I Choose (Part 2)

207 12 1
                                    


CHIE POV

At ayon na nga po. Ginawa ba namang tambayan ng SamBer ang bahay ko. Nasa may veranda ako at naglilinis ng kuko. Si Samantha, busy naman sa pag aayos ng mga halaman at pagdidilig.

"Si Chie?" Bungad ni Ly ng makapasok ng gate.

"Ayon.." Turo ni Sam sa direksyon ko kaya ngumiti ako sa kanila. "Alam mo ba kinareer niyan pagiging broadcaster." Kwento ni Sam. Aba? Papuri ba yon o insulto?

"Hahaha talaga?" Manghang sabi ni Ly, nakatingin sa pwesto ko.

"Oo. At least naman nagagamit kadaldalan niya in a good way." Sagot ni Sam.

Okay, mga mare.  Confirmed.
50% papuri = 50% pandodogshow

"Mga mare. Nakakakalimutan niyo yatang nasa bahay ko kayo." Sarkastikong sigaw ko at nginisan sila.

"Palit nalang tayo. Doon ka sa bahay namin tapos dito na ako." Suhestiyon ni Aly.

"Ayoko nga. Nakakatakot si Ate Brenda tapos Ate Daisy." Tanggi ko.

As if naman na dito natira si SamBer, ano? Ang kakapal talaga.

"Parang ano ka naman e. Mabait yon." Napakamot pa siya sa may noo niya.

"Alam ko pero nakakahiya." Sagot ko habang nagma-manicure.

"Hindi mo pa sinasagot yung kapatid ko?" Tanong niya bigla.
"Hays kawawa naman. Kaya pala sad boy ang kuya niyo." At tumawa siya.

"One year nalang naman gagraduate na siya sa college. Both of us can wait naman." Paliwanag ko.

"Edi kayo na ang marunong maghintay, Chienna." Sabat ni SamBer.

"Saan yung manliligaw mong hottie? Ilang beses mo na ba nareject yun?" Tanong ko habang tinignan siya mag-ayos ng mga halaman. Katulong niya na si Ly ngayon.

Tamang behavior, mga mare. Huwag niyo ako gawing third wheel o ano pa mang wheel yan. Please lang.

"Lima." Confident na sabi niya . Oh wow naman ang Samantha. Ibang level talaga.

"Yung isa pa?" Tanong ko ulit.

"Ewan ko." Nagkibit-balikat siya. Ang showbiz naman neto. Si Ly naman nakayuko lang at nasa halaman ang atensyon.

"Kapag may Ayala na lumapit sainyo, huwag niyo e-entertain ha." Seryosong bilin ni Ly habang nililipat na sa maayos na pwesto yung mga halaman.

"Sino yun?" Nagtatakang tanong ni Sam. Oo nga, sino yun?

"Makinig na lang kayo. Okay?"

"Yes po, opo." Sumang-ayon na lang kami ni Sam. Ganyan talaga siya, kapag sinabi niya, susundin namin. Hindi pa namin siya nakitang magalit or ano pa man. At ayaw namin makita. I think nakakatakot.

SL IN AUDonde viven las historias. Descúbrelo ahora