CHAPTER 4

131 4 1
                                    

Chapter 4

"Ano? Kamusta ang bentahan mo?" narinig kong boses ni Tito Arman mula sa labas.

Alas tres palang ng madaling araw nang tingnan ko ang oras. Sino kayang kausap no'n?

"Hinaan mo nga 'yang boses mo at baka marinig ka ng mga bata!"

Nasagot ang katanungan ko kung sino iyon...si Mama.

"Maayos ang bentahan ko. May contact na rin ako na customer, inaantay ko nalang iyong deliver ni Endo."

Ano kaya iyong pinag-uusapan nila? Sa pagkakaalam ko naman ay walang trabaho si Mama ah?

"Siguraduhin mo lang maayos iyang trabaho mo at sabit rin ako isang palpak lang dyan." si Tito Arman.

"Mas doble ang kamalasan mo kapag ikaw ang pumalpak. Pusher kana, user ka pa. Tsk."

"Psh, pareho lang naman tayong kapit patalim."

"At least ako nagbebenta lang, hindi gumagamit. At nagbebenta ako para sa pang araw araw na gastusin dito."

Nagsikip ang dibdib ko habang nakikinig sa usapan nila sa labas. Is it about...drugs?

Napalunok ako. Hindi na lingid sa aking kaalaman na gumagamit ang stepfather ko ng ilegal na droga pero hindi ko alam na nagbebenta rin pala siya at...pati si Mama?

Bakit kailangang pati si Mama? Ang daming legal na trabaho, bakit iyon pa ang napili niya? Hindi niya ba kami naiisip ni Gail? Hindi ba siya natatakot sa pwedeng mangyari dahil doon sa trabahong ilegal na iyon?

Napahinga ako ng malalim. Humiga ulit ako sa kama at humalukipkip. I tried to push myself to sleep again but a lot of thoughts comes into my mind. Sa lalim ng pag-iisip ko tungkol doon sa narinig na usapan kanina ay biglang pumasok sa isipan ko sina Papa at Kuya.

Natatakot ako sa mga naiisip kong posibleng mangyari. I closed my eyes and there my tears streaming down, soaking my face. Hinagilap ko sa aking tabi at niyakap ang hugis pusong unan na bigay ni Kuya sa akin.

Inimagine ko nalang na andito siya sa tabi ko ngayon. Inaalo ang umiiyak niyang bunso. Habang si Papa naman ay inaalo rin ako sa mga salita niya.

Umiyak lang ako hanggang maramdaman ko na ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana.

Naghilamos lang ako at nagtungo sa kusina kung saan nandun pala si Mama. Sinuyod niya ako ng tingin.

"Anong nangyari dyan sa mata mo? Umiyak ka? Baka naman kung sinong lalaki na iyang iniiyakan mo ha." maagang sermon niya.

Napabuntong hininga ako habang nagsasalin ng tubig. "Wala akong lalaki, Ma."

"Oh, e bakit ganyan kamaga ang mata mo?" hindi ko alam kung concern siya o talagang gusto niya lang akong sermonan.

Napatingin ako sa kanya. "Narinig ko ang usapan niyo ni Tito Arman." pag-amin ko. Tila natigilan naman siya sa sinabi ko. "K-Kailan ka pa naging...n-naging pusher, Ma?"

Matunog siyang suminghal. "Usapan? Ano bang usapan ang sinasabi mo? Baka naman nanaginip ka lang ng gising at--"

"Ma, narinig ko na. Hindi mo na kailangang magmaang maangan ngayon."

Ngumisi siya sa akin na para bang wala lang sa kanya kung nalaman ko na ang totoo o ano.

"Bakit naman sa dami ng trabaho, Ma. Iyon pa talaga ang napili mo? Hindi mo ba alam na delikado iyon? Maari kang makulong kapag nahuli ka!"

"Anong trabaho? Magtinda sa palengke, maging katulong kung kanino. Sa tingin mo ba ay sapat ang kikitaan ko doon? Doble nito ang kinikita ko ngayon, Lira!" padabog niyang binaba sa mesa ang hawak na baso. "At saka, ano bang pakialam mo kung anong ginagawa ko, ha? Wala ka na ngang naiitulong sa bahay na ito may kapal ka pa ng mukhang pagsalitaan ako ng kung ano!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVING YOU RAISED TO THE INFINITE POWERWhere stories live. Discover now