CHAPTER 37- Bonding

1.8K 63 11
                                    

"How are you?" 'Yon agad ang una kong bungad dito nang makapunta kami sa isang private room. Ang hula ko ay opisina niya ito.

"Hindi ba dapat ako ang mauunang magtanong niyan pagkatapos mo akong iwanan ng wala manlang pasabi ni isa?" Napayuko ako. Nakakaramdam na ako ng guilt ngayon sa mga ginawa ko noon. Ang bait bait niya sa akin, pinaramdam niyang parang magkapatid na kami pero hindi manlang ako nagpaalam sa kaniya.

"S-sorry," Napabuntong hininga ito.

"I will accept your apology if you're going to tell me what happened to you."

"Lahat?" Hindi sigurado kong tanong.

"Obviously?" Hindi ko mapigilang mapangiti. Subrang tagal na noong nakita ko siya pero wala pa rin pa lang nagbabago sa kaniya. She's still the Janine I knew 5 years ago.

"Why did you leave? Bakit mo kami iniwan ni kuya ng walang pasabi?" Can I really tell her? baka masaktan lang siya.

"Answer me Ele kung ayaw mong ikaw naman ang iwanan ko ngayon ng wala ni isang pasabi." It's nice to hear the name Ele again.

I smiled at her, "I left because of my selfishness."

"Your what? Don't lie to me. Alam mo namang hindi ka marunong magsinungaling. Batukan kita riyan, eh." Naaasar na sabi nito na mahina ko lang tinawanan.

"It's true. Naging selfish ako at inisip lang ang sarili ko. Ni hindi ko manlang pinakinggan ang dahilan at rason ni Symon noon at mas inisip ko pa ang sarili ko."

"What? What did kuya do?" Napakunot ang noo ko. Don't tell me wala siyang alam?

"A-ano," Nangapa ako ng sasabihin pero wala talaga akong maisip. Ayoko namang sirain sa kaniya si Symon, he's still her kuya.

"What? Tell me, don't even lie to me Ele. I know you very much." Pinaningkitan niya ako ng mata. Alam ko na agad na wala akong maiiwasan sa kaniya.

"I saw Symon proposed to Shi—"

"What?! He proposed to that ahas?!" Napatayo ito sa subrang inis, samantalang napapikit naman ako sa subrang lakas ng boses niya. Wala nga naman talaga siyang pinagbago.

"Calm down. It's all misunderstanding."

"Misunderstood his face! Akala ko napagod ka na sa mukha ni kuya kaya iniwan mo niya pero siya pala talaga ang problema!" she hissed, "patay sa akin 'yon mamaya." Napangiwi ako nang makitang nakakuyom na ang kamao nito.

Good luck na lang talaga Sy, mukhang hindi kita matutulungan mamaya.

Mayamaya ay kumalma na rin ito at bumalik sa inuupuan kanina.

She sigh heavily, "What happened next?" Napangiwi ako. Mukha na nga siyang problemado ngayon pero gusto niya pa ring malaman 'yong susunod.

"'Wag na lang kaya—"

"Sagutin mo, Ele." Bossy'ng sabi nito. Wala akong nagawa at sinagot na lang.

"Edi ayon, tumakbo ako sa parking lot at malapit akong masagasaan ng kotse—"

"What?!" Thank god at nahawakan ko agad ang tainga ko bago pa man siya tumili nang mas malakas. Nang makita ako nitong hawak hawak ang tainga ko ay kumalma ulit ito.

"Nasaktan ka ba?" Napangiti ako sa tanong nito. Kahit subrang arte at subrang lakas nito makatili subrang maalalahanin niya pa rin talaga.

"Hindi naman, saka mabilis naman 'yong tumigil nang makita ako." Nakahinga naman ito ng maluwag.

"That's good. Then?" Mukhang gusto niya nga atang malaman ang lahat ng nangyari sa akin, mula umpisa hanggang ngayon.

"That's when unexpected happened. 'Yong may ari pala ng sasakyan ay siyang mga kuya ko." Dahan dahang nanlaki ang mata nito at umawang din ang labi niya. Akala ko ay titili siya at astang tatakpan ko pa ang tainga ko nang tumango tango lang ito sa akin at naghintay sa susunod kong sasabihin.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now