Chapter 4

249 13 2
                                    

Kulang ang salitang gwapo para ilarawan ang lalaking nasa harap ko. Napapitlag ako ng kaunti ng kalabitin ng katabi ko ang likod ng palad ko.

Agad kong nakuha ang gustong ipahiwatig ni Kael kaya ibinalik ko sa walang emosyon ang reaksyon ng mukha ko.

Hindi naman nila ako masisisi. Babae lang ako. Marupok sa gwapo. Atsaka ngayon lang ako nakakita ng artista sa tanang buhay ko. Aba! Natural lang naman na mag-appreciate ako ng blessing ni Lord.

"Why are you here, Aegeus? I told you, we can handle this already. You should just rest at home." sabi ni Ms. Carlos sa malumanay na boses.

Parang gusto kong magtaas ng kilay. Wow. Napaka-pabebe.

Sa pagbabago pa lang ng reaksyon niya, alam ko na agad eh. May gusto ang isang 'to. Gusto kong mapailing pero pinigilan ko na lang ulit ang sarili ko.

Hirap naman pala nito. Ang hirap ng hindi nagre-react. Pakiramdam ko nawawalan ako ng freedom to express.

"Stop meddling with my own decisions, Santana." walang emosyon na sagot ni Aegeus habang umuupo sa tabi ni Ms. Carlos.

Savage naman pala ang isang 'to. Medyo bad boy.

Nakita ko naman ang pagguhit ng lungkot sa mga mata ni Ms. Carlos. Hindi ko maiwasang malungkot para sa kanya.

"Give me their profiles." sabi niya.

Mabilis naman na iniabot sa kanya ni Sir Noah iyong puting folder kay Aegeus.

Tahimik lang niya inisa-isa ang mga papel na naroon sa folder. Ilang sandali lang ay nag-angat siya ng tingin at pinasadahan kami ng tingin hanggang huminto sa akin ang mga mata niya.

Oh my gosh. Heavenly Father. Matutunaw po ako kapag tinitigan pa ako ng nilalang na 'to ng matagal.

Pinasadahan niya ako ng tingin pero walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha niya. Ngayon lang ata ako kinabahan ng ganito. Mas malala pa kaysa kanina.

"Justice Shaun Arcega. I will appoint that guy as the head of the security." walang kagatol-gatol na sabi niya bago tumayo sa kinauupuan niya.

Para naman akong nabato sa kinatatayuan ko. Shocks. Mas malala ata ang sinabi niya kaysa sa inaasahan ko.

Juicecolored! Anong alam ko sa pagiging head ng mga kulaba na 'to?! Baka puro katarantaduhan lang ang masabi ko sa kanila kapag nagkataon!

Naiwan kaming lahat na tulala at tila gulat sa mga nangyari.

"No way..." bulong ni Ms. Carlos habang nakatitig sa pintuan kung saan lumabas si Aegeus.

"Hindi ka pwede makielam sa naging desisyon ni Aegeus kung ayaw mong mag-away lang kayo. Parang hindi mo naman kilala 'yon. Kapag sinabi niya, dapat 'yon ang masusunod." sabi ni Sir Elian.

Napabuntong hininga si Ms. Carlos at napatingin sa akin.

"As the head, you should be with Aegeus all the time. You have to be attentive lalo na kapag nasa public place. You will also directly report to him. Do your job properly, Mr. Arcega. Are we clear here?"

"Yes, Ms. Carlos." tanging nasagot ko sa kanya.

"We are looking forward to work with all of you. See you on Monday. Meeting adjourned." tuloy-tuloy niyang sabi. 

Mabilis siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumabas sa loob ng kwartong iyon kasunod ng iba pang staff. Napabuntong hininga ako ng malakas at napairap sa kawalan.

"Lalim non, boss ha." pang-aasar ni Dione. 

"Nakakaloka kanina ko pa gusto supalpalin iyong babae na 'yon ha! Naku! Pasalamat talaga siya at marami akong baon na pasensya ngayong araw." angal ko sa kanila.

Napailing naman si Diego bago ako akbayan.

"Ibang klase ka talaga, Justice. Bilib ako sa'yo. Unang araw mo pa lang sa trabaho, well hindi pa naman official day. Wala ka na agad takot sa kliyente natin ha." nakangisi pa siya na parang may nakakaaliw doon.

"Gawin mo na lang bonus cash yung bilib mo sa akin, Sir Diego. Mas mato-touch ako roon." sabi ko sa kanya kaya nagsi-tawanan lahat ng kasama namin.

