Prologue

87 2 0
                                    

TW: Abuse

Ramdam ko ang sakit na tumama sa pisngi ko. I sighed. When will she stop?

"Wala kang utang na loob!" she burst out. "Ano, ha?! Ganyan ba ang natututunan mo sa mga kaibigan mong 'yon?!"

I took a glance at her. Pinahid ko ang dugo sa labi ko. I looked at her without any emotion plastered on my face, "Bakit lagi mong sinasali yung ibang tao sa katangahan mo?"

Inangat niya ang kamay niya para bigyan ako ng panibagong sampal ngunit tinitigan ko lang iyon. "Ano? Sasampalin mo nanaman ako? Sige, gawin mo."

Napatigil siya at nanginginig na dinuro ako at nagmamadaling umalis ng bahay.

Napabuntong hininga ako at pumunta sa harap ng salamin. I can clearly see how red my cheeks are. Bumaba ang tingin ko sa labi ko, may sugat.

I went into the kitchen, looking for our first aid kit.

My mom has never been violent, hanggang salita lang siya noon. Pero mukhang nasagad ang pasensya niya ngayon. My father is the violent one.

People thought our family is perfect because we're complete. But it's not. Hindi naman lahat ng kompletong pamilya ay masaya. Just like my family. My parents can act innocent in front of other people. Kaya siguro ganoon ang tingin ng ibang tao sa pamilya namin.

Pagkatapos kong linisan ang sugat ko ay pumunta ako sa kwarto ko at umupo sa sofa. I leaned my head against the headrest.

I stared at the ceiling thinking what my life would be if my mom didn't had a miscarriage when she was pregnant with my brother. May kakampi kaya ako ngayon kung nabuhay siya? My older cousins told me na hindi lang iisa ang nawala na kapatid ko. My what if's occupied my mind. What if they lived? Would they treat me how my parents treats me? or would they treat me well?

Everyone hates me, would they hate me too?

I sighed and grabbed my phone. My forehead creased when I saw my friend's flooded chats.

Monica Faith:
Hoy!
Magreply ka bilis!!
Wtf teh, I missed their game!
I thought 6 pm pa 'yon! 4:30 pala!

Saskia Ysobelle:
Ha?

Monica Faith:
Ha? Anong ha?
I'm so sad! I don't know what to feel! He said 6 pm but nong pumunta ako wala ng tao! Gosh! I want to hate him but I can't!
Pasalamat siya pogi siya!

Saskia Ysobelle:
Girl, calm your nerves first.
I told you he's an asshole, pinili mo yan, panindigan mo.

Monica Faith:
Nakakaloka kasi!
I even asked Leigh na samahan ako, now she's sulking at me kasi di niya natapos yung report niya ng dahil sa kagagahan ko :(

Saskia Ysobelle:
At least alam mo na gaga ka.

Monica Faith:
I hate you! :(
Fine! I'll see you at school na lang tomorrow, have a good night babe! Love you, mwa!

I chuckled. Iba rin ang tama nito e. I stood up and walked towards my bed.

"I'm so tired." bulong ko sa sarili.

At dahil narin siguro sa kapaguran, nakatulog ako agad. Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa kalampag na narinig ko mula sa ibaba.

I groaned as I got up. What now?

I looked at the clock. 6 am palang. Inis akong bumangon at dumiretso sa cr upang mag-ayos.

His Benevolence Where stories live. Discover now