At Dilaw

224 19 0
                                    

Dumilaw na ang ibabang parte ng blouse ni Maloi dahil sa natapong juice.

Wala siyang panyong dala ngayon buti na lang meron si Sheena. Pinangpunas niya ito sa blouse niya at sinubukang tanggalin ang pagkalagkit.

"Sorry talaga Ate Maloi," sabi ni Sheena.

"Okay lang ano ka ba." Tinignan niya sa salamin ang blouse, may dilaw parin pero hindi na sobrang halata kaysa kanina.

"Okay na to, salamat sa panyo." Hawak ni Maloi ang puting panyo, "labhan ko na lang tas balik ko bukas."

Tumango lang si Sheena.

"Tara na? Time na rin, balik na tayo sa room." Sabi ni Colet.

Nang nakabalik na sila sa kani-kanilang classroom, Si Maloi napansin ang kaklase niyang tumitingin sakaniya.

Napataas naman parehas ang kilay niya at nagtatakang tinignan pabalik ito.

"May sasabihin ka Gwen?"

Mukhang nagulat nanaman ang kaklase niya.

"Wala wala...ung uniform mo..." Tinuro ni Gwen ung mantsa.

"Ahh eto? Natapunan ni Sheena ng juice kanina, pero okay lang hindi naman halata eh."

"May-may ano...ano sa bag ko..." Bumubulong si Gwen kaya hindi masyadong naintindihan ni Maloi.

"Ha? Ano yon?"

"May jacket sa bag ko gusto mo hiramin?" Hindi nakatingin si Gwen sakaniya, hinahalungkat na niya bag niya para kunin ang jacket.

"Hindi okay lang! salamat," tanggi ni Maloi. Nakakahiya naman.

"Okay lang din!" Pagpilit ni Gwen at inabot ang jacket.

Bago pa humindi ulit si Maloi, dumating na ang teacher nila. Kaya napilitan siyang kunin ito at nagpasalamat kay Gwen.

Kulay dilaw ang jacket na binigay ni Gwen. Sinuot niya ito at naamoy agad ang pabango nito.

Ang bango, amoy bulaklak....amoy kalachuchi?

Natapos ang araw at uwian na. Bibigay na sana pabalik ni Maloi ang jacket kay Gwen kaso pagtingin niya sa likod wala na ang babae.

"Ang bilis naman niya umuwi?"

Kaya habang nakatambay pa sila nila Colet at Sheena sa Gym nakasuot parin sakaniya ang jacket.

"Ate Maloi bat ba naman naka jacket ang init init," sabi ni Sheena.

"Oo nga tas rereklamo." Sabi naman ni Colet habang kinakain ang Ice Cream niya. 

"Para nga matakpan ung mantsa."

Kumunot noo ni Maloi, "Bat pa ba tayo nandito wala namang practice dance club niyo!"

"Meronnnnn," sabi ni Sheena. "Sabi ni ate Mikhs pumunta lang daw kami kasi ngayon ung auditions."

Sakto, pagkatapos sabihin iyon ni Sheena pumasok na ang mga miyembro ng dance club na kasama si Mikha.

"Oh ayan na sila! Tara na ate Colet ubusin mo na yan!" Hinatak na ni Sheena si Colet.

"Luh teka lang naman! Maloi ung bag namin ah!"

"Pinagbantay pa nga ako," nagbuntong hininga si Maloi at nilabas na lang ang libro niya.

Buong audition ng dance club, hinintay niya matapos para kela Sheena. Natapos niya na mga assignment niya dahil dito.

Natapos na sila at masayang tumakbo sakaniya si Sheena kasunod si Colet.

"Bukas daw malalaman ung results! Magkakasama na kami ni ate Colet at ate Gwen tsaka ni Mikhs sa club!"

"Pano mo nalaman? Malay mo hindi tayo pasok." Kontra ni Colet.

"Pwede ba yon? Kakilala natin si Mikha at ate Gwen makakapasok tayo!" Lakas loob na sabi ni Sheena.

"Bat wala si Gwen?" Takang tanong ni Maloi.

"Umuwi daw agad sabi ni Mikhs, may gagawin daw eh."

"Lakas maka Mikhs wala ng ate ate," Binatukan ni Colet si Sheena.

"Hoy! Si Mikhs nagsabing wag na mag ate," sinamaan ng tingin ni Sheena si Colet.

"Edi, hatdog."

"Luh!"

Umiling si Maloi. "Tara na nga!"


KalachuchiOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz