[ 02 ]

11 4 0
                                    

"Paki-check kung tama."

Sinusundan ko lang ng tingin ang bawat pag-encode niya ng mga personal informations ko, name, age, status at iba pa. Tiningnan ko 'yong mabuti dahil ako lang din ang mahihirapan sa bandang huli kapag may namali rito, natapos naman na tama lahat.

"Tingin ka rito sa parang style telescope," anito at itinuro pa yung kulay asul na bagay sa gilid ko. Isa ito sa mga kinukwento ni Isha, ang weird nga ng itsura.

Itinapat ko roon yung mata ko.

"Lapit ka pa," wika nito.

"Lakihan yung mata."

Inilaki ko ang pagdilat.

"Isa pa," dagdag niya.

Gaano ba dapat kalaki?

Nilakihan ko na lang ulit. Sana hindi ako magmukhang ewan dito, inalis ko na kasi simula umupo ako 'yung mask ko, ang hirap kaya huminga, at nangangawit na rin ako hindi pa ba tapos?

"Ayos na,"saad nito na nakapagpaluwag sa dibdib ko, ang tagal kong pinigilan na kumurap mabuti naman.

Fingerprints na ang kasunod kaya inilagay ko sa isang sistemadong gamit na nakapatong sa mesa niya yung apat daw munang daliri, hindi kasama ang hinlalaki.

Nanglaki ang mata ko nang ipinatong niya rin ang daliri niya sa ibabaw ng daliri ko, tila gina-guide ito na ma-detect ng maayos ang fingerprints na hindi ko inaasahan. Bukod sa malamig talaga rito at hindi ako sanay ay naramdaman ko kaagad ang mainit niyang palad sa nilalamig kong kamay. Hindi ko na lang pinahalatang 'di ako komportable kahit ang awkward ng sitwasyon. Ginagalaw pa niya at angat yung daliri ko kapag nag-eerror sa screen, nakikita ko rin kasi dahil may screen na nasa harap ko.

"Okay na, kabila naman." Ipinalit ko yung sa kaliwa, gaya ng sabi niya at napahingang malalim dahil ganuon ulit, gina-guide niya at press yung dulo ng kaunti hanggang matapos.

Ako na ang trumabaho sa natirang dalawang hinlalaki, kaya ko naman sa totoo lang at isang try nang mag-error in-okay na niya.

Ito na ang huli, kukuhanan ng litrato. Inaayos ko yung buhok ko nang mapasulyap sa kaniyang sine-set na ang camera na maliit na nasa ibabaw ng screen. Inakala kong pangkaraniwan lang siyang tao na may itsura na kadalasa'y hindi ko naman pinapansin dahil may sari-sarili tayong buhay at hindi rin ako naiinteresado, ngunit bakit sa puwesto ko ngayon, ginugusto ko siyang makilala. At para bang masuwerte akong siya ang encoder ko.

Napalipat ako ng tingin sa paglipat niya sa akin ng pansin, ilagay ko raw sa likod ang buhok ko't duon tumingin sa maliit na camera.

Nakatatlong take kami at yung unang kuha lang din ang pinili, pakiramdam ko sobrang serious ng naging pose ko sa una kaso naman yung pangalawa ngisi ang nangyari, sa pangatlo wala rin kaya yung una na talaga. Tumayo ako pagtapos at isinuot agad yung mask, hinihintay ko na lang na iabot niya sa akin ang transaction slip at mga requirements kong dinala. Gusto ko na ring umuwi, lalo na't tiyak tinambakan kami ng gawain sa dalawang subject sa school.

"Okay na, iha," sabay abot ng mga papel at huling pagtingin sa akin.

I-iha? Seryoso ba siya?

Lumakad na lang ako palabas at hinanda ang payong. Hindi naman siya katandaan sa akin, bakit "iha"? Baka naman marespeto? Kung gayon sobrang magalang naman pala niya.

"Uy Zen! Yari ka na?" kalalabas lang din ni Austin sa katabing building.

Tumango na lang ako bilang pag-oo, wala akong gana ngayon, kakaiba ang nararamdaman ko.

"Tinatawag ka pala dun sa loob kanina nung umasikaso sa 'yo, tas nong tinanong ko kung bakit 'wag na raw."

Ako? Para saan kaya?

"Sige, uuwi na—"

"Kain tayo, Treat ko!" nakangiti at masigla niyang alok, gusto ko mang tanggihan mangungulit lang din siya, kaya um-oo na lang ako.

Kahit medyo busog pa talaga tiyan ko.

When It Landed Where stories live. Discover now