Ang dugo

212 17 1
                                    

Nasa kainan sila ni Aling Nena, nanay ni Gwen. Walo silang magkakasama sa lamesa na nagtatawanan at naguusap.

"Dapat libre ni Jho eh, siya ung may medal dito!" Asar ni Stacey sa kaibigan.

"May pasalubong na nga ako sayo ako pa mang lilibre? Ayos ka rin eh." Sabi ni Jhoanna at tinulak ng bahagya si Satcey.

"Pagkatapos neto Ice cream tayo! Grabe ang init sa Pinas," reklamo ni Sheena sakanila.

"May nakita akong 7/11 diyan, dun tayo bumili." sabi ni Mikha habang kumakain.

Lahat sila kumportable na nag uusap sa isa't-isa. Ang tanging awkward na lang siguro ay sina Gwen at Maloi na hindi naguusap kahit magkatapat lang sila.

Masyado kasing tahimik si Gwen at masyadong nagaalala kung pano siya ngayon kukuha ng bulaklak. Hindi siya makakapitas ibigsabihin hindi siya makakabigay bukas.

Hindi mapakali si Gwen hanggang sa nagkayayaan na sila bumili ng Ice Cream. Sila Mikha, Colet, at Sheena lang daw pupuntang 7/11. Naisip ni Gwen sumama para sabay na makapitas din siya ng bulaklak.

Tama tama, ang galing ko talaga!

"Sasama ka Gwenny?" Tanong ni Aiah sakaniya kaya tumango siya. 

"Oo sama ako ako kela Mikha."

"Bilisan mo nakatitig ka pa diyan nasa labas na sila Mikha." Sabi ni Aiah na natatawa.

Nanlaki mata ni Gwen at nagmadaling umalis na din.

Pumunta silang 7/11, si Gwen patingin-tingin sa labas nagiisip kung kelan siya makakaalis agad para sana pumitas ng bulaklak.

"Huy ano tinitingin tingin mo diyan?" Kinalabit ni Sheena si Gwen.

"Ay tipaklong!"

"Gulat ka?" Tumawa si Sheena ng malakas sa mukha ni Gwen na gulat na gulat.

"Wag ka nga bebe."

"Ano ba kasi tinitignan mo?"

"Wala, may kailangan kasi ako gawin..."

Nagsalubong naman kilay ni Sheena. "Ano yon?"

"May kukunin lang ako sana."

"Edi kunin mo na, samahan ka namin. Wait tawagin ko na sina ate Colet."

Pinigilan agad ni Gwen si Sheena. "Wag na! Wag na, ako na lang. Hintayin niyo na lang ako hehehe."

Nagaalinlangan na tumingin si Sheena sakaniya. "Sure ka?"

"Yes bebe. Babalik ako agad wait lang ha," sabi ni Gwen.

Lumabas na ng 7/11 si Gwen at pumunta sa bakuran na may Kalachuchi. Bakuran lang to nila Jhoanna kaya okay lang sakaniya na pumitas. Close naman sila ni Jhoanna at alam nito na pumipitas siya ng kung anu-anong bulaklak bago pa siya mag bigay kay Maloi.

Kaya dire-diretso lang talaga siya sa bakuran at sumampa ulit. Namili pa siya ng magandang bunga bago pitasin ang Kalachuchi.

Pagkakuha niya, nagmadali na siyang umalis. 

Nakalabas na siya ng bakuran at nagulat nang nakita ang tatlo sa harapan niya.

"Gwen? Anong ginagawa mo?" Hindi makapaniwala na tanong ni Colet. Habang si Sheena mukhang natatawa at si Mikha mukhang naguguluhan.

"Bat ka namimitas ng bulaklak? Para san?" Tanong ni Mikha.

"Ano yan ate Gwen????" Tawa ni Sheena, "Taray ng pagsampa ha! Ang effort pumitas!"

Naramdaman agad ni Gwen ang dugo na dumadaloy na sa mukha niya. Biglang mas uminit ang paligid, nakakahiya shemay.

"Bat kayo nandito????? Sabi ko hintayin niyo na lang ako eh." 

"Eh baka kasi matunaw pa tong ice cream." Sabi ni Sheena.

"Ikaw ung namimitas sa bakuran nila Maloi???" Sabi ulit ni Colet.

Nagtaka naman si Gwen. "Anong kela Maloi? Kela Jhoanna tong bakuran."

"Ha? Eh ayun ung kela Jhoanna oh!" Tinuro pa ni Colet ang bahay ni Jhoanna at ang bakuran nila.

"Oo nga? Kela Jhoanna nga?" Nagtataka parin si Gwen.

"Gwen, tignan mo oh may guhit na puting linya. Tsaka ung mga paso, kela Maloi yon!"

"Wait ate Gwen, akala mo bakuran nila ate Jho to?!" Sabi ni Sheena.

Mas lalong namula ang mukha ni Gwen.

"So hindi kela Jho ung kalachuchi?"

"Hindi!" 

Tumawa ng malakas si Sheena habang si Colet hindi parin makapaniwalang nakatingin kay Gwen.

Si Mikha gulong-gulo na sa buhay niya, patingin-tingin lang siya sa tatlo.

"Buang to, ikaw pala ung pumipitas ng kalachuchi! Lagot ka sa nanay ni Maloi!" Tumawa na din si Colet.

"Ano meronnn???" Tanong ni Mikha sakanila.

"Bhe may pumipitas kasi ng kalachuchi sa bakuran nila Maloi, nagagalit mama niya sakaniya." Paliwanag ni Colet kay Mikha.

Bigla naman napatigil si Colet at tinuro si Gwen. "Wag mo sabihin!"

Kumunot noon ni Gwen habang namumula parin. "Ano yon???"

"Ikaw din ung nalalagay ng kalachuchi sa locker ni Maloi??"

Tumigil na rin tumawa si Sheena at napatingin kay Gwen.

"OMG ate Gwen?!"

"Shhhh!" Pinatahimik ni Gwen ang dalawa. "Wag kayo maingay! Satin lang to ha! Walang magsasabi, Mikhs ha!" Tumingin din siya kay Mikha at pinag-promise niya.

"May gusto ka kay Maloi? Kaya pala ang awkward mo sakaniya!" Tumatawa parin si Colet. "Dzai bat naman kalachuchi naisip mo? Sawa na yon sa bulaklak nila araw araw niya dinidiligan."

"May meaning kasi yon..." bulong ni Gwen na hiyang hiya na sa sarili niya.

"Okay lang yan Gwenny, wala naman nakakahiya kung may gusto ka kay ate Maloi." Sabi ni Mikha at tinapik si Gwen.

Mas lalo lang ata nahiya si Gwen sa sinabi ni Mikha.

"Ano naman meaning ng kalachuchi sayo ate Gwen?" Tanong ni Sheena.

"Masigla."

"Pag nakikita ko si Maloi, sumisigla ako. Ang saya niya tignan na nakangiti at tumatawa. Napapangiti din ako, napapatawa din ako."

"Halata nga eh, nakangiti ka ngayon iniisip mo pa lang." Sabi ni Colet at umiling. 

"Tara na nga baka langgamin tayo dito, tunaw na ung ice cream!" sabi ni Sheena.

Sinamaan na lang ng tingin ni Gwen ang mga kaibigan. 

"Wag niyo ipagsasabi ha!"

KalachuchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon