24

16 6 0
                                    

Nandito kami sa office nag kwekwentuhan kung kamusta ang weekend namin.Si Bakla ang nanguna sa kwentuhan.

"Grabi ang ganda ng weekend ko....Nag date kami sa isang bagong bukas na restaurant,"sabi ni patrick na proud na proud sa kaniyang sinabi...

"Tsk!tapos ikaw naman ang gumasta,anong akala ng jowa mo sayo?sugar beki!"sarkastikong sambit ni cristine.

Agad naman siyang hinampas ni patrick.Si Aina naman at Travis ay tumatawa nakikitawa narin ako.

"Hoy! Cristine at least ako may jowa,ehh ikaw?"

"At Least anak ko ang pinagastahan ng pera kaya 'di ako lugi,"

"At least masaya ako,"

"Masaya ka nga lugi ka naman,"

"Ikaw!"

"Ano?!"

Naghahamunan na silang dalawa habang ang sila travis at Aina ay tumatawa parin.

"Alam mo kung na iingit ka!Maghanap ka ng sayo,"sigaw ni patrick kay cristine....

"Hindi na kailangan may kinikilala namang tito ang anak ko,Diba!Travis,"palusot ni cristine.

"Huh?bakit ako?May pinopormahan na ako,"Travis said na parang nadulas.

Tumingin naman kaming tatlo sakaniya kinikilatis siya.Agad naman siyang napahawak sa kaniyang dibdib nagkukunwaring kinakabahan.

"Saaannnnaaaoolll!!!"sigaw naming tatlo sakaniya.

Tumawa naman siya.

"Kilala ni Ella,"wika niya sabay turo saakin.

Tinuro ko naman sarili ko na  naguguluhan.Kilala ko?

"Sino?si zari?"I asked.

He blush when I mention zari.So,si zari nga kaya pala noong pumunta kami sa mall at nagkita sila ibang tingin na ang ibinigay niya rito.

"Hindi kanon sasagotin...Pustahan pa tayo!"Walang hiyang sabi ni bakla.

"Oo nga,sabi mo ayaw mo sa mas bata sayo...Bakit ka nagka gusto doon?"curios na tanong ni Aina.

Habang si Cristine umiiling nalang sa katarantaduhan ng dalawa.

"Come on!When it comes to love walang pinipili yang edad.Age doesn't matter sabi nga nila,"pagtatanggol ni Travis sa kaniyang sarili.

Tinawanan lang namin siya sakaniyang sinabi.My pa age doesn't matter pa siyang nalalaman.Tudo ayaw pa nga niya noong nireto namin siya sa kasama naming bata.

"Ayaw mo nga sa nireto namin sayo noon ehh,"pang-aasar parin ni Cristine.

"Iba kasi yon...16 yong nireto niyo saakin tska 18 na siya,"

"Anong pinagkaiba?Bata parin yon,"Aina said pinagdiinan talaga nila ang bata.

"Basta iba siya,"sabi ni travis na namunula na...

"Ayy!sos!"sambit naming lahat.

Bigla naman pumasok ang sekretaryo ni zack kaya agad kaming nag si balik saaming upuan at kunwaring nagtatrabaho.Nang umalis na napabuntong hininga naman kami lahat dahil sa sobrang kaba na baka pagalitan kami......

Nang nag lunch na balak na naman namin kumain sa labas nauna na silang pumunta saakin doon dahil may tinapos pa ako.Habang papatawid ako sa kalsada may biglang humawak sa siko ko...

"Ano ba?!"galit kong sabi kung sino man ang humawak saakin...

Pagkakita ko kung sino ito agad tumaas ang isa kung kilay....

Pounding Heart(Business Series #1) Where stories live. Discover now