[ 01 ]

31 8 3
                                    

Isha
6:30 am Wed

:
insan
insannn
ano nasan ka na?

Dyazen:
Paalis pa lang ako ano ka ba nagmamadali??

:
eh mahaba na mamaya pila don kaya dalian mo

Dyazen:
Oo na, oo na!
May gusto ka lang ipatingin sakin eh dadamay mo pa ko sa kaharutan mo

:
BWAHAHAHAHA pinsan mo kaya ako tsaka di pwedeng ako lang magkaroon ng crush, ang bitter mo kasi

seen

Bahala na nga siya roon. Pupunta ako rito para sa national id, sabi kasi ng teacher namin puwede sa school kumuha kaysa sa munisipyo pa kaya kahit dalawang subject ang mai-skip ko ngayon pumunta na 'ko. Itong si Isha naman pupuyatin pa ako kagabi, kesyo may gwapo raw at kung ano-ano pang harot.

"Zen!" Kabababa ko pa lamang ng jeep nang tawag kaagad ang bumungad.

Nadatnan ko si Austin na mukhang kadarating lang din. Kukuha rin ba siya para sa National id?

"Sabay na tayo, 'di yata kasama si Isha sa 'yo?"

Pumasok muna kami sa loob bago ako sumagot, "Kahapon schedule ng section nila eh, hindi naman niya ko masasamahan ngayon may online class 'di ba?" Isiningit ko lang din talaga 'to para bawas intindihin na rin.

"Oh, sabagay, tara na."

Nagkahiwalay na kami ni Austin ng upuan dahil may social distancing pa rin hanggang ngayon at inuna na ang pagsagutin kami ng form sa papel na ibinigay nila pagkapasok pa lang namin. Eksaktong may lumabas na  mula sa kabilang kuwarto kung saan yata ginaganap ang pagkuha ng biometric data mo at pag-encode nun.

Tinawag ako kaya dumiretso na 'ko roon.

Pagkapasok ko may attendance na pina-fill up sa akin at kasabay ang paghingi ng form na sinagutan ko nung una maging ang birth certificate at school id kong dala.

Maghintay muna raw ako sa waiting chairs sa gilid, napalingap-lingap ako sa paligid, dito yung kinukulit sa 'kin ni Isha. Pero parang wala, baka nag-iiba na ang mga tao rito kada araw para mag-asikaso, matanda na ang ibang kasing edad ng tita ko at ang iba nama'y malayo sa kinukuwento niya.

May tumayong isang lalaki na kasalukuyang may inaasikaso at lumapit sa tabi kong electric fan, pinatay niya 'yon dahilan upang mas makita ko ng lubusan ang itsura nito, nakatalikod kasi siya kanina sa 'kin na abala sa katulad kong estudyanteng inaasikaso niya sa mesa. Akala ko nga rin babae siyang boyish lang manamit dahil sa hanggang balikat nitong itim na buhok, ang cool ng paggalaw niya. Kasabay pa nung moderno niyang estilo sa pananamit, uso yata 'to, yung style Japan ba 'yun tapos sakto pa sa singkit niyang mata at maputing kutis na hindi naman nalalayo sa kulay ko.

Bumalik ito sa inuupuan niya at hinawi pa ang buhok, hindi ko alam kung anong meron at hindi ko mapigilan na titigan ito sa ginagawa. Kahit mukhang seryoso ang mukha sa nakikita kong singkit niyang mata, dagdag pa ang katangkaran nitong pakiramdam ko'y hanggang balikat niya lang ako.

At this point, hinihiling kong huwag naman sana sa kanya ako matapat, dahil ako ang nasa unahan dito sa isang hilera ng waiting chairs at sa pagkakataong may tumayo't matapos ako ang kapalit. Lumingon ako sa ibang tables na may inaasikaso rin na mas nagpakaba pa sa 'kin, wala isa sa kanila ang nakahubad na ang face mask, dahil aalisin ang face mask sa pagkuha ng picture mo bilang last step, maliban na lang dito sa babaeng kanina pa niya kinukuhanan ng litrato at...

Dumaan sa harapan ko ang inaasikaso niya. At may inabot na papel ang isa sa mga kumukolekta ng form kanina sa kaniya. Sana hindi ako, ang lamig pa rito dahil sa air conditioned itong room.

Nahinto ako sa pagkalikot sa aking daliri, at malamig na narinig ang boses niyang tinawag ang aking unang pangalan.

"Ignojiho, Dyazen."

When It Landed Where stories live. Discover now