Special Chapter Pt. 2

723 25 2
                                    


Wala akong maintidhan sa mga sinabi niya. The only thing that processed in my brain were his last words. Nakatingin pa rin kami sa isa't-isa without breaking our physical contact. It's like the world suddenly stopped rotating and it feels like we're the only people around.

"Jungkook! Bree! Ready na ang pagkain!" Saka nalang namin narealize ang situation namin nang tawagin na kami ni Jhope. Sabay kaming napaiwas ng tingin and we both faked a cough too. Shit, I never thought na magiging awkward kaming dalawa. Nagpatintero pa kaming dalawa kung sino ang mauunang pumasok sa pinto at mabuti nalang pinauna ako ni Jungkook. Agad akong umupo sa bakanteng upuan katabi ni Suga and thank goodness, Jungkook's seat is out of my sight ngunit nakikita pa rin siya ng peripheral vision ko. 

"Bakit ang tagal niyo?" Tanong ni Suga habang inaabot saamin ang mga baso na may lamang iced tea. 

"Ang tagal magising ni Bree tss" saad ni Jungkook and I just said sorry. Ayoko nang pahabain pa ang usapan. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang scenario kanina, how I felt something spark when he touched me, how I felt the butterflies when he looked at me. This is insane, siguro nabigla lang ako. No one's actually said that to me before so it's probably why I got carried away. Tama tama, siguro rin naalimpungatan lang ako since bagong gising ako kaya ganon na lamang ang nafeel ko. Right, that must be it. 

We all ate in silence dahil gutom na rin naman ang lahat. After a few gulps and bite ay napagpasyahan na naming ipagpatuloy ang road trip papunta sa resort kung saan kami mags-stay.  The road is already surrounded by darkness at tanging buwan at ilaw ng kotse na lamang ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Nasa kagubatan na kasi kami banda at malayo na rin sa bayan. It was creepy if you ask me, para bang anytime ay may makikita kang nakatayo sa mga kakahuyan. Good thing ay hindi ako nakaupo sa bintana.

"Guys, naalala niyo yung movie na Wrong Turn?"

"Shut up, Jimin" We all said in unison kaya hindi na naituloy ni Jimin ang gusto niyang sabihin. He's probably going to scare us all. Mas mabuti na lamang na tumahimik siya buong biyahe. Para mawala ang takot ng lahat ay nagpatugtog si Rapmon sa bluetooth ng kotse at nabuhayan naman ang lahat. We all made jokes and laughed, everytime na isisingit ni Jimin ang kahit anong nakakatakot ay pinapatigil na namin siya agad. 

After probably four hours of driving ay nakarating na kami sa tinutukoy na resort. Sa gitna ng gubat ay mayroong small cabin na napapalibutan ng bakod. It wasn't scary at all since lights surrounded the whole fence making the entire forest within the vicinity shine. Mayroon ring pool at namangha kaming lahat dahil napaka laki ng lugar. This probably costs a million pero knowing BTS, hindi na nakakagulat kung afford nila ito. 

We parked our van sa parking lot at lahat na kami nagsibabaan. Tinulungan ko na rin sila Jin ilabas ang mga gamit. Rapmon was on the payphone probably talking to the owner of the cabin informing him that we already arrived. I checked my phone and notice na walang signal, hence, the payphone. Si Jhope at Iyah naman ay nagpaunahang pumasok sa gate at isinawsaw agad ang kanilang paa sa pool. 

"Ew, ni hindi man lang kayo nag hugas muna ng paa before dipping your stinky feet" Saad ni Victoria habang inilibot ang tingin sa buong lugar. Amusement was visible on her face. 

"Wala kang pake" Hindi na lamang siya pinansin ni Victoria dahil nilapitan niya na ang bawat sulok ng lugar. Probably looking if there are any bomb. Hindi ko naman siya masisisi, we've been through lots of surprise bombings and that's the surprise we don't want to experience ever again. 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Assassin [Revising]Where stories live. Discover now