CHAPTER 54

688 17 1
                                    

LOE'S POV

Linggo ngayong araw at naghahanda na ako papunta sa church. Nakasanayan kona kasi na tuwing linggo ay magsisimba ako. Minsan kasama yung tatlo kong kaibigan na lukaret at madalas ako lang mag isa medyo may pagkademonyo sila e

Palabas na ako ng pinto nang bahay ay agad bumungad ang itim na kotse na nakatigil sa tapat namin kaya medyo kinabahan ako

Ilang segundo lang ang lumipas at tumuloy na ako sa paglalakad. Lalampasan kona sana ang kotsrng itim ng bigla itong bumusina ng malakas dahilan para magulantang ako. Agad akong napatingin dito

Bumukas ang bintana ng kotse at sumilip si Chase

Taena netoh!

"Ano ba Chase!? Kinabahan ako sayo! Akala ko manunupot ka!" inis kong sabi sa kanya habang ito ay bumababa sa kotse nya

Lumapit siya sakin at saka ako nginitian

"Tsk. Sa gwapo kong 'toh manunupot?" nakangisi nyang sabi. Napairap nalang ako sa ere

Napatingin ako sa baba niya at nakitang kong ito ay may ipagmamalaki. Napatingin siya saken pagkatapos ay sa baba niya. Napangisi siya ng napakakapal kaya naman nataranta ako

"Nga pala, bakit ka andito sa tapat ng bahay namin? Sinisilayan moko noh" pang-aasar ko sa kanya at tumawa naman siya ng malakas

"Ikaw? Sinisilayan ko? Kadiri!" natatawa niyang sabi kaya agad ng-init ang dugo ko

Hindi ko na lamang siya pinansin at agad na tumalikod at nagsimula nang maglakad

"Wait! San ka ba pupunta? Samahan na kita" sabi niya kaya mabilis akong napalingon sa kanya pero nabigla ako dahil anlapit na ng mukha niya saken. Napaatras ako bigla at napaiwas siya ng tingin

Dug dug dug dug

"S-sa, sa simbahan" utal kong sagot at agad ding napaiwas ng tingin

Awkward...

Soooo awkward

"Samahan na kita" sabi niya at natawa ako ng bahagya

"Baka naman masunog ka don" pang-aasar ko

"Tss. Ngayon panga lang nasusunog na ko ih. Alam mo kung bakit?" nakangisi niyang tanong

Tumaas ang kilay ko

"Ano?" seryoso kong sabi

"Ang HOT ko kasi" sabi niya at dinampi ang labi niya

Assumero

"Tara nanga dami mo pang dada" sabi ko at saka nunang maglakad

"Tanga netoh. May kotse oh" sabi niya kaya tumingin ako

"Tanga ka rin" sabi ko at saka naglakad papunta sa kotse niya

"Anong hinihintay mo pa? Akala mo pagbubuksan kita? Haha nope!" natatawa niyang sabi kaya naman napairap ako at bubuksan kona sana ang pinto nang harangin niya ang kamay ko

"Joke lang. Syempre gentleman din naman ako kahit papaano" sabi niya at pinagbuksan na ako ng pinto at saka ako pumasok at pumasok narin siya sa kabilang pinto. Pinaandar niya ang makina at saka kami umalis

Mga ilang oras din ay nakarating na kami sa simbahan. Pinark niya ang kotse niya at sabay kaming naglakad papasok. Medyo siksikan sa loob dahil linggo nga ngayon at mrami ding nagsisimba kaya hirap kami makapasok

"A-aray" mahina kong daing nang may tumulak mula sa likod

Nagulat ako nang hawakan ni Chase ang kamay ko at pilit pumapasok sa loob. At sa wakas nakapasok na kami

"Hay nako. Ang banas grabe" sabi ko

"Oo nga e" sang-ayon ni Chase

Naramdaman kong nakahawak parin saken si Chase kaya napatigil ako at dahan-dahang tumungin sa magkahawak naming kamay. Tumingin siya saken at sa kamay namin

Agad kong inalis ang pagkakahawak ng kamay niya saken at inayos ang sarili

"T-tara na umupo na tayo" sabi ni Chase kaya di na ako umimik at naglakad na papunta sa upuan

Ba't ang awkward?!

Nagsimula ang misa nung makaupo na ang lahat. Madami din naman ang mauupuan dahil sa laki ng simbahan. Tahimik lang akong nakikinig sa misa at ganun din ang kasama ko. Mga ilang minuto ay natapos ang misa kaya sunod-sunod ang paglabas ng mga tao sa simbahan. Nang makalabas na kami ay agad kaming pumunta sa kotse ni Chase. Tumigil siya kaya tumigil din ako

"Gusto mo ba kumain? Tara?" aya niya

"Basta ba libre mo" nakacross-arms kong sabi

"Anong kwenta ng pera mo?" taas-kilay niyang tanong

"Pake mo ba? Basta ililibre moko" pagpupumilit ko kaya naman nauna siyang pumasok sa loob at ganun din ako. Pinaandar na nya ang makina at saka kami umalis






~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pls. Vote and Comment!
(POV nina Chase at Loe. Napapansin ko kasing puro sina Sky at Grey nalang hahaha)
Happy Reading!


Pervert Gurls Meets Pervert CasanovasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon