7

34 22 0
                                    

Jeremiah's Point of View

Nasa resort kami ngayon nila rolito pati narin ang ibang mga kasama namin, maraming mga tao dito at mga naglalangoyan sa pool, heto naman kami ngayon sa isang table at nagkwekwentohan. Hindi ko na nasama si oleng dahil may mga ginagawa daw siya at para bang kakaiba ang mga ikinikilos nito ngayong mga araw lang.

"Oh anong problema?" tanong ko kay vincent na tila namromroblema ata.

"Yang mga shota kinakalimutan yan eh, panira ng gimik eh! problema lang yung binibigay eh." inis na sabi naman ni vincent at napahilamos pa ito sa mukha.

"Eh, ika-ilang ex mo na ba'yan insan?" tanong naman ni luis kay vincent.

"haha. ikaw luis? ilang buwan kana bang nangungutang sa'kin ng pera?" balik tanong naman ni vincent dito upang tumiklop ang bibig nito.

"Sabi ko nga breakin mo na eh, ikaw naman hindi ka mabiro buti pa ikuha kita ng juice tsaka sandwich." biro naman sakanya ni Luis at agaran ito tumayo. "mabuti pa nga." dagdag naman ni vincent.

"Breakin mo yoooon!" banat pa ni luis kay vincent upang hindi siya singilin ni vincent sa utang nito sakanya.

"Uy sama na'ko sayo." giit pa ni andrew kay luis at nagpunta sila sa canteen.

"Hay nako. Kalimutan na natin yun, chicks lang yun eh." balewala ni vincent sa bago niyang nobya. "Sandali, ikaw ba ano bang problema mo?" tanong sa'kin ni vincent ng mapansing di ako mapakali.

"Pare, yung chika babes kasi na trip ko, mukhang di boto si oleng eh." sabi ko at sumip-sip ng juice.

"Sus. alam mo? di mo talaga makukuha yung boto ni oleng, nagseselos yun ih!" natatawang sabi ni vincent sa'kin, napakunot naman ang noo ko.

"Anong nagseselos? ulol. tigil-tigilan niyo na nga yung pang-aasar sa'min ni oleng. Pare kaibigan yun hindi talo yun. tsaka isa pa sige buwisitin niyo ng buwisitin yun, pag yun napikon." sabi ko naman, tinawanan niya lang ako habang ngumunguya.

"Ang labo niyong dalawa eh, di ko kayo maintindihan eh. its obvious naman na you like each oth-" hindi na natuloy pa ni vincent ang sasabihin niya ng bigla akong mapalingon sa terrace ng resort at makita roon si elaine. nanlaki ang mga mata ko, agad kong kinalabit si vincent dahil sa nakikita ko ngayon.

"Pare! pare! ayan yung chika babes na sinasabi ko sayo! ayan si elaine!" nasasabik na sabi ko kay vincent at abot langit nanaman ang ngiti ko.

"San?" tanong niya.

"Ayun oh! tignan mo! haha!" natutuwang sabi ko at napatayo sa upoan.

Naglalakad si elaine kasama ang isang kaibigan niya na tumawag ata dati sakanya ng una kaming mag-kita kasama si oleng. Napakaganda nanaman niya sa aura niya ngayon, isang swimsuit na red at tama ang hinala kong maganda nga ang hubog ng katawan niya, isama mo pa ang mahabang buhok at maputing kutis.

Napatayo rin si vincent ng makita niya ang ka-sexyhan ni elaine. "kaya naman pala eh, dyosa yung pinili mo eh!" namamanghang sabi ni vincent.

"Ang lupeeet!" sabi din ni rolito ng makaahon ito sa pool at makita rin si elaine.

"Hanep!"

"Pare perfect body!"

"Oh my God."

"Wow pare! angganda ng swimsuit niya!" isa-isa nilang puri kay elaine, napakagat-labi pa si andrew.

"Ano? swimsuit?! bakla ka ba?" asar nila fred kay andrew, akmang susuntokin naman sila nito.

Pero ako nanatiling nakatingin kay elaine na ubod ng ganda ngayon, di ko mapigilang mapangiti dahil sa nakikita ko, sumasayaw-sayaw pa ito at naglolotion tipong chicks na chicks talaga ang datingan.

"Uy mga chong, chika babe ni jeremiah yan."

"woah?"

"ohhh di nga?"

"Bakit kaya di natin lapitan yang mga yan?"

"hindi pare, mas cool kung dededmahin natin yan." sabi naman ni fred.

"Alam niyo, tama si fred mas cool kung di natin papansinin yan." sang-ayon ko pa kay fred at nag-apiran kami sa isa't isa.

"Suuuuus! achuchu sabihin mo hanggang san ka lang! eh tignan mo nga yang katawan mo, mas tigasin pa katawan ko sayo! sus. naduduwag ka laaaang!" sabi naman ni rolito sa'kin sabay turo sa katawan ko at katawan niyang patpatin.

"Eh di mo yata kilala yun." sabi sakin ni federick.

"Pare, kilala ko yan eh! si elaine yan!" pagmamalaki ko pa sakanila.

"Woooooooohhhh!!! sige nga, sige nga." sabi pa nilang lahat sa'kin. "pakita nga!" dagdag pa nila.

"Mga style mo!" banat pa sakin ni rolito. Ako naman 'tong lakas loob na lumalapit papunta kila elaine habang nag-kakarera ang dalawang ito sa pool.

Nang makatapat na ako ay huminga ako ng malalim at pinalalakas muli ang loob ko, kasabay sa loob-loob ko ang matinding kilig na pilit kong tinatago.

"Sige, kaya mo yaaan!"

"Kaya mo yaaan!"

"Ge lang preee!

"Ayusin mo ang galawan!" banat nanaman ni rolito.

"Oh, anong nangyari?" biglang dating ni charles. "haha eh, pare si jeremiah oh may chicks! angganda." turo naman sakin ni fred kay charles.

Napansin ko naman na papunta dito sa direksyon ko ang finish line ng karera nila elaine kaya agad akong huminga ng malalim at inabot agad ang kamay ko dito.

"Oh ayan, tignan mo, tignan mo, tignan mo. nilalapit pa yung kamay!" rinig ko pang sabi ni rolito habang pinapanood nilang lahat ang ginagawa ko.

"Yeeeey! panalo ako!" masayang sabi naman ni elaine ng marating niya ang finish line at ako naman itong pilit inaabot ang kamay ko dito upang tulongan siyang umahon.

"Hi elaine." bati ko dito at taka naman siyang napatingin sa'kin.

"Hi." tipid niya bati pabalik sa'kin. "And you are???" tanong nito sa'kin na ipinagtaka ko.

"Come on elaine! backstroke naman!" tawag sakanya ng kaibigan na sa pagkakaalam ko ay si odessa. Napalingon naman si elaine dito at nag-backstroke swim sila nito.

"Oh! tablado! tablado ang kandidato natin!" biglang sigaw naman ni rolito, dahilan para mapakamot nalang ako sa ulo. "HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" sabay-sabay nilang tawa.

"HAHAHA!"

"Ohhhh panis!"

"Yabang mo kasi, sabi mo kilala mo ah! hahaha!"

"Excuse ah!" sabi nanaman ni rolito at umacting nanaman sa harap ng buong tropa. ginaya nito ang ginawa ni elaine kanina na kunwari ay umahon ang ulo nito sa tubig at kunwaring si fred naman ako.

"Hi elaine." gaya sa'kin ni fred. "and you are? grabe ah!" gaya din ni rolito kay elaine at ginaya rin ang pa-backstroke swim nito, nagsitawanan nanaman ang buong tropa.

Ako naman itong badtrip dahil di ko manlang napakitaan ang mga siraulong 'to. nilakihan ko pa itong mga 'to ng mata. Torpe!

Muli akong napatingin kay elaine at nanumbalik nanaman ang ngiti sa mga labi ko at nalimutan ang mga tropa kong pinagtatawanan ako.

---

#SOA
@Hernameisryukah

Starting Over Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon