Prologue

2.6K 25 7
                                    

Hayley's POV


Nakatulala ako ngayon sa kawalan habang hawak ang PT kit ko at hinihintay ang resulta. Naipikit ko nalang ang mga mata ko habang hinihintay ang resulta ng test. Kung buntis nga ba ako o hindi.


Mariin na lang akong napapikit habang nagdadasal na sana ay mag negative ang resulta ng test. Hindi ako pwedeng mabuntis, hindi pwede. Isang malaking pagkakamali ang bata sa sinapupunan ko. Magdurusa lang siya. Mahihirapan lang siya pag nagkataon. Sana negative. Sana negative.


Hindi ako pwedeng mabuntis. Marami pa akong pangarap, at higit sa lahat, hindi siya pwedeng mabuhay dahil isang dakilang gago ang ama ng batang dinadala ko. Mahihirapan lang din siya at alam kong hindi pa handa si Drake para maging isang ama. Kahit ako nga ay hindi pa handang maging magulang eh!


Asar na nahampas ko na lang tuloy ang noo ko. Nakakainis kasi eh! Ang tanga-tanga ko! Bakit ko ba kasi ibinigay sa kanya ang pinakaiingat-ingatan ko?! Lecheng karupukan ito! Iyan tuloy at mukhang ngayon ay magdurusa pa ako! Hays! Asar na napabuntong hininga na lang ako sa matyagang naghintay sa magiging resulta ng test.


Ilang sandali pa akong nakatulala hanggang sa may lumabas ng resulta mula sa preganancy test. Nang bilangin ko ang linya ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.


2 red lines.


Hindi pwede toh! Hindi pwede toh! Hindi dapat siya nabuo. Hindi dapat nangyari toh. Mahihirapan lang ang anak ko. Masasaktan lang siya.


Napatingin ako sa tiyan ko saka ko ito hinaplos. Ano na lang ang sasabihin ng magulang ko? Paniguradong sasabihin nilang isa akong malaking dissapointment. Hindi manlang ako naging succesful. Hindi ko manlang natupad ang mga pangarap ko bagkus ay nagpabuntis pa ako sa boyfriend ko. Sa boyfriend kong iniwan lang ako sa ere.


Napahagulgol nalang ako at inisip kung ano ba ang dapat kong gawin. Hanggang sa maya-maya pa'y napagdesisyunan ko nang lumabas ng Comfort Room. Nanginginig akong lumabas ng CR habang sinusubukan ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko. Uuwi na ako.


Naglakad ako,at nagulat ako nang bigla ay may bumunggo sakin.


"Aray!" tiningnan ko kung sino ang bumunggo sakin at nakita kong isang lalaking naka shades ang bumunggo sakin.


Hinintay ko siyang mag-sorry sakin pero ang isang ito ay tiningnan lang ako bago siya tumalikod at umalis. Loko yun ah. Hindi ko alam kung bakit o paanong nangyari pero bigla akong tumigil sa pag-iyak. Pakiramdam ko nga ay biglang pumanik ang mga luha ko pabalik sa mga mata ko dahil sa inis ko.


"Wow ha! Sorry!" asar na sigaw ko.


Itinaas niya lang ang kamay niya saka sinabing.


"Ghe. Okay lang."

Napabuga naman ako sa hangin. Loko talaga yun! Aish! Napailing na lang ako saka naglakad na lang paalis para nakapag isip ulit.


Pretending her baby's fatherWhere stories live. Discover now