CHAPTER 77

421 12 4
                                    

SKY'S POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, medyo nahihilo pa ko at wala sa katinuan. Naaninag ng aking mga mata ang isang lalaking nakaupo sa harap ko na malumanay na nakatingin sakin

Axel...

"N-nasan ako? B-bakit nandito ako?" nanghihinang tanong ko kay Axel ngunit hindi niya ako sinagot at bagkus ay tumayo papunta sa isang sulok na may ilaw

Nang tuluyan na akong mamulat ay napagtanto kong nasa isang warehouse ako dahil puro makina ang nasa loob na ito. Agad kong nilingon si Axel na ngayon ay nasa telepono at may kinakausap

"Sige. Ingat kayo" sabi pa niya bago ibaba ang telepono

"Axel! A-ano bang nangyayari? B-bakit ako nandito? Anong gagawin mo sakin?" mga tanong kong may tonong kinakabahan

"Just wait, Sky. They're on their way" sarcastic niyang sagot

Bigla akong kinabahan at papaiyak na nang biglang magbukas ang pinto kaya napatingin ako

This can't be! How could you do this to me? May nagawa ba akong masama sayo?! Wtf?!

"Siguro naman eh kilalang kilala mo siya, Sky" natatawang sabi ni Axel

"P-paano? Bakit? A-akala ko ba kaibiga-"

"That was before, not now" sabi ni Keyl habang papalapit sakin

"M-may nagawa ba akong masama sayo? Diba wala!" naiiyak nang sabi ko

"Marami, Sky. MARAMI" pagdidiin niya

"You know when I confessed to all of you that I like Grey? Dapat lumayo ka na eh. Magugustuhan naman ako ni Grey... Kung wala ka! Kahit kailan talaga napaka sawsawera mo! You always take everything away from me! Pati ba naman ang taong mahal ko!? Ganun ka na ba talaga ka desperada?!" galit niyang sabi

"Desperada? Who is really desperate between the two of us? Ikaw ba ang pinili? So paano ako naging desperada?" sabi ko sa kanya

"How dare you-"

"Relax, Keyl!" biglang may nagsalita sa pinto kaya napatingin kami

"Wtf??! A-ano toh? Tulungan kayo simula nung una palang?" tanong ko ng mapagtanto ko kung ko ang nagsalita

"Chill Sky. Anong silbi ng girl bestfriend?" sarkastikong tanong sakin ni Mercy

"Girl bestfriend ka lang, girlfriend ako" pagsusumbat ko

"Not anymore" sabi niya sabay smirk

Naglabas siya ng baril at itinutok sakin

GREY'S POV

"ANO!?" sabay-sabay na tanong nina Loe at Yenne

"So that means wala nang kayo?" tanong ni Chase

"Grabe ka naman sa wala na. Di pedeng tampuhan lang sila?" sabi ni Theo

"Ano nang gagawin mo ngayon? At alam mo ba kung nasaan si Sky?" tanong ni Dylan

"I have no idea. Alam kong nasaktan siya sa mga nakita niya. But i explained everything before but she is still mad. Hindi ko na alam kung anong pwede kong gawin" naiiyak kong sabi habang nakatungo

"Dre, we're here. At alam ko namang matatanggap ni Sky yon. Just give her some time and space" sabi ni Dylan

"Yeah. Dylan is right. Hindi ka namin papabayaan, ano pa't magkakaibigan tayo diba?" pagsang-ayon ni Chase kay Dylan

"Don't worry, magkakaayos din kayo. Tiwala lang, dre" sabi naman ni Theo

They're always the best.

"So asan na nga si Sky?" tanong ni Loe

"And where's Keyl? I haven't seen her since today" sabi ni Dylan

Bigla akong kinutuban...

What if...

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Hi guys!!! Thank you for supporting my story. Konting kembot na lang mga mare at malalaman nyo na lahat! Pero alam kong may iba sa inyo na alam na ang mangyayare. But please keep reading and supporting my story. Adios!

Pervert Gurls Meets Pervert CasanovasWhere stories live. Discover now