Her POV

715 14 0
                                    

A/n: kunyari malapit na magseptember. Kahit medyo malayo pa haha excited sa birthday ni jungkook e xD

DENNISE POV

"Handa kana ba?" Tanong saakin ni kyungsoo habang nakatitig kaming dalawa sa napakalaking gate ng AG empire. Kaylan pako naging hindi handa? Minamaliit ako ng lalakeng to

"Oo" yun na lamang ang nasabi ko. Ano kaya ang magiging parusa ko? I know parusa agad ang unang lumabas sa utak ko. Dun naman sya magaling, ang pasakitan ang mga taong nasa paligid nya. Tinulak ko ang malaking gate saka ako humarap kay kyungsoo

"Magiingat ka" sabi nya saakin. Hindi bagay sakanya ang pagiging asassin. Mukha syang tarsier.  Tumango na lamang ako at pinasok kona ang napakalaking empire. Himala at malinis na ito, may mga estudyante paring umaaligid pero kakaunti na lang, mga tanga. Sige lang maglakas loob pa kayong magaral dito kahit halos na panganib na ang buhay nyo. Nagdire diretso lang ako sa hall at halos madaanan ko ay nagme-make way. Dapat lang kung ayaw nilang ibalibag kosila para lang wag akong harangan sa dinadaanan ko. Sa ilang minutong paglalakad ay naabot kona ang admins office. Huminga ako ng malalim, paano kung pumalpak kami? Paano kung iba ang mangyari? Paano kung hindi umayon sa lahat ang plano? Paano kung bumaligtad ako? Bahala na. Kakatok na sana ako pero awtomatik na bumukas ang pinto at bumungad saakin ang infinite blackness ng opisina. Pinakiramdaman ko ang buong paligid dahil alam kona ang kahahantungan nito. Mahilig sya sa surpesa kaya expected na ang mga susunod na mangyayari. At tama nga ang hinala ko naramdaman kong may kung anong mabilis na bagay ay papunta sa direksyon ko at agad ko itong sinalo. Nasugatan din ang kamay ko. Sabi nangaba isang patalim. Nataranta naman ako ng biglang bumukas ang ilaw at nakita kosya pumapalakpak

"You didnt fail to amuse me dennise" nagbow ako ng bahagya para magbigay galang sakanya.

"Bakit kapa nandito? Tumakas kana hindi ba?"

"Nandito ako para pagsilbihan ka ulit. Nagsisisi ako sa aking ginawa" lumapit sya saakin gamit ang sikat nyang poker at alam kona ang kasunod na mangyayari kaya inihanda kona ang sarili ko sa gagawin nya pero nagulat ako ng bigla nya akong niyakap nanlaki ang mata ko dahil duon

"Namiss kita dennise" ito ang ikinatatakot ko. Na baka bumaligtad ako,dahil hanggang ngayon mahal koparin ang lalakeng to. Kaya hindi ko magawang tumakas kahit nandyan na ang opportunity para makatakas pero ayokong malayo sakanya. Hindi panga nagsisimula ang plano pakiramdam ko pumapalpak na ako. Letse babae rin naman ako. Kumalas sya sa pagkakayakap saakin sabay bumalik sa kanyang upuan

"May plano tayo" bigla akong naalerto. Maaga kesa sa inaasahan ko.

"Ano iyon?"

"Dahil malapit na ang pagbunyag ng lahat padadaliin kopa lalo, ako na mismo ang magpapalabas ng katotohanan dahil mabagal ang pagproseso sakanya. Kaylangan mapilit kong bumalik ang ala ala nya"

"Kaylan mo planong gawin?"

"Kakaiba. Hindi kanaman masyadong nagtatanong sa ibang impormasyon"

"Kaylangan lang maging matanong ako. Hindi naman pwedeng gagalaw ako ng walang alam" pagpapalusot ko mabuti nalang at magaling ako sa ganito,kung hindi baka mahimatay na ako. Nah hindi ko gawain ang ganyang bagay pangmahinang babae lang yan

"Oo nga ano? So eto ang plano" ikinwento nya saakin ang plano,just as i taught. Tama nga ang hinala ko iyon nga ang gagawin nyang plano

"Masusunod head admin" gumuhit naman ang isang smirk sa kanyang labi. Nakakatakot na para bang may iba pasyang pinaplano bukod dito

"Tatawagin nalang kita kapag kaylangan na"

"Sige" lalabas na sana ako pero may huli pasyang sinabi na ikinalito ko

"Ang plano ay mananatiling plano
Pero aasahan konang magiging palpak ito. Kaya nagsagawa ulit ako ng panibagong plano in case na mangyari nga ang iniisip ko" tuluyan na akong lumabas ng opisina nya. Hindi ko alam pero parang may iba pang pinapahiwatig ang boss. Bakit nya iisiping magiging palpak ang plano e lagi namang nagtatagumpay ang plano nya.

****

"So yun nga ang plano nya?" Sabi ni tarsier na prenteng nakaupo sa office room nya na para bang sya ang boss. Yaan na bahay nya naman to

"Oo. Sa araw mismo ng birthday ni jungkook plano nyang gawin ang plano."

"Palpak na sya. Hindi nya alam na itatago natin si bree pansamantala"

"Alam bato ng pito?"

"Anim lang. Hindi natin ipapaalam kay jungkook dahil sya ang birthday boy. May surprise parin namang kasabay" hindi ko alam pero iba ang kutob ko. Parang may mali

"Alam mong kahit anong gawin natin malalaman nya parin ang lahat"

"Alam ko pero matagal payun bago mangyari"

"Kaya nagsagawa ng plano si head admin para mas mapadali mabunyag ang lahat"

"Bakit ba interesado ang head admin na mabunyag ang lahat?" Nagulat kami ni kyungsoo ng biglang sumulpot si v

"Kanina kapa nandyan?" Tanong ni kyungsoo. Bakit ba ang kampante nito lagi? Eh ako halos mabaliw na sa kaba. Hindi pwedeng malaman ng iba ang plano namin. May plano kami na kaming dalawa lang ang nakakaalam

"Hindi naman,kararating kopalang. So ano na? Bakit interesado ang admin mabunyag ang lahat?" Magsasalita na sana si kyungsoo pero inunahan kona sya. Alam kong isheshare na ni kyungsoo ang plano kay V pero mahirap na. Baka pumalpak ang plano dahil lang sa ginawa nya

"Hindi ko alam at wala kang pakealam. Kaylan kapa naging chismoso?" Mukhang napikon naman si V kaya umalis nasya at sinipa nyapa ang mga bato sabay may ibinulong sya

"Badtrip." Akala nya hindi ko narinig. Tanga nya bubulong bulong pasya rinig ko naman.

"Bakit hindi nalang natin sabihin sakanila?" Nagtatakang tanong saakin ni kyungsoo

"Hindi pa ngayon ang tamang panahon. Mas mabuti kung tayo munang dalawa ang nakakaalam"

"Mapagkakatiwalaan naman sila"

"Mapagkakatiwalaan ngaba?" Hindi ako kumbinsido sa sinabi nya. Mahirap ng magtiwala ngayon. Lalo pat marami na ang mga two face ngayon. Get what i mean? Dalawang uri ang two face. Una mga mapagpanggap akala mo kakampi isang espiya pala,pangalawa mga impostor akala mo sila yung taong kaharap mo pero nakamaskara lang pala at ganun ako nuon. Minsan na akong nagtiwala ngunit nasira lang. At ayokong maranasan nila ito

"Oo, hindi naman sila kakampi satin sa ganitong katagal na panahon hindi ba? At isa pa magkakaibigan sila alam kong hindi nila kayang traydurin ang isat isa" hindi na lamang ako sumagot sa sinabi nya. Ewan nababagabag ako,marahil ay tama sya mapagkakatiwalaan nga sila. Tumayo ako at naglakad patungo sa may parteng garden na hindi masyadong napupuntahan bakit? Mukha kasinh gubat,creepy tingnan. Magmumuni muni sana ako ng may narinig akong nagsasalita na para bang may kausap. Sisilipin kosana sya pero nandun sya sa mapunong part at nakatalikod sya kaya hindi ko makita ang mukha nya,hindi korin mafamiliarize ang boses dahil hindi ko memorize ang mga boses nila dahil wala akong pake. Pero rinig na rinig ko ang mga sinasabi nya sa telepono

"Oo. mukhang may plano sila. Sa palagay ko ay may gagawin sila sa mismong kaarawan ni jungkook--ano? Pero hindi pwede! Baka mahuli ako!--opo masusunod boss" at ibinaba nanya ang telepono. Nagtago muna ako dahil mapapahamak ako kapag nakita nya ako,pero pagsilip ko ulit ay bigla nalang nawala nasan nayun? Bakit alam nya na may gagawin kaming plano? Imposible dahil kami lang ni kyungsoo ang nakakaalam nito. Pwera nalang kung-- napasmirk ako. Tama ang hinala ko, may espiya dito. Espiya ang isa sa kanila. And i need to find whoever that guy is. Kaylangan kong malaman kung sino sa pito ang traydor.

To be continued.....

Assassin [Revising]Where stories live. Discover now