ang ingay. "Ang galing ko talaga! So, anong balak mo? Si Sir na 'yon oh. Kinahuhumalingan ng lahat."

"Wala akong balak." tumingin ako sa kanya. "Hindi pwedeng magkagusto ang teacher sa isang student. Hindi kami talo."

"Anong hindi talo? 19 ka, 24 lang si Sir. Maganda ka naman, gwapo si Sir--"

"Estudyante ako, teacher siya." dugtong ko sa sinasabi niya. Napatutop ang labi niya. "May maipagmamalaki at may kaya ang pamilya niya, ako wala."

She tsked. "Does it matter?"

Hindi ko na iyon pinansin. Pumasok na kami sa room at nasa unahan na si Sir Zach ngayon. Naririnig ko ang mahinang tili ng ilang babae dito sa room. Of course, because of him. He is wearing a blue polo shirt and black fitted pants. Suot din niya ngayon ang glasses niya. And its looks good on him. Nakakalakas talaga ng dating ang glasses.

Paminsan minsan ay ngumingiti siya sa klase na nagiging dahilan ulit ng tilian. I froaned. I still can't forget what he says last night. Totoo ba? Ayoko talagang paniwalaan. How I wish him to be my Kuya before, tapos biglang ganun?!

Siniko ako ng katabi ko. "Hindi daw talo. Tsk, pero kung makatitig, kow! Delikado ka." ngisi pa niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Natapos ang klase ni Sir na pansin ko ang minsan niyang pagsulyap sa akin. Napapatingin tuloy sa akin ang ibang maldita dito sa room.

"Lira,"

Napatayo ako nang marinig ang tawag ni Sir sa unahan.

"Yes po, Sir?"

LOVING YOU RAISED TO THE INFINITE POWERWhere stories live. Discover now