Chapter 03

0 0 0
                                    

"Cold brew coffee niyo po sir." Nilapag ko ito sa coffee table na nasa tapat niya saka bumalik sa kusina. Kinuha niya iyo habang nasa tv pa rin ang mga mata. Nanonood kasi siya ng basketball.

Sa isang linggong pamamalagi ko rito ay ang laki ng bilib ko kay sir Ged kasi kahit ganoon ang kalagayan niya ay hindi ito naging hadlang upang magawa niya ang mga bagay na nakasanayan niya gaya kahapon naabutan ko siyang nagpipinta sa tapat ng swimming pool, na kahit inaatake siya ng head tics niya ay hindi ito naging hadlang para matapos niya ang isang napaka gandang obrang ipininta niya at ngayon ay nakasabit sa pader kasama ng iba niya pang gawang sining.

Paminsan-minsan ay nakakarinig din ako ng pag dribol ng bola sa loob mismo ng kwarto niya na sa tingin ko ay nag eensayo siya. Iyon din ang pinaka unang beses na nakapasok ako sa loob ng kwarto niya para kolektahin ang mga kailangan ng labahin.

Napakalaki rin pala ng kwarto niya na kasing-laki na nito ang bahay namin. May sarili siyang salas, bathroom, walk-in closet at smoking area. Medyo madilim at tanging liwanag lang na nanggagaling sa bintana ang nagbibigay liwanag sa kwarto niya, hindi niya hilig ang magsindi ng ilaw.

Sa loob lang din ng isang linggo na iyon ay napakarami ko nang nalaman tungkol sa kaniya kahit hindi niya sabihin ay natuklasan ko iyon sa sariling pamamaraan lang gaya ng, ayaw niya sa loud music, madali siyang mairita sa tuwing nakakagawa siya ng hindi niya gusto, madalas din siyang hindi makatulog sa gabi pero madalas matulog sa umaga at tanghali. Madalas ko rin siyang ipagtimpla ng kape dahil iyon ang hilig niyang inumin bukod sa alak at tubig.

Ngayon ay narito ako sa loob ng aking kwarto, naglilista ako ng mga activities na pwede kong ipagawa sa kaniya upang tumaas ang Behavioral Inhibition niya, madalas kasi siyang kinakabahan kapag gagawa siya ng ibang bagay na hindi siya pamilyar gaya ng pagluluto.

Balak ko ngang isali yung bilang isa sa mga activities niya kaso kailangan na kailangan ko pa siyang tanungin at mapapayag ukol dito.

"Do I really have to do that? Do you think that will help me?" Walang emosyong tanong niya.

Tumango ako at ngumiti ng tipid. "Oo, sa nakikita ko sa yo, mababa ang behavioral inhibition mo at masiyado nang lanta ang kalusugan mo. You're currently lack of outdoor activities, stress din ang katawan mo." Pinakita ko sa kaniya ang isang chart na naglalaman ng isang graph.

He shut a brow to me. "How could you say that my body is stressed?" Mababa ang tono ng boses niya.

"You know, kahit hindi mo nararamdaman ay may possibility pa rin na ma-stress ang katawan ng tao. Kailangan mo ring libangin ang sarili mo at huwag puro tulog, masama rin sa katawan ang sobra sa tulog lalo na kung wala sa oras ang kain." Pinaparinggan ko na siya dahil madalas wala sa oras ang kain niya at panay ang tulog niya. Minsan ang tanghalian niya ay pang hapunan na.

"So you're making some rules and regulations now, huh?"

Umiling ako. "No. You just have to trust me, let's do some indoor and outdoor activities. Let's do this!"

"I can't do outdoors, I can't go out." Sabi niya at umiwas ng tingin.

"Can't or won't?" Tinagilid ko ang ulo ko habang nakatingin sa kaniya. "I know you're scared of people's judgements but how will we know if we don't try? Walang magagawa ang hiya, habang-buhay kang makukulong sa kadiliman kung patuloy mo itong sasamahan. Minsan, kailangan mo ring umiyak sa pagsasakripisyo para makamit mo ang dapat na sa yo."

He sighed after that and looked down to his trembling hands. "I'm not yet ready. I'm not used to it." He cleared his throat to avoid a trembling voice.

LA LUNA HERMOSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon