Chapter 51

64.7K 2.4K 1.3K
                                    

Sorrow





My jaw literally drops dahil sa mga narinig ko mula kay Vesper. She seems scared sa hindi ko malamang dahilan. She looks nice naman pero she's maldita pala. Well, sorry siya because mas maldita ako sa kanya.

"August is my friend, pero kung you like him...saksak mo sa baga mo. I don't have plan naman nang maging Escuel. Like, what's with their surname ba? Nothing special," sabi ko. I hope maintindihan din ni Vesper at magising siya sa katotothanan. Nananaginip pa ata ang isang 'to.

Nanantili siyang tahimik na nakatingin sa akin. Magkahalong takot at pilit na tapang ang nakikita ko sa face niya. Isang salita ko pa dito...iiyak na'to.

"Tahimik at masaya na ang buhay namin ni August," marahang sabi niya sa akin at nag-iwas nang tingin.

Looks like nawala ang tapang niya.

"Life na puno nang secrets and kasinungalingan," pagtatama ko sa kanya.

Ang dami ko nang problem sa life at ngayon naging life advisor pa ako. Hindi ko din minsan alam kung ano ba talagang role ko sa mundo. Ang dami kong characters.

"Lahat nang ipinakita ko kay August totoo, inalagaan ko siya...mahal ko siya," sumbong ni Vesper sa akin na para bang may magagawa pa ako.

"You still lied about his real identity," giit ko. That's lying pa din and that's bad. Very, very bad.

Hindi na naka-imik pa si Vesper at napatulala na lamang sa kung saan while halos malunod na siya sa iniisip niya. Nakatingin lang ako sa kanya, she looks kawawa naman tuloy ngayon. Pag bumalik ang memories ni August...Kahit ako hindi ko alam kung saan siya pupulutin.

"Saan kayo kinasal?" tanong ko.

Mas lalong bumagsak ang balikat niya and mas lalong napayuko.

"Sa munisipyo..."

Nagtaas ako ng kilay. I don't have problem naman sa mga kinakasal sa munisipyo pero church wedding ang dream ko. Kung hindi afford nang mapapangasawa ko ang church wedding...ako ang gagastos.

"H-how? Ni hindi nga ata niya knows ang totoo niyang pangalan."

"Kakilala ni Tay Vinci yung nagkasal sa amin kaya naging madali ang proseso kahit hindi kumpleto ang mga..." hindi na niya naituloy pa ang sasabihin. Hindi ko na din naman pinakinggan because I'm a bit nag selos dahil ginawa 'yon ni Daddy for her.

Even nga kay Jolina ay naging Daddy figure siya. I'm not against them naman, I'm proud pa nga kay Daddy kasi mas lalo kong napatunayan na mabuti siyang tao. It's just that as his daughter, hindi ko talaga ma-iwasang hindi magselos.

Mas lalo ko tuloy na-miss si Daddy. Muling bumalik sa akin ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pang balita sa kanya.

Inasikaso ako ni Jolina. She is very caring talaga. After almost an hour na nawala ang Calendar brothers ay bumalik sila sa room ko.

"You should stay here and rest, Kuya August," seryosong giit ni Julio habang naka-sunod sa Kuya niya.

Hindi siya pinansin nito at mabilis na dumiretso kay Vesper.

"K-kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Vesper sa kanya.

Napanguso ako when I saw how August's arms snaked around Vesper's waist. I'm not nagseselos, I'm just...amazed by their situation.

"Ayos na. Medyo sumakit lang ang ulo ko. Umuwi na tayo," yaya ni August.

Kita ko ang pagdadalawang isip ni Vesper na sumang-ayon lalo na at masama ang tingin ni Julio sa kanilang dalawa. Julio niyo super stressed nanaman at wala akong pakialam.

No more Sunrise (Sequel #3)Where stories live. Discover now