16

19 6 0
                                    

Hindi ko namalayan nakatulog pala ako sa sofa......

Pagkagising ko kinabukasan agad naman akong napangiwi dahil sa sakit ng aking tuhod at katawan.

Pagtingin ko sa kama ay tulog pa siya kaya hindi kona siya inabala pa at lumabas na.Pagkalabas ko nakita ko si zari na papunta sa pintuan sana ng kwarto ng kaniyang kuya.Agad naman itong bumalik sa kwarto niya ng nakitang lumabas ako dito....

Naglakad naman ako agad papunta sa kaniyang kwarto upang kunin ang bag ko.Buti nalang hindi naka lock....

"Zari,Nakita mo bag ko?"tanong ko sakaniya habang siya ay may ginagawa.....

"Nandoon ate,"sabi niya sabay turo sa maliit na sofa.

Kaya naglakad na ako paunta doon ng may sinabi siya....

"Ate,may damit kana po jan hindi muna kailangan pang umuwi,"sabi niya ng hindi tumitingin saakin..

"Ah okay,"

Pagkatapos ko iyon agad ko naman nakita ang damit na sinabi niya.Kinuha ko na ito at pumasok na sa banyo....Buti nalang mataas to na dress para hindi makita ang sugat ko sa tuhod.

Isa itong dress na skyblue buti nalang skyblue rin ang sapatos ko kaya nag match silang dalawa.....

Hindi panga ako tapos na magbihis ng kumatok so zari....

"Ate!bilisan mo jan at kakain nah!"sigaw niya habang patuloy parin sa pagkatok...

"Nandiyan nah!"sigaw ko rin sakaniya pabalik.

Pagkalabas ko sa banyo agad kong nakita si zari na nakaupo sa kama.Pagkakita niya saakin agad niya akong hinatak palabas.

Nadatnan namin sa hapag sila tita at tito.

"Good Morning po,"pagbati ko sakanila.

"Good Morning!"sabay na sabi ni tito at tita.

"Umupa ka iha,"sabi ni tita.

Umupo naman ako.Binigyan ako ng mga kasambahay ng plato at glass of water.

Habang tahimik kami kumakain biglang dumating si zack.

"Morning!"walang buhay niyang sabi....

Umupo siya sa tabi ko.Kaya tumingin ako sakaniya na naka office attire nah..Ang sugat naman sa kamay niya ay pinalitan ito mg bagong band aid...Kaya pinagpatuloy kuna ang pagkain at hindi nalang siya pinansin..

"Zack,bakit hindi kapa kumakain?Hindi mo ba nagustuhan ang luto ni manang?"tanong sakaniya ng kaniyang ama.

"Anong nangyari sa kamay mo?"takang tanong ni tita...

Sinagot niya naman ang lahat na tanong ng kaniyang ina at ama.Pagkatapos kong kumain tatayo na sana ako ng nagsalita ito...

"Hindi ako makakain dahil masakit ang kamay ko mama.Si Ella nalang ang susubo saakin,"

Agad naman nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi.Pinandilatan ko siya pero ang p*t***i** tumawa lang...

Umagang umaga binibwesit ako!

"Masakit?"tanong ko sakaniya...

Tumango naman siya na parang aso nag papaawa.

"Buti nga sayo,"

Pagkatapos ko iyong sabihin agad akong umalis.Narinig ko pa siyang tinatawag ako,pero kumaway lang ako patalikod....

Pagkalabas ko agad naman may taxi na dadaan kaya pinara ko ito.Agad naman itong huminto sasakay na sana ako ng may humawak saakin.Tumalikod ako ng kaunti at nakita ko si zack pala ang humawak saakin..

Pounding Heart(Business Series #1) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant