Chapter 04

0 0 0
                                    

"Talaga? Nabanggit na niya ako sa yo dati pa?"

Lumamig na tuloy yung mga pagkain na niluto ko para sa breakfast niya dahil sa nangyari pero nagustuhan niya pa rin at ganado pa siyang kumain. Inaya niya na rin akong kumain kaya wala akong nagawa, kinakausap ko rin siya tungkol sa mga bagay na hindi makakapanakit sa kanya para hindi siya mawala sa sarili at mastress.

"If you are given a chance to proceed in college, what job course do you want to take? No pressure, just wanna know." Tapos na akong kumain kaya makikipag dal-dalan na lang ako sa kanya. Bread and egg lang naman ang kinain ko dahil hindi naman ako mahilig ng heavy breakfast.

Binitawan niya muna yung mga kubyertos saka umakto ng parang nag-iisip habang ngumunguya. "I want to be an artist." He told me which made me smile. Halata naman sa mga hilig niya na gusto niyang i-pursue yung pagsisining. Kung talagang magkakaroon siya ng pagkakataon na makapag-aral ulit, magiging isang magaling na artist siya ngayon.

"You would be a great artist for sure!" Sinikap kong pagaanin ang loob niya dahil iyon naman talaga ang trabaho ko. Hindi lang naman ang pag-aalaga ang trabaho ng isang caregiver, kasama rin sa sakripisyo namin ang magbigay payo at malasakit sa kanila.

"How about you? Why a caregiver?" Siya naman ngayon ang nagtanong. Tapos na rin siyang kumain kaya niligpit ko muna yung mga pinagkainan saka inabutan ko na rin siya ng mga vitamins niya.

"Hmm. Being a caretaker is a nice job. Sabi ng mga tao…walang kwenta raw yung mga ganoong trabaho pero nagkakamali sila! Ako na mismo ang nagpapatunay dahil marami na akong pinagdaanan sa pagiging caregiver. Nag-alaga ako ng may kapansanan, bipolar person, blind and Deaf people." Masiyado yata akong nadala ng damdamin ko at kinuwento ko na ang buong buhay ko.

"Sorry, I shouldn't act like this in front of you." Paghingi ko ng tawad pero umiling lang siya at ngumiti.

"No,No,No…it's okay, I didn't know you were this kind of strong and nice." He let out a small laugh. "I hope I can be brave like you, you are just like my father. He is also brave and does not give up, he always defends me from those who bullied me even though we both have this kind of condition."

"Minsan naiisip ko kung lalaki ba talaga ako? Pati mga kamag-anak namin pinag-iisipan akong bakla dahil hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. I have nothing to say every time they bully me, I either cry on my mom's shoulder or just lock myself in my room. I was feeling afraid to go outside, afraid that I might experience that kind of bullying again." Tumingin siya sa mga mata ko.

"Do you even have a friend? During your elementary days?" Mukhang napunta na sa seryosohan itong pagkukwentuhan namin. "No pressure again."

"I have one, but I don't know where he is right now. That was years ago, we were just kids back then wala na akong contact sa kanya kaya hindi ko rin alam kung kakilala pa ba namin ang isa't-isa."

"May I know his name?" I was just trying to get it baka sakaling makatulong ako.

He shut a brow to me and put a small smirk on his face. "Why do you ask? Are you trying to find him for me? Nah…mom already did that but I refuse, so don't do the same." He chuckled.

"Uh. Hindi naman." Bakit naman ayaw niyang makita ulit yung kaibigan niya dati? Natatakot din ba siya na baka husgahan siya nito? Umiral ang kakulitan ko dahil kahit sinabi na niyang ayaw niyang mahanap yung kaibigan niya ay hindi pa rin ako pinapatahimik ng konsensya ko kaya naman noong umakyat na sa taas si Ged ay kaagad kong tinawagan si ma'am Fiona.

[ What do you mean? ] parang hindi pa nagrerecall sa kanya ang hinihingi ko.

"Uhm. Yung friend daw po niya noong elementary?" I bit my nail as I was feeling nervous.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LA LUNA HERMOSAWhere stories live. Discover now