Chapter 2

286 16 0
                                    

"Sabi ko naman kasi sa'yo, huwag mong intindihin iyong si Diego. Utang na loob, Justice. Hindi lang naman ako nag-aalala para sa'yo kundi para rin kay Aegeus. Malakas pa naman ang sapak mo." frustrated na sabi ni Ice habang nakatingin sa ginagawa kong paso.

"Ano bang akala niyo sa akin ni Papa? Baliw? Siraulo?" iritadong sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya sa akin at napabuntong hininga. Aba't!

"Hoy, Ice! For your information lang ha? Hindi ako baliw. Kurutin ko kaya iyang sugat mo sa pisngi? Gusto mo?" mataray kong sabi sa kanya pero ang walang hiyang lalaking 'to tinaasan lang ako ng kilay.

"No kidding. Nag-aalala talaga ako. Magkamukha nga tayo pero tignan mo naman ang pagkakaiba ng katawan natin dalawa. Paano ka magkakaroon ng muscles sa loob ng isang linggo? Pucha. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ni Diego at naisip ang kalokohang 'to eh. Tsk."

"Bakit? Nakita ka na ba nung Aegeus sa personal? Hindi naman diba? Bakit may whole body ba na 1x1 picture? Atsaka kaunti lang naman ang ibabawas ko sa buhok ko dahil medyo mahaba naman ang buhok mo. Konting kembot lang kamukha na kita. Para saan pa at kambal tayo diba?" sabi ko sa kanya habang inilalagay sa isang tabi iyong natapos kong paso.

Tumayo ako at nag-inat ng katawan. Hinarap ko ang kambal ko na seryoso lamang ang tingin sa akin.

"Chill. Kaya ko 'to! Simpleng tulong lang naman 'to kumpara sa mga nagawa mo para sa amin ni Papa. Atsaka magkakaroon na ng thrill ang buhay ko. Akala ko sa teleserye lang may ganitong eksena, meron pala sa totoong buhay? Shocks!" nakangisi kong sabi sa kanya pero deep inside kabado talaga ako.

"Sira ka talaga. Darating mamaya si Diego dala iyong uniporme mo. Impossible naman kasi na magkasya ka sa uniporme ko at baka lumusot ka lang doon." pang-aasar ni Ice kaya inambaan ko siya ng kamao ko.

"Dapat maluwag 'yon! Kahit naman hindi ako pinagpala sa dibdib, kailangan ko pa rin mag-ingat. Hindi pwedeng mahalatang babae ako kundi dedbol tayo lahat!" sabi ko sa kanya.

Naglakad ako papalapit sa gripo sa isang gilid at hinugasan ang kamay kong puno ng clay.

"Halata naman kasing kabado ka, bakit ayaw mo pa umatras? Hindi mo naman kasi kailangan gawin 'yon. Trabaho ko iyon at isa pa panganay pa rin ako na dapat gampanan ang responsibilidad ko."

"Bakit ako aatras? Kailan mo nakitang umatras ang isang Justice Shae Arcega? Ha? Atsaka hello! Huwag mong iyabang sa akin ang pagiging panganay mo. Nauna ka lang iniri ni Nanay ng isang minuto kaysa sa akin. Sumalangit nawa." sabi ko kaya napailing na naman siya pero hindi na nagsalita.

HATING gabi na noong dumating si Diego para iabot sa akin ang uniform. Sinabi niya rin sa akin na bukas ay kailangan kaming makita at makilatis ng management ni Aegeus bago magsimula sa Lunes.

Nakatitig lang ako sa harap ng salamin sa kwarto ko habang hawak ang damit. Napabuntong hininga ako at tinanggal iyon sa pagkaka-plastic.

Hinubad ko ang suot kong pantulog at isinukat iyong uniporme sa pinapasukan ni Ice. Napatitig ako sa sarili ko. Napangiti ako ng kaunti nang makitang medyo loose iyong pang-itaas sa akin pero fitted naman ang pantalon.

Kung susumahin, mukha akong totoy para maging bodyguard ng mga bigating tao. Baka nga kwestyunin pa nila ang kakayahan ko. Napakamot ako sa ulo ko.

