Chapter 4: Meet the Acid Gang

322 14 0
                                    

"ACID GANG?" inimbitahan ako ni William sa hideout nila ng kaibigan niya. Si William yung leader na nambully sa kapatid ko. Humihingi na ito ng tawad sa akin at dito ko rin nadiskobre ang maligalig niyang ugali.

"Oo sila yung mga hambog na akala mo naman ay may ari ng kawaki university eh..lolo ko naman nag mamay-ari nito. Principal lang yung mommy niya." Napatingin ako kay william. Sila ang may ari ng kawaki university? "Ahh, nga pala sorry talaga sa nagawa namin sa kapatid mo, promise hindi namin ipagsasabi na ikaw yung gum--ahhh hindi sige kalimutan muna yun." Napapailing ako.

"Ipagpatuloy mo yung sa acid gang." Sabi ko. Napatanga naman sila habang nakatingin sakin."Ano?"

"Ang cute ng boses mo." Sinamaan ko ng tingin ang kasama nitong si Mark.

"Ahh, yun ang namumuno ng Acid Gang ay si Zeus Scout bayun ah basta yung hambog nayun at tapos yung pumatid naman kanina kay Patrick yun yung alalay niya na ubod ng yabang akala mo naman bagay sakaniya yung pula niyang buhok." Bagay naman sakaniya. "Yun si Maki bayun o Mike Lau ahh basta yung ungas nayun. Alam mo bang bagong lipat lang sila dito pero nag hari harian na agad dito sa paaralan. Wala naman kaming laban doon dahil subrang yaman nila zeus at may alam din ako sa pamilya niya. Namumuno ang ama niya sa isang malaking sindikato." Bulong nito at umupo sa sofa.

Yun nayun? Ganon siya mag detalye?

"Eh ikaw naman. Paanong masama ka?" Natigilan ako sa sinabi ni william.

Gusto ba nitong malaman kong anong ginagawa ko dati?

"Pumapatay. Nagnanakay." Sabi ko.

"Yun na yun?" Taka nilang sabi.

"Hmm." Para naman silang nawalan ng buhay dahil sa narinig.

"Hindi kaba nag sisi na may pinapatay ka?"

"Hindi."

"Bakit ka pumapatay?"

"Masaya eh."

"Ano!"

"Masaya." Tumingin ako sakanila. Ngayon ay subrang putla na ng kanilang mga mukha. "Bakit?"

"Ahh wala." Tumawa sila at sabay na umiwas ng tingin. Tumayo ako para sana umalis ng bigla silang nagsitayuan lahat.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ahh....wala." umupo ulit sila. Ag gugulo naman ng mga ito.

Bubuo ba ako ng grupo sa mga ungas na ito parang wala namang experience sa pakikipag laban ang mga ito.

"Alis na ako." Tumango sila at sabay na nagpaalam. Sa akin hindi kona sila pinansin at umalis na.

Habang naglalakad ako sa hallway nasalubong ko ang tinatawag nilang Acid Gang.

Bakit apat lang sila?

Apat lang ba sila talaga?

Diba dapat pag bubuo ka ng frat ay dapat marami kayo. Pero bakit ang mga ito ay apat lang?

Napailing ako at nilagpasan sila pero napahinto ako ng biglang huminto ang lalaking nag ngangalang maki or mike bayun. Ang gulo ng detalye nitong si william.

"Tika, you're new here right?" Napalingon ako sakanila at taas kilay. "Don't look at me like that bro or else pagsisihan mo." Nakangiti sabi niya.

"Ano naman?" Ng mag salita ako bigla itong napaatras.

"Are you a boy or a girl?" Inirapan ko lang siya at tumalikod na. Narinih kong pinagtawanan siya ng mga kasama niya pero wala akong pakialam.

"BOSS TIM!!" nangunot ang noo ko at hinarap ang tumawag sakin non. Anong boss tim?

Nakita ko si william na tumatalon pa habang papunta sa akin. Wala itong kasama at nagiisa lang ito. "Uuwi kana?" Takang tanong niya.

"Obvious ba?" Pilosopo kong sabi dito.

"Ahh ehehe gusto ko sanang ihatid ka kong pwede? Uuwi narin ako sayang naman yung gas ng kotse ko kong ako lang ang sasakay isa pa full tank yun wag kang mag alala hindi ako maniningil ng pang gas." Tinaasan ko parin siya ng kilay. Anong akala niya sa akin?"Sige na boss kahit ngayon lang gusto ko lang kasing makabawi at gusto ko rin mag sorry sa kapa--."

"Wag munang balakin pang ihatid ako dahil hindi ko alam kong mabubuhay kapa pag umuwi ka sa inyo."

"Grabe naman nitong si boss sige na kahit sa kanto lang ng bahay niyo hatid na kita please namimilit ako." Biglang nag puppy eyes ang gago kaya nawala ang dalawa nitong mga mata. Nakalimutan kong may lahi palang Inchik ang isang ito.

H

indi na ako nakapag desisyon dahil hinila na ako ng ugok na ito papunta sa... okay sports car niya. Nagyayabang ba siya?

"Maganda diba? Regalo ito ng lolo ko sa akin dahil daw mabuti akong--."

"Hindi ka mabuting apo nagkakamali ang lolo mo."

"Sabi ko nga." Nanahimik nalang ito at pumasok narin sa sasakyan bago kami umalis ay nag salita nanaman ito.

"Nga pala kapit ka baka magulat--."

"Pwede ba ihatid mo nalang ako kong hindi ka titigil kakadada mo dyan baba na talaga ako!" Nagulat siya dahil sa pagtaas ko ng boses sakaniya. Mas kinagulat ko rin dahil ang mahinhin ko sanang boses ay nabulabog na. "Hayst bwisit!" Inis akong bumaba sa kotse niya at naglakad na paalis.

"Tika!!" Sigaw ni William hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa may nakita akong taxi at pumasok doon.

Agad kong sinabi ang bahay namin at nagpahatid na. Nabigla ko yata si william sa totoo kong ugali..

Hayst bwisit naman kasi ayaw ko talaga sa mga madadaldal!

Ng makarating sa bahay ay nagbayad na ako sa taxi driver at pumasok narin. Nakita ko ang kapatid kong nanonood ng movie pero nong lumapit ako ay tulog pala ito.

"Oh you're here na pala, kumain kana bakit ka nga pala nagabihan?" Napatingin ako kay chesca ng bigla itong lumabas sa kosena may dala dala itong popcorn na sigurado akong manonood ito ng movie."Ahh gusto mo? " umiling lang ako at nagtungo na sa kwarto ko.

Pagpasok sa kwarto ay nahiga ako sa kama. Nakakapagod pala maging mayaman ang hirap umakyat sa mataas nahagdan.

Pinikit ko ang mga mata ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil siguro sa antok. At pagod.

Chell University Where stories live. Discover now