CHAPTER 36

908 29 3
                                    

SKY'S POV

Martes na at tinatamad pa akong pumasok kaso wala eh nandito ako sa gate ng school nakakatamad talaga

Pagpasok ko sa room ay biglang bumungad sa akin si Grey na nagbabasa ng libro

Kakaiba ha! Di nya gawain yon!

"Goodmorning" bati ko

"Goodmorning" bati rin nya

Umupo ako sa tabi nya at saka inilabas yung pocket book na binabasa ko, binili ko ito bago kami pumunta sa beach kaso ang weird naman kung dadalhin ko yun sa beach at saka dun magbasa, para akong tanga don

Binasa ko iyon...

Tungkol ito sa lalaking babaero na caretaker ng nakatuluyan nyang babae sweet diba sana all, syempre mahilig ako sa bed scenes and kissing scenes. Ang pamagat nito ay Mr. Cassanova turns to Mr. Caretaker

Ayy Sky bad ka!

Habang nagbabasa ako ay biglang dumating sina Yenne, Dylan, Keyl, Theo, Chase at Loe

Ba't sabay sabay sila langya

Bumati silang lahat at ganun din ako sa kanila

Maya maya pa ay dumating na si Mercy...

Nagtaka naman ako...

"Grey! Bakit di mo ako hinintay! Diba sabi ko intayin mo ako" inis nyang sabi kay Grey

Tumingin si Grey sa kanya at agad ding ibinaling ang atensyon sa librong binabasa nya

Lumapit sya samen at pinaalis ako...

"Sky excuse na lang ha pero katabi ko si Grey" maarte nyang sabi

Kapal ng mukha mo!

"Ah eh, k-kase..."

"Dyan sya nakaupo" bland na sabi ni Grey

Tinaasan naman ako ng kilay ni Mercy

Kaloka amp

"Tsss dapat ako ang katabi mo!" sabi ni Mercy

"Pero Mercy dito ako inassign ni prof na maupo, siguro dun kasa kabilang row" bland na maikling pagpapaliwanag ni Grey

Right!

Nangunot ang noo ko ng hilahin nya ako patayo at sya yung umupo sa upuan ko

Kinunot ni Grey ang noo nya

"Mercy tama na!" suway nito kay Mercy

Tsk pabayae na

"Sige na dyan kana maupo, dun na lang ako sa tabi ni Yenne. Absent naman seatmate nya" sabi ko sabay kuha ng bag ko at upo sa tabi ni Yenne

"Good" mahinang sabi ni Mercy

Puta ginigigil talaga ako ng babaeng toh

"Prend ayus kalang ba?" pag-aalala ni Yenne at tumango naman ako

"Naiinis na ako dun sa Mercy na yun ha!" sabi nya

"Hayss hayaan na lang naten" matamlay kong sabi at saka ipinagpatuloy ang pagbabasa

Sarap sabunutan! Pasalamat ka at mabait ako. Kung hinde baka paglamayan ka unang pasok mo palang

GREY'S POV

Di ko talaga maiwasang tumingin kay Sky, kahit ako wala na akong nagawa s ainasta ni Mercy kanina, alam kong nasaktan si Sky dun haysss

Malapit nang magsimula ang klase...

Pumasok yung adviser namin at pumunta sa gitna

"Class meron tayong transfer ngayon. Halika na kayo" sabi ni prof

Pumunta si Mercy sa unahan at may pumasok ding isang lalake

Napakunot na lang ang noo ko dahil nakangiti sya kay Sky

Nasa 2nd row si Sky kaya madali talaga syang makita

Akin yan maghanap ka ng sayo, tol!!!

"Please itroduce yourselves" sabi ng prof namin

"Hello guys! I'm Milana Mercy Laurel. Nice to meet you guys!" nakangiti na pakilala ni Mercy

"sige maupo kana sa.... Teka Sky bakit hindi ka katabi ni Grey? Pumun...."

"Ako po ang katabi ni Grey, bestfriend ko po sya" pagpuputol ni Mercy

Haysss

Umupo na si Mercy sa tabi ko kahit hindi pa sumasang-ayon si prof

"Goodmorning to all of you, My name is Adrian Axel Morado, you can call me Axel" sabi nung lalaki sabay kindat

Tilian naman ang nabuo sa room

Naku masama ang pakiramdam ko dito ah



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pls. Vote and Cment guys!
Happy Reading!
Thank you for still supporting my story
(Nga pala yung story na binabasa ni Sky na ang pamagat ay 'Mr. Cassanova turns to Mr. Caretaker' ginagawa ko na ang story non, wait until i publish that story. Sana suportahan nyo parin!)

Pervert Gurls Meets Pervert CasanovasDonde viven las historias. Descúbrelo ahora