Chapter 28

342 8 5
                                    

Hayley's POV

"Saan ang next stop?" inosenteng tanong samin ni Caleb habang lahat kami ay nakain ng ice cream at nakapalibot kay Brix na ngayon ay may hawak ng mapa.

Matapos nila maglaro ng bomb cars kanina ay naisipan naming pumahinga muna sa rides at maglibang muna sa mga booth since mahahaba ang pila sa mga sakayan. Wala din namang balak na humiwalay sakin ang mga ito matapos ang nangyari kaya naman naisipan na lang namin maglaro at magwaldas ng pera sa mga booth na inabot namin ng siyam-siyam para maipanalo.

Sa sobrang hirap ng ilang games dito ay hindi ko na nga mabilang kung ilang booths ba ang nalipatan naming lahat. Bukod kasi sa sala-sala kami maglaro eh napaka walang kwenta at duduling din ng mga kasama ko. Mga inuuna ang yabang bago maglaro! Kaya ayan! Nalagasan muna sila ng ilang libo bago makakuha ng laruan!

Ang iba pa nga ay ayaw magpatalo kaya napilitan silang lahat mag-withdraw para lang balikan ang mga booth na yumurak daw sa dignidad nila.

Pero kahit na nakailang palpak kami ay marami din naman kaming nakuhang gamit, gaya na lang ng mga stuff toys at animal head gears na suot-suot namin ngayon, tapos itinatali siya sa leeg. Bawat isa ay iba-iba ang hayop at nakakatuwa lang tingnan na kahit hindi binagayan ng ekspresyon ng iba sa kanila ay bumagay pa din sa kanila ang mga suot nila! Cute!

"Bakit hindi na lang kaya tayo mag-ferris wheel muna? Tutal nandito na naman tayo." suggestion ko sa kanila dahilan para sabay-sabay naman silang mapangiwi bago napailing. 

"Pwede, kaso hindi bagay. Nandiyan pa kasi ang araw, Hayley. Hindi masayang gawin yan ng mainit pa. Mas maganda kung gagawin natin sa gabi yan kasabay ng Bump N' Splash at Swan lake." suhestiyon naman ni Baste na siyang tinangu-tanguan ko naman bilang pagsang-ayon.

Kung sa bagay. Ang best time nga naman talaga para sumakay sa ferris wheel ay gabi dahil kita mo ang lahat ng view. Ganun din ang Bump N' Splash saka Swan Lake para mas nakaka-enjoy at relaxing.

"Oh e'di saan na tayo ngayon?" curious naman na tanong ni Clark sa tabi ko habang pinipisil pa ang isang tainga ng head gear niya para umangat ito.

"Why don't we try the anchors away?"

Dahil sa narinig ay sabay-sabay naman kaming napatingin kay Zero habang pare-parehong namumutla. Agad-Agad?!

"Let's try that." agree naman ni Porter bago nakipag fist bomb kay Zero at naunang maglakad palayo samin.

Grabe! Ni hindi manlang tinanong ang opinyon namin! Ang dalawang cold na 'to!

"Ah grabe! Kita niyo ang dalawang yun! Parehong wala na namang ekspresyon! Don't tell me ganiyan pa din ang mga mukha nila hanggang pagsakay ulit natin mamaya?! Ibang klase! Ang boring siguro ng buhay nila. BWAHAHAHAHAHAHA! Buti na lang ako enjoy lang!" naiiling namang sambit ni Brix bago sinara ang mapa niya at muli yung itinago sa bag ko. "Oh, siya! Sumunod sa mga boss!" dagdag pa nito bago sumunod sa dalawa. Ganun din ang iba na wala ng choice kundi ang sumama.

"Anchor's away talaga?" tanong ko habang sinusundan ang mga ito.

"Tss! Why do sound like that? Bakit? Natatakot ka ba?" napatingin naman ako kay Lucien nang marinig ko siyang magsalita.

Napabuga naman ako sa hangin.

"Minamaliit mo ba ako ha? Nagtanong lang naman ako dahil worried ako sa inyo. Isa pa, bakit naman ako matatakot? Bangka lang yan. Tch." matapang na sambit ko sabay pagpag ng balikat ko.

Tama! Bangka lang naman yan! Hindi dapat ako matakot.

Natawa naman ito bago itinago sa parehong bulsa niya ang mga kamay niya.

Pretending her baby's fatherWhere stories live. Discover now