Chapter 52

62.9K 2.2K 1.4K
                                    

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



Ally

Ramdam ko ang panginginig ng body ko habang mahigpit ang yakap ni Julio sa akin. Everytime mas lalong lumalakas ang hikbi ko ay mas humihigpit ang yakap niya.

"I'm sorry..." sambit ko.

Napuno ng luha ang aking mga mata dahil sa halo-halong emotions na nararamdaman ko. Kanina ay nangibabaw ang fear, ngayon naman ay ang pagiging guilty dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Naiintindihan ko. Walang problema, Vera..." he said in a very marahang voice.

Wala na akong nagawa kundi ang yakapin din siya pabalik at umiyak na lang talaga.

"Hindi ko na alam..." paulit-ulit na sumbong ko sa kanya.

I don't know what to feel, what to think, and what to do.

"Nandito ako. Tutulungan kita, hindi ako mawawala sa'yo, Vera," paninigurado niya sa akin. Naramdaman ko ang paulit-ulit niyang paghalik sa ulo ko.

Tahimik lang akong naka-upo at nanunuod habang ginagamot ni Julio ang sarili niya. Hindi na nga din ako nag-presinta pa or nag-alok nang help dahil ayokong makakita ng sugat.

"Baka mamatay ka because of...severe blood loss," puna ko sa kanya.

Bukod sa I'm distracted sa ginagawa niyang pag gamot sa sarili niyang sugat ay he's topless pa kaya naman sobrang nakaka-distract ang view ko ngayon.

Because of his comfort ay sandaling nag-clear ang mind ko at nakalimutan kaagad ang tungkol sa call kanina. But the kaba inside me remains and I know na anytime soon kung may mag-trigger nanaman don ay paniguradong hindi ko nanaman alam ang gagawin ko.

Looks like he's expert sa pag-gamot ng sarili niyang sugat. Napa-awang ang lips ko when I saw kung paano niya walang pagdadalawang isip na binuhusan ng alcohol ang sugat sa braso niya. Ako na ang naka ramdam ng pain for him.

"Daplis lang ito. Magiging ayos lang ako," he said pa din. I know naman na ayaw niya lang na mag-isip pa ako ng kung ano.

Hindi basta basta ang ginawa ko kay Julio. Pwede ko na siyang mapatay because of that.

"It's not ayos..." pag-amin ko.

He keeps on denying the fact na hindi tama ang ginawa ko pero alam ko naman sa sarili ko.

"You can sue me nga because of that. Marami kang pwedeng evidence. Marami ka ding pwedeng I-reason kung bakit ko nagawa 'yon. Pwedeng it's not an accident...pwede akong makulong," sabi ko anf pumiyok pa.

Unti-unti nanaman akong nag-o-overthink sa mga na-iisip ko.

Tumangis ang bagang niya, I don't know kung dahil sa ginagawa or dahil sa mga pinagsasabi ko.

"Hindi ka makukulong," he said.

Hindi ako umimik. Nanatili lang ang tingin ko sa kanya with my teary eyes.

"Hindi kita ipapakulong," dugtong pa niya sa akin.

Hindi ko totally pinanuod ang pag-gamot ni Julio sa self niya dahil it's so kadiri and nafe-feel ko talaga yung pain kahit hindi ko naman makita iyon sa kanya.

Dumb as bato na ata ang isang 'to.

Nawala ang attention ko sa kanya nang kumatok si Jolina. She's hysterical and takot na takot nga kanina dahil sa tunog ng baril.

No more Sunrise (Sequel #3)Where stories live. Discover now