[ 04 ]

5 2 0
                                    

Walang klase ngayon kaya hindi abala ang activity sa club. Sa katunayan, ang ganda ng topic na napunta sa amin, tungkol sa abilidad, oportunidad sa mga tao. Maaga akong nagising nang pumasok sa isipan kong wala nga pa lang sinabing oras si Austin, aagahan ko na lang din siguro ang alis upang hindi siksikan ang masakyan kong jeep. Hindi rin siya naka-online at sumasagot sa mga text ko kaya mas mainam na mauna na 'ko kaysa maghintay sa ire-reply.

***

Isiningkit ko ang mga mata ko sa isang pamilyar na nakita kalayuan ngunit lumayo na ang landas nito kaya hindi ko na naninaw pa. Kapapasok ko lang sa school namin at kakaunti pa lang ang tao as expected.

"Ineng, i-ineng..." Ako ba ang tinatawag na ineng? Hinanap ko kung sino at isang Lola ang nakatingin sa akin, may hawak na tungkod at mukhang kailangan ng tulong ko.

"Ano po 'yun, Lola?" Tanong ko pagkalapit at inalalayan ito, nasa may labas siya ng gate kaya lumabas din ako.

Nakisuyo ito kung pupuwede ko raw bang bilhan siya ng maiinom sa katapat na tindahan ng eskuwelahan namin at ibinigay sa akin ang pambili. Maaga pa naman kaya pinaupo ko muna ito sa waiting shed malapit sa gate, hirap na rin siguro si Lola na tumawid at naiintindihan ko 'yon dahil ganuon din ang Lola ko.

"Ate pabili po, isang boteng tubig po."

Inilusot ng Ale yung inumin, "Yan lang ba, ine?"

Tumango ako at ngumiti, "Opo." Inaantay ko na lang ang sukli nang may mahagip na paang nakasuot ng puting sapatos, katulad ng sapatos nung sa...

Napayuko ako nang makita ang mukha nito. S-siya nga... yung encoder kahapon.

"May bond paper ho ba na long? Isang balot po."

"Meron iho, sukli mo ine oh," saad ng tindera, kinuha ko iyon at umalis na para tumawid.

"Eto lang ba iho? Ay saglit tawagin mo nga yong babae kulang pa nasukli."

Patawid na 'ko at hindi na buuang narinig ang sinabi ng tindera, bakit parang ang mahal ng tubig? Nagtaas ba?

"Uh— miss!"

"Naku, 'di ata narinig pero papasok din diyan sa school na 'yan gaya mo 'yun pwede bang abot mo na lang? Salamat."

"Subukan ko ho."

Austin Cascuejo

:
Zen sorry hindi tuloy may emergency lang
Pasensiya ah bawi na lang ako
07:30 am

Hindi matutuloy? Quarter to eight am ko na nabasa at naka-offline na rin ito. Sayang ang alis ko, kung dumiretso na kaya ako sa bayan?

"INSANNNN!" Napakunot-noo ko sa silaw ng araw, si Isha nandito? Siya pala yung pamilyar kanina base sa suot nitong natatandaan ko.

"Gulat ka noh," tawa niya.

"Ba't narito ka? May activity rin kayo?" Umiling-iling siya at isinukbit ang braso sa akin, "Gala tayo 'di kayo tuloy ni Austin sabi niya."

"'Di puwede Insan, mamimili pa 'ko." Inalis ko yung braso niya, hindi pa niya nasasagot tanong ko.

Napatingin siya sa nasa likod ko at napawi ang malungkot niyang mukha nung hindi ako pumayag. "O sige! Mamili ka well, ingat!" sabay takbo niya roon sa tinitingnan. Lilingunin ko sana kung sino ba 'yon pero bahala na siya. Tiyak kung hindi yung crush niya, baka bagong gagambalain niya.

Makaalis na nga, trapik nga pala mamaya.

Isha's POV

"Heylow! Para kay insan ko 'yan? Aalis siya ehh pero kausapin mo na lang s'ya sa fb eto name—"

"Hindi kita kilala." Aray ko naman, kailangan ba mamutol ng salita?

"Insan ko nga 'yon kaya eto—"

"Pakiabot na lang sa kaniya—" pinutol ko siya at umarteng parang may tumatawag sa phone ko.

"Hello po? Ay ganon po ba sige punta po ako now..." Unti-unti akong lumakad paalis at itinuro sa lalaki yung sinadya kong ihulog na papel sa sahig, nakasulat na name ni insan sa loob. Hihih, mission accomplished!

Sumilip ako nang makalayo-layo, at pinulot niya 'yong papel. Aayaw-ayaw pa. "Ay butiking lumilipad na mabantot." Napatakip ako sa bibig, adviser pala namin hehe.

Kinaway ko yung kamay ko, "Hi po, ma'am heheh." Sabi ko nga dapat 'di na 'ko sumilip.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When It Landed Where stories live. Discover now