Chapter 6: School Camping

289 10 2
                                    

"Ang agad naman yata ang simula ng camping? Talaga may ganito sa inyo school camping?" Takang tanong ko kay mika.

"Alam mo sa yaman ng kawaki university shimpre maypa ganito talaga sila." Tumango lang ako dala dala ko ang isang bagahe. Senior lang ang pweding mag Camping ngayon dahil next year narin ang mga junior.

Priority ng may ari ang pag diskobre namin sa mga halaman sa bundok. Kaya ginawa ang bagay na ito.

May apat kaming teacher na kasama at ang iba doon ay dalawang guard.

Hinihintay namin ang pangatlong bus dahil doon kami sasakyan. Ng makarating na ito ay nagsisakayan na ang lahat ng mga klasmeyt ko hanggang sumod naman kami ni mika.

"Siguro ay alam niyo naman itong school Camping diba?matatanda na kayo at dapat kayong sumunod sa mga rules ng teacher wag magpasaway dahil hindi city ang pupuntahan natin kundi gubat!" Sabi ng isang teacher ngayon kulang ito nakita pero mukha naman itong profesor.

Wala kaming magawa kundi ang tahimik na nakatingin sa daan may iilan din na maiingay pero hindi na namin pinansin iyon.

May mga na daanan kaming kagubatan at walang ka bahay -bahay.

5h kaming nakarating sa isang camp house na pagmamay-ari ng principal ibig sabihin ay pagmamayari ito nila zeus.

Maliit na kubo ang nakikita namin sa hindi kalayuan may mga bulaklak din dito.

Pero ang akala ko ay dito na ang Camping namin hindi pala. Umakyat pa kami ng bundok at may iba din na may nadadaanan kaming mga masusukal na bahagi ng bundok hangga sa nakarating kami sa isang lugar na hindi masyadong maraming puno. May mga bulakbulak at may isang talon din kaming nakikita.

Pagmamay-ari din ba ito nila zeus?

Pagod kaming lahat at kanya kanyang gawa ng tent. Ang iba ay kumakain at ang iba naman ay kumukuha ng kahoy para sa gagawing bonfire mamayang gabi. 3pm na kaming nakarating sa itaas. Maganda ang tanawin at ang makikita mo lang ay halos kakahuyan.

Nasa kabilang tent si William at nagtaka ako dahil hindi ito sumama sa mga kalalakihan nakumukuha ng mga kahoy.

"Bakit ka nandito?" Taka kong sabi sakaniya.

Tumingin siya sa paligid bago tinuro ang sarili."ako kinakausap mo?" Inirapan ko siya kaya pangit ito."joke lang, kapagod sumama Sakanila mas okay sakin na dito nalang kasama ka--"

"Umalis ka sa harapan ko."

"Ito naman di mabiro nga pala nakita mo yung lalaking yun." Napatingin ako sa kanyang tinuro. Nangunot ang noo ko ng makita ang lalaki nakatalikod ito at hindi ko naman makita ang mukha.

"Bakit?" Tumingin ako kay william.

Napakamot siya ng ulo. "hindi kupa siya nakit kahit kaylan sa school natin. At isa pa nong tinanong ko siya na studyante ba siya. Wala naman siyang sinagot." Napapailing ako sa lalaking ito.

"Bakit ka nangingialam sa buhay ng iba? Wag kang makialam kong ayaw mong mamatay ng maaga!" Napasimangot ito at tumingin sa view.

"Ang ganda dito no, kaninong lugar kaya ito? Sa principal parin ba?" Tumingin siya sa kakarating lang na si zeus may dala itong tubig at iniinom nito iyon. "Tsk kahit iinom lang ng tubig mayabang parin." Nakita ko kasing bigla nitong binasa ang kanyang ulo gamit ang iniinom niyang tubig.

"Baka naiingit kalang." Sabi ko sakaniya.

"Hindi kaya no, mas pogi panga ako d'yan tignan mo ng mabuti." Nagulat ako dahil sa pag hila nito sa mukha ko patingin sakaniya. Biglang nag slow motion ang lahat nakita ko ang pagtingin ng dahan dahan sa mukha ko si william hanggang ang mga mata nito ay tumingin saaking ilong. Pababa sa aking mga labi. Mas nangunot ang noo ko ng dahan dahan nitong inilapit ang kanyang mukha sa akin.

"Aray!" Napatingin ako sakaniya ng bigla siyang lumayo sakin at masamang tinignan ang nasa likuran."Sinong bumato sakin!" Sigaw niya habang nakahawak sa kanyang ulo.

Napapailing ko at tinignan si zeus na nakatingin na sa amin..

"Ikaw bayun huh!" Sigaw ni william sa kakarating lang na isang lalaki.

"Anong ako? Hindi ah." Agad na tanggi ng lalaki pero ayaw atang maniwala ni william kaya naman ay naghabulan ang dalawa.

Inayos ko nalang ang mga dala ko at ipinasok sa tent ko.

"Nice outfit." Napatingin ako sa likuran ko ng makita kong dumaan si zeus. Napatingin ako sa sout ko. Naka shorts lang ako habang naka sando. Kitang kita ang maumbok kong dibdib kaya kinuha ko ang jacket at sinout iyon.

Anong problema ng mga taong ito?

GABI NA nagsimulang mag announce ang mga guro sa amin ang gagawin namin bukas. Ang plano pala nito ay manghuli kami ng makakain sa gubat dahil wala na kaming makain. Dapat ay alas 5 ng madaling araw ay gising na kami para may makain kami pag nakarating kami ng maaga. Maaga kaming kakain.

"Pipili ako ng tig sampo sampong grupo dapat ay may makuha kayo makakain bukas ng umaga kong hindi ay wala kayong makakain." Sabi ng prof.

Tumango lang kami.

"Unang grupo. Ipaghahalo ko lahat ng section okay kaya kong may mga kasama kayo sa ibang section wag kayong pa feeling mayabang kong ayaw ninyong hindi kayo kakain." Tumango lang din kaming lahat.

Group 1

Pumili na agad siya ng grupo at nasali sa group 1 ang isa sa kasama ni william sa gang.

Group 2

Pumili narin ito ng ka group 2 at nandoon sa group 2 naiyon si mika. Nalungkot siya dahil hindi niya ako naging ka group. Pero ang sabi nito ay pipilitin niyang makipag change sa iba para maging ka grupo kami.

Group 3

At sa group 3 naman pag minamalas ka nga naman naging ka grupo kupa ang dalawang sakit sa ulo. William at si Mike ang twin ni mika. Lagi itong nag babangayan dalawa at nasa tabi kupa.

"Scout, Santiago group 3." Napatingin ako kay zeus kasamahan ko rin pala ito.

"Yon oh, kasama si boss ano na william ikaw nalang mag-isa ibig sabihin tuta kana namin." Rinig kong bulong ni mike kay william nakita ko si william na tumingin sa akin at ngumiti.

"Bakit? Meron din naman akong boss na kasama ah." Turo niya sa akin at ngumiti."diba boss tim." Hindi ko siya pinansin.

Bakit ba nagint kasama ko ang mga ito? Lilipat nalang kaya ako sa team nila mika.

Chell University Where stories live. Discover now