Chapter 2: Kawaki University

1.1K 44 8
                                    

UNANG ARAW namin ng kapatid ko sa kawaki university sinamahan kami ni lolo papunta sa office kong saan ang principal at para narin makuha ang schedule ng klase namin. Dahil hindi naman ako nakapag tapos ay dinaya ni lolo ang grades ko kaya gayon ay naging isa akong senior high. At abg kapatid ko naman ay isang junior high.

Matapos naming makuha ang schedule ay iniwan na kami ni lolo ang sabi nito ay kaylangan pa itong puntahan at dapat kaming masanay dito sa malaking paaralan na ito na walang kahit anong tulong niya.

Hinatid ko kong saan ang room ng kapatid ko okay naman ang teacher niya at alam narin nito ang problem ng kapatid ko pero nakikinig naman ang kapatid ko kaya mas mabuting dito siya sa section A papasok. Matapos kong ihatid ang kapatid ko ay ako naman ang humanap sa section ko hanggang sa natagpuan ko ang sarili na nasa third floor. Pagpasok ko ay nagsisimula na sila sa klase nila.

"Yes?" Napalingon sa akin ang profesor."Oh, ikaw ba si Ms Torres?" Tumango lang ako tabimik lang ako habang pinag-aaralan ang mga mukha ng klasmeyt ko.

"Prof, pwede mag tanong bakit ms? Eh lalaki yan." Biglang nag tawanan ang lahat. Nakalimot ko nga pala sout ko ang uniform ng kapatid ko.

"Shhhh." Biglang tumigil ang lahat."Umupo kana ms torres." Wala man lang pakilala? Humanap ako ng upuan at may bakante sa likuran. Doon ako umupo at nanahimik na nakikinig sa discussion ng prof.

Ng matapos ang discussion ng prof ay pumasok naman ang isang prof may katandaan ito at strikto ang pagmumukha.

"Fernandez."agad na tawag nito.

"Present prof." Napalingon ako sa lalaki.

"Macario."

"Present prof."

"Lee." Hanggang sunod sunod na nitong tinawag ang lahat maliban sa akin."Surname please." Walang emotion niyang sambit sakin.

"Torres." Walang gana kong sabi.

Napatingin siya sa akin at ilang minuto pa ay tumango ito.

"Ngayong araw tatalakayin natin ang larangan ng sports ako ang P.E teacher ninyo at kong anong gusto ko ay susundin niyo."nagsitanguan naman ang lahat bago inayos ang sariling upuan. "Group one sa inyo na si ms torres." Napalingon ako sa grupo na nakaayos na ng arrangement.

Agad nila akong pinapunta doon matapos kong umupo ay tahimik lang ako.

"Ang maglalaban ngayon sa volleyball ay group one at group three." Nag hiyawan ang lahat bago umalis sa classroom.

"Tara na torres magpapalit pa tayo ng damit." May lumapit sa akin isang babae ito ata ang leader namin. Pumasok kami sa malaking room na puno ng locker. "Anong number ng locker mo?" Nagtataka ako sa sinabi niya wala namna akong locker. "Ahh, sige may extra naman akong p.e papahiramin muna kita." Binigay niya sa akin ang isa niyag p.e may restroom din dito kaya nagbibis na ako.

Buti nalang ay kasya sa akin ang damit niya.

"Wow bagay sayo." Sabi nito sa akin. "Nga pala ako si Mika Villanueva." Tumango lang ako. "talaga bang ganyan ka? Yung tahimik lang?" Hindi na siya nag tanong pa at pumunta na kami sa gymnasium.

"Ready naba ang group one." Naghiyawan ang mga kasama ko pati narin ang mga kalaban namin.

Hindi ko hilig ang volleyball mas gusto kopa nga ang basketball eh.

Nagsimula na ang laro mas naging challenge ang laro dahil sa mga kasama at kalaban namn ng matapos ang laro ay talo ang group three at panalo kami.

Matapos ang laro ay dumiretso kami ni mika at mga kasama ko sa cafeteria para kumain sana ng may nakita kaming nagkakagulo.