Bahala na kung anong mangyari. 2 buwan lang naman akong magiging replacement ng kambal ko at pagkatapos non wala na. Kahit naman siguro mahalata nila ang pagbabago, wala naman na silang sasabihin kung magagawa ko ang trabaho ko ng tama.

Naglakad ako papalapit sa drawer ng damitan ko at kinuha roon ang panggupit ng buhok.

Kaunting trim lang naman ang gagawin ko tutal ay mullet naman ang style ng buhok ng kapatid ko na halos aabot na sa balikat. Ang itim na itim ko kasing buhok ay lumagpas lang siguro sa balikat ng dalawa hanggang tatlong pulgada.

Napalunok ako bago ko simulang gupitin ang buhok ko. Parang nag-slow mo ang pagbagsak sa lapag ng pinutol kong buhok.

Lagi naman ako lang ang naggugupit ng buhok ko pero hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang kaba ko ngayon.

Dahil ba nagsi-sink in na sa akin ang kagagahan na gagawin ko? Napakagat ako sa ibabang labi ko at ipinagpatuloy na lang ang paggupit ng buhok ko.

"Wala ng atrasan 'to, Justice. Now or never na talaga ang challenge sa life mo. Life starts at 26. Fighting!"

Ilang sandali pa ay natapos ko na ang paggaya ko sa buhok ng kambal ko. Hindi ko maiwasang impit na mapatili sa kinalabasan ng ginawa ko. Ang galing ko talaga, shocks.

Natatawang tinapik ko ang balikat ko atsaka umikot sa harap ng salamin. Ang cute ko naman pala kung naging lalaki ako nagkataon. Buti na lang talaga naging babae ako kasi kung hindi maraming iiyak sa akin. Syempre charot lang, mas bet ko pa rin maghanap ng fafa kaysa bebsi.

"Anak nasaan-" hindi na naituloy ni Papa ang sasabihin niya nang mapadako sa akin ang tingin niya.

"Justice?" takang tanong niya kaya napahagikgik ako.

"Papa naman parang engot! Syempre ako 'to! Halata naman iyong maliit kong nunal sa gilid ng mata ko." sabi ko kay Papa.

Inabot ko iyong walis at dustpan sa isang sulok. Tahimik na winalis ko ang nagkalat kong buhok sa lapag.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Papa bago lumapit sa akin. Kinuha niya ang hawak ko at inilagay sa isang tabi.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at malungkot na napangiti.

"Sigurado ka na ba talags sa gagawin mo, anak? Hindi biro ang kailangan mong gawin. Kaligtasan mo ang nakatayo rito." bakas ang pag-aalala sa mukha ni Papa.

Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa reaksyon nila ni Ice. Halata kasing hindi sila napapanatag habang dumadaan ang araw.

"Tiwala lang, Pa. Para saan pa at binigyan niyo ako ni Mama ng pangalan na Justice Shae? Nakakalimutan mo ata ang meaning ng pangalan ko ha. Ganyan ba kapag nagkaka-edad na?" tumawa pa ako para mawala ang mabigat na atmospera sa loob ng kwarto ko.

Niyakap naman ako ni Papa ng mahigpit na agad ko rin sinuklian.

"Ang baby namin dalaga na. Marunong na mag-desisyon kahit sinto-sinto. Mag-iingat ka roon ha? Huwag kang magpapadalos-dalos sa gagawin mo lalo pa at hindi mo kilala ang mga taong iyon. Nasabi sa akin ni Ice na susunduin ka na raw bukas nila Diego. Kahit pa sikat iyon at kilala ang kompanyang may hawak sa kanya, hindi natin alam ang tunay nilang ugali." paalala ni Papa.

"Opo. Magtiwala lang kayo ni Ice sa akin. Wala atang inuurangan ang ka-kyutan kong 'to." biro ko kaya natawa ng malakas si Papa.

"Sira tuktok ka talagang bata ka. Mas kakabahan na ata ako para sa binatang babantayan mo ha." sabi ni Papa at pareho na kaming natawa.

Bahala na. Para saan pa at kilala ako bilang padalos-dalos kung hindi ko kayang panindigan diba? Si Aegeus Montelibano lang 'yon, si Justice Shae ako.

Lascivious Series #6: Pretending JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon