1

187 18 1
                                    

"Ang daya!"

I sighed and silently agreed. Gusto sana namin intrigahin si Lalianah, pero anong laban namin kay tito Axar na pinagsabihan kami? Grabe.

"Sumbungera ka ha," ani uli ni Zollana, ayaw palagpasin ang pagtatanong kay Lalianah.

Ngumisi ako, "Oo nga."

Lalianah pouted and avoided her eyes on us. Sabagay, hindi naman namin siya pwedeng pilitin. Bakit ba kasi sa lahat ng magiging similarity namin ni Zollana ay ito pa?

It could have been being studious, para hindi niya na ako kailangan kulitin para tulungan siya. I'm thankful we're not in the same course. Kung sakali, tutor niya pa ata ako sa lahat ng subjects.

"Sorry. Next topic na lang," she hopefully replied.

Akala ko ay kukulitin muli siya ni Zollana pero ang kambal ko ay mukhang may ibang naisip. The way she cheekily smirked is something I don't really like.

"Okay, baka sumbong mo nanaman." Tumawa kami pero mabilis siyang bumawi. "Ang gwapo ng mga pinsan mo!"

Natigil ako sa pagtawa. Sabi na, hindi ko talaga magugustuhan ang tumatakbo sa isip ng kambal ko.

Umangat ang kilay ni Lalianah, she laugh lightly. She's really pretty, no wonder tito Axar wasn't excepted by her charms huh?

"Sino roon ang pinaka?"

Kuryosong tumingin ako sa kakambal ng humagikgik ito. Tila handang-handa sa isasagot sa tanong ni Lalianah. Why should I even be surprised?

"Iyong naka-gray na polo! Mukhang bad boy nga kasi parang galit noong dumating, pero ang gwapo naman! Kamukha niya 'yung sa likod niya, 'yung nakasabay ni Zaseya sa pagbalik."

"It's Zas!" angil ko. Hindi pinansin ang huli niyang sinabi.

Zaseya is too long, I never call her Zolla because Zollana is way prettier according to her so I agreed but she now keeps on calling me Zaseya even when everyone else called me Zas. Simula tumuntong kami ng kolehiyo, binalik niya ang pagtawag sa akin ng buo. Hindi ko alam kung anong trip niya.

"Oh, si kuya Aries?"

Aba, hindi man lang ako pinansin ng dalawa?

"Wow, Aries is his name?" My twin seems excited at the information she's getting.

Tumango ang isa at ngumiti rin ng malawak. Kinuha niya pa ang phone at may ipinakitang larawan kay Zollana. Even if I actually don't want to look, I have to feed my curiosity.

"Eto nga siya! Ang gwapo talaga!"

Sumulyap ako, it was a photo of three people. Hindi ko kilala ang isang babae, si Lalianah ang katabi at 'yung Aries na tinutukoy ang nasa kabila.

"That's ate shine,pinsan din namin." Tukoy niya sa kasamang babae sa picture. Inilipat niya sa ibang larawan at doon ako umalis ng tingin. Wala na akong pakialam do'n.
"That's kuya Duncan, kambal sila."

"Wow, tulad namin! Gwapo rin talaga pero mas gwapo si Aries."

Kumunot ang noo ko. Duncan is definitely more handsome with his wavy hair than Aries's clean cut. Iba talaga kami ng pananaw ni Zollana. Hindi ko-Wait, ano bang iniisip ko? I shouldn't care to ate Sandra's possible "whatever".

Matapos ang walang kwentang pagdaldalan ay sumunod na kami sa kanya-kanyang klase. Medyo tatahimik ang oras ko mula sa bunganga ni Zollana. It's good that we didn't take the same course.

Gaya ng nakagawian, dumederetso ako ng library para hintayin si Zollana. Buti nga at nauuna ang klase kong matapos. It's either I study advance or review or do stuffs I need to in the library, kaya madalas ay wala na akong kailangan gawin pagkauwi.

Held VoluntarilyWhere stories live. Discover now