CHAPTER 65- Yatch

1.3K 47 1
                                    

Strange— they're acting strange or should I say they're acting so weird? Gosh, kung kailan ako aalis saka naman sila magsasabi ng kung ano ano na hindi ko man lang maintindihan kung anong ibig sabihin no'n. Paano kaya kung bumalik ako ulit doon tapos itatanong ko lang kung anong ibig sabihin nang mga pinagsasabi nila? tks! What a waste of time. Bakit kaya hindi na lang nila ako diretsuhin at hindi na ako pag-isipin pa ng kung ano ano. Ang dami ko na ngang iniisip nitong mga nakaraang araw dadagdagan pa talaga nila. Ang babait talaga nilang kapatid, no? tks!

Napairap na lang tuloy ako sa hangin sa subrang inis na nararamdam at astang guguluhin ko ang buhok ko nang may napansin sa tabi ng driver seat.

What is that? a paper? no, it's an envelope.

Wala sa sariling binagalan ko ang pagtakbo ng kotse at tinabi muna iyon sa kalsada saka ko hininto at pinatay ang makina. Hindi naman kasi puwedeng habang nagmamaneho ako ay mawala ang atensyon ko sa kalsada kaya mas mabuti nang ganito kahit alam kong malalate talaga ako nito.

Kinuha ko 'yon at sinuri muna bago buksan. "Hmm.. saan naman kaya 'to galing?" Naitanong ko na lang sa sarili sa subrang kuryuso.

Hindi ko naman kasi 'to napansin o ni nakita kanina nang magmaneho ako papunta sa mansion ni Symon at sigurado talaga akong wala ito kanina kaya saan ito galing? at sinong naglagay nito rito?

It is Kuya? or Callur? pero hindi ba at sa likurang banda lang naman sila ng kotse napunta at hindi na nakapasok dito sa driver seat kaya imposibleng sila. Is it mommy or daddy then? pero hindi rin, eh. Hindi nga sila lumapit sa akin kanina at tinanaw lang ako galing sa main door ng mansion kaya sino? O baka naman nabulag lang ako kanina at talagang hindi ko lang 'to napansin— Argh! Dinadagdagan ko lang talaga ang iniisip ko, eh puwede namang buksan ko na lang 'to at nang hindi na ako manghula kung saan galing 'to.

Unti unti ko iyong binuksan at sinuri pa ang likurang banda nito, nagbabakasakaling may nakasulat na pangalan kaso wala, wala ni isang nakasulat doon. Huminga ako ng malalim saka nilabas ang isang piraso ng papel. At first, I thought it's just some random paper but no, there are letters and numbers written on it. Napakunot na lang ang noo ko sa pagtataka.

Kung hindi ako nagkakamali, ang mga nakasulat dito ay isang address ng kung saang lugar at sa baba naman nito ay kung magkano ang nilalaman ng sobre. Hindi ko na pinansan ang pera at sinuring maigi kung saang lugar ang tinutukoy nitong address.

Bakit parang subrang familiar ng address na 'to? na para bang nakapunta na ako rito? pero kasi wala akong natatandaan kung saang lugar 'to.

"This is making me more confused." I sighed heavily.

Tinapon ko ang papel sa katabing upuan at muling pinaandar ang makina pero kaagad akong natigalan nang maalala kung bakit nga ba ako nasa kotse at nagmamaneho. Of course! dahil magbabakasyon ako pero ang tanong, saang lugar ako pupunta ngayon? Sa binigay ba sa aking ticket ni Doc o sa itong papel na nasa tabi ko?

Napasandal nalang ulit ako sa upuan. Nakakaasar naman 'to, eh. Ano ba kasing gagawin ko? Kuryuso ako sa kung saang lugar 'yon dahil pakiramdam ko familiar talaga 'yon pero hindi ko naman puweeeng hindi sipotin ang vacation ticket na binigay sa akin ni Doc.

Ano? Uunahin ko ba 'yong binigay o mas uunahin kong pakainin ang kuryusidad ko?

I sighed once again but this time, aggressively. Wala sa sariling kinuha ko ang papel na nasa tabi ko at binasa ulit ang address na nakasulat. Pinalig ko ang ulo ko saka sinimulan ulit paandarin ang makina ng kotse.

Bahala na.

Nagmahe ako nang nagmaneho hanggang sa mapuntahan ko ang unang address na nakalagay sa papel.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now