Ginulo naman niya ang buhok ko na parang bata kaya tinapik ko yung kamay niya.

"Aga-aga mukha ka ng pera, Justice. Mabubutas ata ang bulsa ng agency sa'yo." sabi niya kaya binelatan ko siya.

GABI NA nang makauwi kami dahil pumunta pa kami sa office para i-train ako. Magtutuloy-tuloy daw 'yun para magamay ko ang trabaho ko.

Hapong-hapo na napauwi ako sa sofa namin. Tamad na tinanggal ko ang sapatos ko pati na rin iyong suot kong coat.

"Kumusta?" papalapit na tanong ni Ice habang tulak ni Papa iyong wheel-chair niya.

"Kumain ka na ba, anak? Nagluto ako ng marami kaya kumain ka rin ng marami para hindi bumagsak iyang resistensya mo." sabi ni Papa bago umupo sa single-seater na sofa na katapat lang ng inuupuan ko.

"Naku! Wala naman nakakapagod sa pagpunta roon sa opisina nila Aegeus. Napagod ako sa training! Ang dami-daming pinapagawa ni Diego, nakalimutan atang isa akong magandang babae kung maka-mando. Binawian ko nga nitong hapunan at nagpalibre ako ng 3 meal sa Jollibee." simangot na kwento ko.

Natawa naman sila pero bakas pa rin sa mukha nila ang pag-aalala.

"Huy! Mga mukha niyo naman. Wala pa nga tayo sa exciting part eh. Chill lang kayo, kaya ko 'tong trabaho na 'to." sabi ko sa kanila sa masayang tono.

"Tara nga rito, kulit." tawag ni Papa sa akin kaya lumapit ako sa kanya kahit masakit ang katawan ko.

Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit. Sinuklian ko rin naman iyon agad at sumandal sa kanya.

"Hindi namin maiiwasang hindi mag-alala sa'yo, anak. Kahit naman kasi sabihin mo sa amin na kaya mo, alam namin na natatakot ka rin. Hindi biro itong pinasok niyong magkapatid. Kahit naman ako tutol sa plano na 'to kasi nag-iisang babae ka lang sa pamilya natin pero anong magagawa ko kung matigas ang ulo mo. Alam kong iiral na naman iyang pagiging wonderwoman mo kaya pumayag ako. Kung natatakot ka, kung kinakabahan ka, sabihin mo sa amin. Kaysa naman sinasarili mo, Justice. Mamaya isang araw, sumabog ka na lang kapag hindi mo na kaya kahit pa parang maikli lang ang dalawang buwan." sabi ni Papa kaya naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.

"Papa naman eh! Bakit mo ako pinapaiyak!" angal ko sa kanya at napapalahaw na ako ng iyak.

"Tignan mo, unang araw mo pa lang 'yan. Kilala kita eh. Iyakin kang bata ka. Uhugin ka noon pa lang kaya alam kong nagtatago ka lang sa amin ng kambal mo. Atsaka kay Ice ka pa talaga nagsisinungaling eh alam mong mas kilala ka niyan." sabi ni Papa sa mapang-asar na tono.

Lumayo ako sa kanya at sinimangutan ko siya.

"Pang-asar mo naman, Pa. Hmp. Kala mo naman ikaw hindi iyakin! Eh sa'yo ako nagmana! Atleast hindi ako naiyak sa teleserye na pinapanood ko!" sabi ko sa kanya pero tinawanan lang nila ako ni Ice.

"Ibang klase ka talaga, Justice. Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa sa'yo eh." sabi ni Ice habang napapailing.

"Basta ha? Kapag inaway ka sa trabaho mo, huwag mo masyadong dibdibin. Sa amin mo i-kwento ni Ice kaysa magtiwala ka sa mga taong nakapaligid sa'yo lalo na sa mga malapit sa kliyente mo. Mahirap na at baka mabuking kayo. Hindi ko kakayanin kapag napahamak kayong magkapatid. Kayo lang ang meron ako." sabi ni Papa.

Nalungkot naman ako bigla pero mas pinili ko na lang ngumiti at mang-asar.

"Saang drama mo narinig ang linyang iyan, Papa? Ikaw ha, award-winning ka na." pang-aasar ko kaya nakatikim ako ng pingot sa kanya.

Mapanakit talaga.

Lascivious Series #6: Pretending JusticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon