CHAPTER 3

1K 47 31
                                    


Chapter 3

"Okay ka lang?" he asked.

Hindi ko alam pero sa simpleng tanong niyang iyon ay parang napapangiti na ako. Bukod kay Rakia ay siya lang ang nagtanong no'n sakin.

Tumango ako. "Oo naman, Sir. Okay lang."

He sat beside me. Pinakatitigan niya ako ng ilang minuto at nakakailang iyon! Parang nadagdagan tuloy ang lamig na simoy ng gabi.

Napabuntong hininga siya matapos ang mahabang pagtitig sa akin. "Sinundan kita nang makita kitang palabas sa kanto niyo. Para kang zombie na naglalakad. Ganun ba ang okay?"

Nagulat ako sa sinabi niya. "S-Sinundan niyo ko, Sir?!"

"Oo. Idol kita eh."

Napamurot ako sa sagot niya at matawa tawa naman siya sa akin. Kapag nasa labas talaga ng School ay hindi mo mapaghahalata na isa siyang teacher.

Halos malapit lang din kasi ang bahay niya, halos kabilang kanto lang ng sa amin. Pero bakit naman niya ako kailangang sundan? At nakita niya pa ang mukhang tanga na paglalakad ko kanina!

Maya't maya ang pagsulyap niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang pinakikiramdaman niya ako ngayon.

"Gusto mo, maglakad-lakad tayo?" he asked.

Nangunot naman ang noo ko. "May sasakyan ka naman, Sir. Bakit ka maglalakad?"

"Hindi ko dala." tumayo siya sa kinauupuan at humarap sa akin. "Lets go?"

Naiilang man ay tumayo na rin ako.

Nanatili siya sa gilid ko. I'm just staring at the street lights habang tahimik kaming naglalakad sa dito sa may plaza. May mangilan-ngilang tao pa sa paligid kahit gabing gabi na rin.

Napatingala ako sa kanya dahil may kataasan siya sa akin. At sa pagtingin kong iyon ay nahuli ko ang pagnguso niya.

"Bakit hindi ka nahahawa sa kaingayan ng kaibigan mo?" he pursed his lips.

Napangiti ako dahil alam kong si Rakia ang tinutukoy niya. Of course, I don't have any friend aside from her. At iyon lang din naman ang maingay na kilala ko.

"Baka ibagsak mo ako sa accounting kapag naging maingay rin ako, Sir."

He chuckled. "Ideal girl ko pa naman 'yong maingay."

Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin niya iyon. Like what? Dapat si Rakia ang gustuhin niya kung ganun at hindi iyong sa akin siya umaamin ng kung ano. Nagtuloy ako sa paglakad nang mapansin na nakatingin siya sa akin habang nakangisi.

"Mabuti nalang tahimik ako, Sir."

Mahina siyang tumawa. "Kaya nga nagbago ang ideal ko eh."

Mas tinawanan niya pa ako nang matigilan ulit ako.

Kung hindi ko lang siguro ito subject teacher ay baka nabatukan ko na ito. Hindi naman ito ang unang beses na may nangharot sa akin but, knowing that he is one of my teacher, nalilito ako sa dapat kong maramdaman.

Tama si Rakia na hindi magkalayuan ang edad namin ni Sir Zach, pero its still not good to see us this way. Kung may makakaalam nito lalo na sa school ay pihadong may eskandalo na mangyayari.

Tumigil kami sa paglalakad at naupo sa ilalim ng isang malaking puno. Pinagmasdan ko lang siya habang umiinom ng bottled water na binili niya.

I gulped when he look at me.

"Wag kang masyadong tumitig sa akin. Baka hindi ka sa accounting bumagsak at sa akin."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Ano bang meron sa gabing ito at tila lumalabas ang kalandian niya sa katawan?

LOVING YOU RAISED TO THE INFINITE POWERWhere stories live. Discover now