"Ayan nanaman ang grupo ni William may ginugulo nanaman." Hindi namin makita ang mga nangugulo dahil sa dami ng studyante na pinapalibutan ito. "Wag nalang tayo makialam dyan baka madamay pa tayo." Umupo kami sa isang upuan at kumain. Nakatingin parin ako sa mga tao doon hanggang sa nakita ko ang kapatid ko na pinagtutulungan ng mga kalalakihan nakaupo ito sa sahig habang madungis ang mukha nito.

Akma akong tatayo para puntahan ang kapatid ko ng pigilan ako ng mga kasama ko."Wag ka nalang makialam Torres baka madamay kapa." Magsasalita sana ako na kapatid ko ang binu-bully ng iba ng makita kong tumigil na ang mga bully dahil may isang guro na pumunta. Agad nitong inalalayan ang kapatid ko. Napakuyom ako ng kamao dahil sa galit. Tinatak ko sa isipan ko ang mga mukha ng lalaking nambu-bully sa kapatid ko.

NASA ROOM NA KAMI wala akong gana makinig sa prof dahil iniisip ko ang kalagayan ng kapatid ko. Kahit kaylan ay hindi nadapuan ng kahit anong masasamang kamay ang kapatid ko. Magbabayad kayo sakin!

Walang pasabi akong umalis sa room rinig ko ang pagsigaw sa akin ng prof pero wala akong pakialam gusto kong malaman kong anong lagay ng kapatid ko. Pagpunta ko sa room nila naabutan ko ang teacher nila.

"Ms torres?" Taka niyang sabi.

"Nasan ang kapatid ko?" Matigas kong sabi napatingin ito sa studyante niya bago ako sinagot.

"Sinundo na ng grandfather mo." Biglang nawala ang kaba ko pero may galit parin ako dahil walang silbi ang paaralan na ito para turuan ang mga Studyante na saktan ang kapwa nila.

Na realize ko agad na ganyan din pala ang gingawa namin noon pero hindi! Hindi dapat sa kapatid ko mangyari yun!

Umalis ako at tumambay sa garden ng university hanggang sa may napansin akong kalalakihan may pinagkakaabalahan nanaman ang mga ito at may biktima nanaman. Nakita ko ang lalaking nambu-bully sa kapatid ko.

Agad kong tinapon ang hawak kong kahoy at pumunta sa kanila. Nakita ko ang isang lalaki na napansin ang paglapit ko.

"Ms kong ayaw mong madamay umalis kana dito at manahik ka." Galit nitong sabi sa akin. Wala akong paki sa pinagsasabi niya ang kaylangan ko ngayon ay makaganti.

Agad kong sinugod ang lalaking nag salita kanina at sinipa ito sa tyan nagulat ang mga kasama niya dahilan para lumapit ang mga ito sakin.

"Aba ikaw pa ang lumapit sa gulo huh!" Sigaw ng isa bago ako Suntukin ay naunahan kuna ito malakas kong sinampal ito at hanggang sa sunod sunod na silang pumunta sa akin para labanan ako.

Nandidilim ang paningin ko sa mga taong ito sa ginawa nila sa kapatid ko.

Ng matapos ang lahat nakita ko nalang salang nakahandusay habang ang leader nila ay nakapermi sa pwesto nito habang hindi maka paniwalang natalo ko ang mga kasamahan niya.

"Ano ba talaga ang kaylangan mo?" Sabi niya sa akin.

"Ako anong gusto ko? Siguro ay mamatay ka!."sabi ko sakaniya natawa naman ito kaya nong lumapit ako ay natigil siya at napa atras.

"Kahit ano susundin ko."

"Susundin mo talaga?" Eh ano kong gawin ko silang tuta ko. "Pagsilbihan mo ako."bago ko sabihin yun ay binigyan ko siya ng napaka lakas na suntok sa mukha para matumba ito at magulat na tumingin sa akin.

Umalis na ako doon at maagang umuwi hindi na ako pumasok sa susunod na subject dahil wala na akong gana mag-aral.

Chell University Where stories live. Discover now