Chapter 6

107 5 2
                                    

Napahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao ko habang nakatalikod sa kanya. Mahabagin!

"Stop acting like you don't have this thing." sabi niya na halatang lasing na sa tono pa lang ng boses niya.

Kung alam lang talaga ng lalaking 'to! Wala akong lawit katulad niya! Jusmiyo. Mukha lang akong lalaki pero babae pa rin naman ako. Well, 'di nga lang niya alam.

Napahinga ako ng malalim at mas pinili na hindi na lang sumagot sa kanya. Kahit nahihilo pa ako nang dahil sa ininom ko, pinilit kong maglakad papunta sa pinto ng cr. Nagmamadali akong lumabas sa cr na para bang may tutuklaw sa akin ano mang oras kapag hindi pa ako umalis doon.

Bahala na kahit anong isipin niya. Ang mahalaga hindi ako makakita ng ganoon. Hindi pa ako ready!

Susury-suray na akong lumapit sa tabi nila Kael. Nag-aalala nila akong dinaluhan at kita ko ang pagkataranta sa mukha nila.

"Anong nangyari sa'yo, Justice?" tanong ni Thomas sa akin habang inaalalayan ako umupo.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Nagulat ako kanina inabot niya yung shot glass na dala ng waiter. Ini-sang lagok lang yun alak, pre. Akala ko naman walang epekto sa kanya kasi mukha pa naman siyang normal kanina." sabi ni Coby kaya nakita ko ang pag-iling nilang Kael at Thomas.

"Hindi ako ang amo niyo mga pars. Huwag ako ang intindihin niyo. Dapat si Aegeus. Mukhang lasing na rin ata ang isang iyon eh." sabi ko sa kanila at napasandal na sa upuan.

"Huh? Eh malakas uminom ang isang iyon eh. Kulang na nga lang gawin niyang tubig yung alak. Nakakapagtaka naman 'yun." napakunot ang noon niya at napatiim bagang. "Mukhang may mali sa mga inumin ha. May iba rin na nakasubsob na sa upuan nila oh." sabi ni Coby kaya naalarma sila at agad na kinuha ang mga radyo sa bulsa nila.

"Puntahan niyo si Aegeus sa CR dali. Baka mapaaano iyon." sabi ko sa kanila kaya nagmamadali silang umalis sa harapan ko. Narinig ko pa ang pag-radyo nila na bantayan maigi ang buong bar.

Pumikit ako ng mariin habang hinihilot ang magkabilang sintido ko. Putcha. Baka nga hindi lang alak ang laman non ha.

"Girl! Ano na? Nasaan na si Aegeus! We have to take him out right away."

Bigla akong naalarma nang marinig ko ang ilang boses na nagtatalo sa hindi kalayuan.

"Hindi ko makita! Can you please stop nagging at me! Baka may makarinig sa'yo!"

Sakto naman na narinig ko sa earpiece ko na wala sa CR si Aegeus.

Kahit nanghihina at hilo na ako, tumayo ako sa kinauupuan ko para hanapin ang lalaking 'yun. Kung hindi na siya naabutan sa CR nila Coby, baka nasa malapit lang si Aegeus.

Pumunta ako sa mga sulok-sulok ng bar. Nakita ko pa sila Ms. Carlos sa hindi kalayuan pero hindi ko na sila inabala pa dahil baka pare-pareho kaming mapahamak ng mga kasama ko. Ang malala baka mawalan pa kami ng trabaho.

Itinulak ko ang isang exit door sa dulong kaliwa ng bar. Nang makapasok ako roon ay sakto naman na nabungaran ko si Aegeus na nakasandal sa pader at pawisan.

Mabilis ko siyang nilapitan at kinapa ang noo niya. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman na mainit siya.

Pinindot ko ang earpiece ko at agad na sinabi ang lokasyon namin ni Aegeus.

"Boss..." tawag ko sa kanya at mahinang tinapik ang pisngi niya.

Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya at napatingin sa akin.

"Damn." mura niya at pilit na itinutulak ako palayo.

"Boss, si Justice 'to. Bodyguard mo. Kailangan na natin makaalis sa lugar na 'to." sabi ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lascivious Series #6: Pretending JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon