1

90 30 0
                                    

Olivia's Point of View

Nasa kuwarto kami ni jeremiah habang tinitignan niya yung mga pictures namin simula nung high-school kami, pati narin yung litrato namin ng mag-graduate kami. Ako naman itong kumakain at sinusuboan din siya habang nakahiga siya at tinitignan lahat ng yun.

"Yan. Yan ung picture natin hanggang high-school. Ito naman, eh yung mag-start na tayong mag-college." Ngiting sabi ko sakanya habang hawak-hawak ang isa pang scrapbook, sabay abot sakaniya pero sinagi niya ito.

"Ayoko ng tignan yan. Pareho-pareho lang naman yan eh, Lahat din. Dikit ka ng dikit sakin." Sabat niya at nag-iwas iwas pa kunwari ng tingin.

"Baka ikaw." Depensa ko.

"Aaayyyy! Ako raw. Tignan mo nga yung mga pictures natin, Lahat eh NAKAYAKAP ka." Sabat niya ulit para mapikon ako.

"Ganun ah! sige. Mula ngayon di na ako didikit sayo at hindi narin kita pahihiramin ng notes ko!" Inis na sabi ko at dinilatan siya. Napabangon naman siya at naupo sa tabi ko.

"Uuuuyyy! ikaw talaga, Ms. Pikonin. alam mo..." Di niya na natuloy ang sasabihin niya dahil uminom siya sa juice ko.

"Ano!?" Inis kunwaring tanong ko.

"Angdali-dali mo talagang mabad-trip ano? nye konting gilagid lang, ganyan oh, gilagid ganyan oh." Asar niya habang nakataas-taas pa ang itaas niyang labi dahilan para mas lalo akong mainis.

"Ano!?" Inis kong sabi at agad na pinisil ang ilong niya upang mapasigaw siya sa sakit. "Arghhhh!"

"Araaaayy! teka! teka! ahhhh!" Sigaw niya at hindi ko inaasahan ang pagkagat niya sa kamay ko dahilan para ako naman ang masaktan.

"Aaaah! aray ko! araaay.." hiyaw ko sa sakit at hinawakan ang kamay ko.

"ohhh ayan..." Sabi niya pa ngunit bigla kaming natahimik, ilang sandali pa...

"Teka.. May naaamoy ako ih" sabi niya habang inaamoy ang paligid, pati ako ay pakunwaring nakiki-amoy. Nagulat ako ng bigla niya akong amoyin at sinagi ako.

"Meron ka'no?" Paghihinala niya habang nanlalaki pa ang mga mata nito at pilit akong pinapaamin.

"Ano?!" Depensa ko pa.

"First day or second day?" Natatawa niya pang tanong.

"Walaaa~" depensa ko ulit sabay kuha ng juice sa gilid ng kama ko at ininom ito.

"Wooohhh! Anong wala, eh kanina ko pa napapansin parang wala kang goli." Sabi niya para matigil ko ang pag-inom ko at masama ang tinging nilingon siya.

"Hoy! Naligo ako no!" Inis na sigaw ko sakanya at akmang ihahampas ko sakaniya ang scrapbook at agad tumayo at niligpit ang pinagkainan namin habang bumubulong-bulong pa. "Ang babae, Kahit meron pwedeng maligo!" Dagdag ko pa na tila ako ang pinuno ng sangkababaihan na dumedepensa sa isang unggoy.

"Ahhhhh kaya pala.. kaya pala kanina ko pa napapansin na mabaho ka talaga." Asar niya sakin kaya agad kong pinisil ang mukha niya at hinagis ito.

"Hahahaha! mabaho!" asar niya pa at doon ay nagbatohan kami ng mga unan at naghampasan. "Ikaw! ikaw! ikaw ang mabaho!" sabi ko pa ngunit sadyang malakas siyang tumawa. "hahaha! mabaho ka talaga! hahaha! mabaho!" asar pa niya at hinampas ako ng unan. "ikaaaaw-!" Sigaw ko pa ngunit natigil ng magsalita si mama sa labas ng kuwarto ko.

"Oooooi matulog na kayo." Sabi ni mama at napatigil kaming dalawa at nagkatinginan.

"Ahmm.. Matulog kana sige na, alis kana tara na." Sabi ko sakanya habang hawak hawak pa ang unan.

"Sino bang turn dito sa kama?" Tanong niya.

"Umuwi kana at di kana pwedeng matulog dito." Sabi ko pa at halata sa mukha niya ang kalungkotan.

"Uyy.. Baket?" Malungkot na tanong niya, agad ko namang inayos ang buhok ko.

"Kase, matatanda na tayo okay?" Sabi ko pa ngunit sinundan niya lang ako ng tingin habang papunta ako sa banyo.

"Eh ano naman kung matatanda na tayo basta dito parin ako matutulog!" Sabi niya sabay bato sa likod ko ng unan.

"Ano? nagsasalita ka pang dito matutulog no? jusko. nakanganga kapa, nakikita ko pang ngumunguya ka ah, ugali mo yan. tsaka isa pa, yang mga ngipin mo nadidinig ko'no. Hindi kana talaga pwedeng matulog dito dahil di ako makatulog pag nandito ka." sabi ko pa habang nagsesepilyo sabay mumog.

"Sige na je umalis k-" Di ko natuloy pa ang sasabihin ko ng lumabas ako sa banyo at nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog na. Kitang kita ko ang bawat hugis ng mukha niya, Ang malakulay rosas na labi, may katangosan ang ilong, makapal na kilay, katamtamang kutis ng balat at ang mga mata nitong parang persian cat.

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siyang natutulog at napasandal sa gilid ng pintoan ng banyo.

Jeremiah's Point of view

Nagising na lang ako ng alas-singko ng umaga, agad akong tumayo sa kama ni oleng at inayos ang sarili, Nakita ko na lang na may nakalagay na sulat sa lamp na sinulat para sa'kin ni oleng.

Kinuha ko ito at binasa..

"Pareng je, See you in my dreams! Enrollment na natin bukas at syempre sabay tayo kasi wala ka nanamang pamasahe. He! he! he! labyu." - Oleng

Napangiti na lang ako sa sulat niya sa akin at nadatnan ko siyang sa sofa na natulog, agad kong pinagmasdan ang mukha niya. Maganda si Olivia di ko naman itatanggi yun. Cute, inosente at makulit, masarap kasama, at mapupuntahan mo sa lahat ng oras, at napakabait niyang tao pinisil ko ng mahina ang pisngi nito at dahan-dahan kong kinuha ang sumbrero ko na nahigaan niya.

Agad kong sinuot ang sumbrero ko at agad naglakad sa balkonahe, Bababa na sana ako ng makita ang isang bulaklak na tanim sa balkonahe ni oleng, agad akong pumitas nito at iniwan sa tapat.

Agad na akong bumaba doon at tumakbo papunta sa bahay upang maligo at makapagbihis na, dahil ngayon na ang araw ng enrollment namin sa college.

Mag kapit-bahay lang kasi kami, Muli kong nilingon ang balkonahe ni oleng at ngumiti saka pumasok sa loob ng bahay.

---

The first time I saw you, I knew my life would change forever

#SOA
@Hernameisryukah

Starting Over Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon