29

20 5 0
                                    

"Masakit ulo mo?"Derick asked.

Nandito na ako sa office, iwan ko kung bakit nandito rin ang isang to.Sa kahihiyan ng nagawa ko ka gabi ayaw ko na siyang makita.Sobra sobrang kahihiyan ang ginawa ko.

Kapag maaalala ko yong I'm hot na sinabi ko parang nandiri ako sa sarili ko.

"Sobrang sakit,bakit?"sabi ko habang hawak parin ang ulo ko.

Hindi sana ako papasok ngayon pero ang sira tinawagan ako hanggang sa naiingayan na ako kaya no choice sinagot ko nalang .

"Buti nga sayo!tigas kasi ng ulo mo...matigas pa sa bato!"sabi niya sabay amba ng batok saakin.

"Sige tuloy mo!"hamon ko sakaniya ngunit hindi niya itinuloy.

Kala mo naman hindi naglasing pag may problema.Mas malala panga siya saakin,e.Ilang beses akong nakapunta ng bar dahil sa kaniya.Minsan may kaaway doon kaya sumasakit ulo ko kung paano ko siya mauuwi.Tapos ngayon aangal siya dahil sakatigasan ng ulo ko...matigas rin naman ulo niya.Kung ako ulo ko at bato sakaniya bakal.

Tumingin siya saakin sabay upo sa harap ng lamesa kong upuan."Bakit kaba bigla-bigla nalang naglalasing?"he asked.

Tapos ngayon concern siya.Lakas ng trip!

"Paki mo!"I rolled my eyes.

Tinuro niya ako na parang naiinis saaking sagot."Tignan mo nga ang ugali mo,"

"Bakit ba nagka gusto siya sayo?"bulong niya pero narinig ko naman.

Bu-bulong na nga maririnig ko pa tarantado rin ang isang to.

May tao namang kumatok kaya napatingin kami rito.

"Ma'am delivery po,"

Deliver?nagkatinginan kaming dalawa.Nang pareho kami na hindi nagpa deliver  sabay nangunot ang aming mga noo.

"Ikaw na kumuha,"utos ko sakaniya.

Tumingin naman siya saakin sabay turo sa kaniyang sarili....tumango ako kaya nagdadabog siya patungo doon.

"Hoy!ella!galing daw sa boyfriend mo!"sigaw niya saakin.

"Sira ulo kaba?!wala akong boyfriend!baka hindi para saakin 'yan!"sigaw ko sakaniya pabalik.

Boyfriend?!sa pagkakaalam ko wala akong boyfriend sa taong ito.Saakin wala pero sa chismis ng iba, meron.Ang ibang tao kasi ....kung maka gawa ng chismis todo.

"Lafuente daw!"

Napakaraming lafuente sa mundo malay ko,kung sino doon?

"Maraming lafuente!Ano ba yan?"I shouted.

He laugh like there's no tomorrow.Kulang na lang ay hihiga siya sa floor at tatawa ng walang hanggan.

"Kukunin ko ito, bahala ka!"He shouted.

Desisyon siya.

Pagkakuha niya agad naman siyang bumalik at nilapag ang delivery sa aking lamesa.Tinignan ko siya ng nakataas ang kilay.Tinaasan rin niya ako ng kilay.Hindi magpapatalo ang isang ito.

"Kumain ka,may soup diyan,"

"Ikaw ma una,"sabi ko sakaniya.

Baka may lason to...mabuti ng sigurado.Nagtataka naman niya akong tinignan.

"Bakit ako?"

Para ikaw ang unang malason.

"Kasi ikaw,"pilosopo kong sabi.

Kumain naman siya kahit nagtataka.Makalipas ang ilang minuto  hindi naman siya natumba kaya sinabayan ko na.

"Pumunta sa opisina ko,pagkatapos mo diyan,"sabi niya ng matapos kumain.

Pounding Heart(Business Series #1) Where stories live. Discover now