Chapter XXXI. Unexpected Alliance

110 22 4
                                    


SA bahagi ng ikatlong palapag kung saan naroroon si Freda Arkenarae ay makikita ang duguan niyang katawan habang ito ay lumilipad papalayo sa nilalang na humahabol sa kaniya. Si Freda ay hindi makapaniwala sa nangyayari sa kaniya.

Sinugod siya ng kaniyang kakampi at ang pwersa na mayroon ito ay hindi niya magawang tapatan. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya may nakaharap na ganitong uri ng nilalang. Ang nilalang na nasa loob ng katawan ni Reiss Hovier.

Habang siya ay mabilis na lumilipad, ay may mabilis na itim na enerhiya ang humahabol sa kaniya. Ito ay ang itim na kidlat na nagmumula sa kalaban, maririnig ang mga mahihinang pag-sabog na dulot ng pagtama ng mga ito sa mga pader.

Ang mga itim na kidlat na ito ay hinahabol siya sa kahit saan siya naroroon, ang mga itim na kidlat na ito ay napakalaki ng pinagka-iba sa itim na kidlat na gamit ni Reiss kanina, sapagkat ito ay nagbabago ng hugis.

Ito ay nagbabago bilang isang itim na ahas na kapag tumama ay nagkakaroon ng malakas na pagsabog dahil sa boltahe ng kidlat na nagmumula rito. Samantala ang imahe ngayon ng mukha ni Reiss ay makikitaan ng samut-saring emosyon.

Kagat kagat niya ang kaniyang labi, na tila ba gigil na gigil, at maya maya ay bigla na lamang tatawa na tila ba nawawala na sa kaniyang sarili, at kadalasan ay ngumi-ngiti ito na naglalaman ng kahulugan, ang ngiti ng isang nilalang na handing pumatay, para sa sariling kasiyahan. Ang mga mata naman ni Reiss ay makikitaan ng matinding puot at galit.

Ang ekspresyon na ito ni Reiss ay nagbibigay ng matinding kilabot sa paligid nito, dinagdagan pa ng itim na enerhiya na bumabalot sa buo nitong katawan habang naglalabas ito ng mga itim na ahas na gawa mismo sa itim na kidlat.

Ang mga ito ang ginagamit niya para hulihin si Freda Arkenarae para ito'y paslangin. Si Freda naman ay patuloy parin na lumilipad, at sa lumipas na ilang minute ng kaniyang pagtakas ay hinahabol na sya ng mahigit sa sampung itim na kidlat na may wangis ng ahas.

Ang mga ito ay napaka-bilis at napaka-lakas na atake, ang kanyang enerhiya ay unti unti na rin na nanghihina, dahilan upang ang kanyang paglipad ay bumagal dahilan kung bakit nahihirapan na sya na iwasan ang mga ito.

Nang sya ay nasa magka-ibang lagusan kung saan nararamdaman niya ang enerhiya ng iba pa niyang mga kasamahan, napuno s'ya ng pag-asa ng maramdaman n'ya malapit sa kaniyang kinalalagyan si Chrisha, at mukhang ito ay abala sa pakikipag-laban.

Lumipad s'ya paabante sa daan kung saan n'ya makikita ang mga ito, kapag s'ya ay nakarating roon. Subalit s'ya bigla ng maramdaman n'ya ang presensya sa kanyang likuran.

"Saan mo balak pumunta!" isang nakakatakot na boses ang narinig ni Freda sa kaniyang likuran, ang boses na ito ay nagmumula kay Reiss Hovier. Napatingin si Freda sa kaniyang likuran at ng s'ya ay humarap ay kaagad siya nitong dinakot sa ulo at malakas na inihampas sa pader.

"Bang!!!!" isang hindi kalakasan na pag-sabog ang naganap sa lugar na iyun. Subalit ang pagsabog na ito ay nakuha ang atensyon ng mga naglalaban sa kabila nito.

Tumilapon ang katawan ni Freda kasama ang mga debris na nilipad dahil sa pagkaka-salpuk n'ya sa pader. Ang kaniyang katawan ay nasa gitnang bahagi ng makapal na usok na nilikha ng pag-sabog. Makikita sa kaniyang mga mata ang takot.

Takot na ngayon lamang n'ya naranasan sa buong buhay n'ya, ang takot sa kamatayan.

Samantala nang Makita ni Zuki Takigawa ang bagong kalaban na dumating ay nakaramdam s'ya ng panganib mula rito, ang kalaban na ito ay pinang-ngibabawan na ng isang demonyo. Nararamdam n'ya mula rito ang enerhiya ng sang demonyo at ang enerhiya nito ay nagbibigay ng matinding kilabot para sa mga normal na adventurer sa paligid nito.

The Mythic God [ Vol 2: The Adventurer ]Where stories live. Discover now