Puti

224 16 0
                                    

Puti ang kulay ng panyo ni Gwen. Puti rin ang pang itaas na uniporme nila. 

Lunch break na at magkakasama sa iisang table sila Maloi, Colet, at Sheena.

Si Gwen nakamasid sa lamesa nila habang ang mga kasama niyang sina Aiah at Stacey ay kumakain habang nag kukwentuhan.

"Huy baklang to, hindi ka kakain?" Suway ni Stacey sakaniya. Binatuhan pa siya ng tissue.

Nagulat si Gwen sa biglang tawag sakaniya, "Ano ba Stacku, kagulat naman to."

"Kanina ka pa tulala diyan Gwenny, kumain ka muna." Tinawanan naman siya ni Aiah.

Narinig nila ang malakas na tawa ni Maloi kaya napatingin sila sa lamesa nila. Si Gwen naman napatitig ulit.

"Ang cute ni Maloi noh?" Ngiti ni Aiah. Tumango naman si Gwen

"Ay umagree si bakla. Mas cute ako ate Aiah!" 

"Ewan ko sayo Stacey," sabi ni Gwen.

Tumawa lang si Aiah sakanilang dalawa.

"Pero serious Gwen kumain ka na, matatapos na lunch break," sabi ni Aiah kay Gwen kaya sumunod na ito at nagumpisang kumain.

"Ah!"

Lumingon ulit si Gwen at nakitang nakatayo si Maloi habang hawak blouse niya. Natapunan siya ng juice.

"Sorry ate Maloi! Wait kuha ako pamunas!" Sabi ni Sheena.

"Punta tayo sa cr Loi, sunod ka na lang don Shee ha." Sabi naman ni Colet kay Sheena at nauna na sila umalis.

Tumayo si Gwen at lumapit kay Sheena na nag hahanap ng pamunas.

"Shee."

Tumingin si Sheena kay Gwen, "Ate Gwen?"

Inabot niya ang panyo niya. "Oh eto na lang."

"Hala, thank you! Okay lang ba?"

"Oo, siyempre inalok ko na eh. Bebe talaga," bahagyang napatawa si Gwen at napakamot naman ng ulo si Sheena.

"Sabi ko nga, salamat ate Gwenny!"

Nagmadali ng umalis at sinundan ni Sheena ang dalawang kaibigan habang si Gwen bumalik sa upuan nila.

"Nako, nako kailan kaya maglalakas loob 'tong manok natin ate Aiah?" Ngumisi si Stacey.

"Kapag nagkaroon siguro ng wings ang baboy." Tawa ni Aiah at nag apir sila ni Stacey.

"Edi wow."


KalachuchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon