Kabanata 1

241 12 2
                                    

KABANATA 1

Darkness. My life is dull before he interrupted but look at me now, embracing darkness. Hindi na ako takot sa kadiliman dahil alam kong nandoon siya para samahan ako.

Tahimik kong pinaglandas ang aking hintuturo sa kanyang perpektong panga patungo sa kanyang matangos na ilong.

Everything about him screams perfection. From the insanely long lashes, thick eyebrows, thin lips and well sculptured body. Every detail comes with the right proportion.Napakasarap gumising tuwing umaga na kasama siya.

Napangiti ako nang maramdaman ang mas lalo pang paghigpit nang kanyang brasong makalingkis sa bewang ko.

"Zurich…" tawag ko sa paos na boses.

Ibinukas niya ang isang mata. Kinailangan ko pang tumingala para lamang makita siya, patunay sa malaking height difference naming dalawa.

"Hmm?"

"Kapag naging patay na buhok ako bubunutin mo ba?" mahina kong tanong.

Napadilat siya bigla at tila napapantastikuhang dinungaw ako.

"What?!"

"Narinig mo naman eh," napanguso ako, "Bakit ayaw mong sagutin?"

"Honey, bakit ka naman magiging patay na buhok?"

Pinaningkitan ko siya ng mata.

"So bubunutin mo nga ako sa ulo mo? Ha?"

Binaklas ko ang braso niya ngunit di hamak naman na mas malakas siya kesa sa akin kaya hindi ko rin nagawang kumawala lalo pa at parang bakal na nakakabit iyon sa akin.

"Is this a trick question?" he eyed me suspiciously.

I pouted even more.

I saw it in a video I found online. Gusto ko lamang naman na malaman kung mahal nya ba ako kahit maging patay na buhok ako.

Hindi nya ba ako mahal? He keeps on dodging the whole thing damn it!

Nanubig kaagad ang gilid ng mata ko nang maisip iyon.

"Hey… Bakit ka naman nagdadrama?" masuyo niyang tanong.

Nang magtangka siyang hawakan ang mukha ko ay nagyuko ako ng ulo para iwasan iyon.

"Tingin mo madrama ako? Ganon?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

Napakasama niya!

"What?! Hindi sa ganon… I mean okay tayo kagabi diba? You're screaming my name last night, kaya bakit ganyan ang ibubungad mo sa akin? Sinagad ko naman ah? Hindi ka pa nga mapakali kakaungol—"

"I hate you!"

Nakakaramdam talaga ako ng labis na iritasyon sa kanya.

Is it normal to still insecure? I mean we are getting married but sometimes my mind is really fucked up.

"Praia…"

Hindi ako gumalaw nang alisin niya ang brasong nakayakap sa akin upang gamitin iyon para hawakan ang baba ko.

Masuyo ang kanyang mata sa saglit na pagtatama ng aming mga tingin kaya agad akong umiwas.

"Look at me… Hey… Do I look like someone who would cheat on you?" he asked soflty.

Like I was hypnotized, dahan-dahan kong sinalubong ang kanyang malamlam na mata at halos manliit ako sa kinahihigaan nang makita kung gaano kasensiro iyon.

Clear as crystal.

"Hindi ka pa rin nagtitiwala?" he chuckled but his eyes are still serious as fuck, "Kahit maging patay na buhok o kuto o dandruff ka pa, mamahalin pa rin kita."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fireless Seduction (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon