PROM

672 18 3
                                    

"Ready naba ang lahat?" Lahat naman kami tumango sa tanong ni rapmon. Lahat narin kami excited pero kinakabahan at the same time. Masquerade kasi ang theme ng prom meaning na nakamaskara kami.

"Wala akong partner. tsk di bale manghihila nalang nga ako doon" sabi ni jhope habang inaayos ang necktie nya

"Tara na?" Sabi ni jungkook saakin. Hindi kopa kasi kayang lumabas. Nakakahiya yung damit ko. Tube sya na color black kaya nakakahiya. Kahit anong gawin ko kaylangan ko paring sumama sakanya, paglabas namin ng bahay (oo sa bahay kami galing. si mama kasi ang nagmake up saamin nila rylle kaya sumama sila jhope) tumigil si jungkook at humarap saakin

"Akala koba pupunta na tayo?" Tanong ko sakanya

"wala kamanlang bang sasabihin? Or napapansin?" Sabi nya sabay parang tinuturo nya yung damit at mukha nya

"Ano naman ang sasabihin ko sayo?" Hindi na kasi sabihin e.

"Bahala kanga!!" Ayan nanaman tayo sa ugali nya. Lagi nalang pikunin, try nya kayang habaan manlang kahit kaunti ang pasensya nya

"ANO NGA! E HINDI KO ALAM E!' Pati sila rapmon na pasakay na sana sa kotse ay natigilan sa pagsigaw ko. Pero imbes na sagutin ako ni jungkook ay sumakay nasya sa kotse kaya sumunod narin ako. Bwiset

***

Nandito na kami sa harap ng empire. Bongga, ang raming palamuti nasa gate ka palang ay para kang nasa enchanted garden, pumila kami para ibigay ang invitation

"Ganda natin ngayon ah?" Sabi ni kuya kyungsoo na nasa unahan ko at pinipirmahan na ang attendance

"Ikaw rin naman kuya kyungsoo. Ang gwapo mo" narinig kong may parang binulong si jungkook dahil nasa likod kosya pero hindi ko marinig dahil sinasarili nya, more like nagrereklamo sya. Nang ako na ang sunod ay ibinigay kona ang invitation at pumirma na ako. Binigyan din ako ng puting maskara na may feathers sa gilid kaya sinuot kuna ito. Black na maskara pala ang sa mga lalaki.

Hinanap ko ang bts at nakita kosila na nakaupo sa isang mahabang mesa, naks nireserve talaga sakanila?

"Yow!" Sabi ko sakanila. Hindi pa kasi sila nakasuot ng maskara kaya nakita ko sila

"Excuse me miss. Who are you?" Tanong ni jimin

"Ako to! Nakamaskara lang hindi na agad nakilala?"ang OA nila ah. Grabe sila

"Seryoso miss hindi ka namin kilala" sabi naman ni suga, napatingin ako kila rylle at iyah na kumakain sa sulok, nasan si dennise?

padabog kong inalis yung maskara para makita nila at lahat sila napa "WOAH" sa nakita. Masyado ba akong maganda? Chos

"Weh? Ikaw yan bree? Bat ganyan itsura mo?parang hindi ikaw" tanong ni jhope

"Maganda ba?" Sabi ko sabay umikot pa para makita ang damit ko

"Mukha kang black lady na naki join lang sa prom. In short mukha kang halimaw na nagpapanggap na tao, in short ang panget mo" napasimangot naman ako sa sinabi ni jungkook. Bwiset bat ba kasi nandito pato? Okay na sana e,

"Pwede ba kahit ngayon lang maging mabait kanaman sakin?" Sabi ko sakanya

"Ayoko. Yun nalang nga ang way para makausap kita e" pabulong nyang sabi pero dahil bagong linis palang ng tenga ko ay rinig na rinig ko. Kunyari kinilig ako haha

"Ano sabi mo?" Kunyari wala akong narinig para hindi sya manghinala

"Wala!! Sabi ko mabait naman talaga ako. Except sayo" sungit. Naupo nalang ako sa upuan dahil hindi pa naguumpisa ang program. medyo rumarami narin ang mga tao at pabonggahan talaga sila ng damit

Assassin [Revising]Where stories live. Discover now