11

30 18 0
                                    

Olivia's Point of View

Matapos ang pag-iyak ko sa loob ng banyo ng restaurant na ito, Hinugasan ko ang mukha ko ng ilang beses upang hindi mahalata na ako'y umiyak paglabas ko. Naka 30 minutos siguro ako sa loob ng banyo bago ako matapos.

Lumabas na ako roon at bumalik sa kinauupoan namin. Naabutan ko namang kumakain na silang dalawa habang nag-uusap parin at minsa'y humahalakhak.

Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako sakanila. Agad kong inayos ang sarili at maging ang mga kilos ko. Nang makalapit na ako ay naagaw ko ang atensyon nilang dalawa.

"Oh? oleng? angtagal mo naman sa cr?" takang tanong sakin ni elaine, nahihiya naman akong ngumiti rito.

"Tumae ka ba?" Pabulong na sabi sa'kin ni je, sinipa ko namang ang paa nito sa baba ng mesa.

"A-ahh may tinawagan lang ako sa banyo, nakakahiya kasi kung lalabas pa ako hehe.." palusot ko nanaman, napatango nalang siya at tinuloy niya muli ang pagkain.

Napatingin naman ako sa plato na nasa harap ko ngayon na walang laman. Naalala ko na hindi nga pala ako umorder dahil nandito lang ako para samahan silang dalawa. Napatingin naman ako kay je na kumakain rin at mukhang binigyan siya ni elaine.

Biglang kumalam ang sikmura ko ngunit pilit ko itong tiniis. Ayaw ko ng makaabala pa sakanilang dalawa. hinayaan ko nalang ang pagkalam ng sikmura ko at yumuko na lamang.

---

Jeremiah's Point of View

Halos malasing ako sa labis na tuwa dahil nakausap ko ng deretsohan si elaine. lalo na at pumayag na itong lumabas kami minsan at higit pa don ay pareho naming mahal ang music.

Nagmamaneho na si oleng ng kotse niya habang ako naman ay nakalabas sa bintana ng kotse habang nag-sisigaw dito sa tuwa.

"Woooh! ikaw ang diyosa ng buhay ko! elaine, elaine! i love you elaine!" sigaw ko mula sa labas ng bintana, nagulat naman ako ng biglang hininto ni oleng ang kotse dahilan upang mauntog ang ulo ko sa bubong ng kotse.

"Aray! ano ba yun? muntikan na'ko dun ah!" sabi ko kay oleng habang papalabas ito sa loob ng kotse at marahang isinara ang pinto ng kotse.

"O'sya! magsisigaw kalang ng magsisigaw hanggang sa mapatid yang litid mo!" sigaw niya sa'kin. "Sige na! magsisigaw kana habang walang bahay-bahay kung saan nakakabulabog ka ng mga taong natutulog!" dagdag niya pa at naglakad sa harap mismo ng kotse.

Agad naman akong bumaba sa pagkakaupo sa bintana ng kotse. Bigla naman akong nakakita ng mga bulaklak na dilaw sa gilid ng kalsada at pumitas rito ng isa.

Agad akong lumapit sakaniya upang suyoin siya. "Ito naman oh, di mo nalang ako sabayan. uhm.. ito oh." abot ko rito ng bulaklak na pinitas ko, napatingin naman siya dun at nagdadalawang-isip pa kung kukunin niya ba o hindi. Ilang segundo ay kinuha narin naman niya yun at inamoy.

"Thankyou ah?" Pasalamat ko rito, hindi naman niya ako pinansin kaya sinagi ko siya. "Uy! ano ba ha, okay ba yun ha? pasok ba yun? inlab na ba siya sa'kin? obsessed na ba? oh ano? woah! obsessed na no?" Ngiti-ngiting tanong ko at sinagi siyang muli. "A-ano? ikakasal na ba kami? sabihin mo naman sa'kin! nakita mo naman kanina diba? tingin talaga ng tingin sa'kin! ano?" dagdag ko pa dahilan upang tumaas ang mga kilay nito.

"Oo! tingin siya ng tingin sa relos niya!" mataray na sagot sa'kin ni oleng at bumawi rin ng malakas na sagi sa dibdib. "Ikaw naman kasi eh, style mo bulok eh!" pagtataray niya pa at inirapan ako.

"Ganun?" napapahiyang tanong ko. "Oo." sagot naman niya. "Ehh.. ehem! ehem! eh kung ganito, uh.. ehem! brrt! elaine alam mo? anglakas ng dating mo sa'kin eh, eh kung.. isang kiss kaya diyan." acting ko pa sabay nguso kunwari ay nanghihingi ng halik kay elaine, natawa naman si oleng sa ginawa ko.

"Oh bakit? Anong nakakatawa?" takang tanong ko rito, napatingin naman sa'kin ito ng nakakaloko.

"Ano naman yan? Erap o Robin? Alam mo je wala ka talaga eh, Oa! Oa ang dating mo! eh kasi parang.. parang lagi ka nalang nagpapa-impress eh puro fake naman. Bat hindi mo nalang kaya gawing totoo? kumbaga ipakita mo sakaniya yung totoong je." sabi nito sa'kin dahilan upang mapayuko ako.

"Yung t-totoong Jeremiah? Magustohan niya kaya yung totoong jeremiah?" tanong ko rito at napahinga ng malalim.

Mahirap para sa'kin ang gawin ang sinabi ni oleng. Ang ipakita ang tunay na ako. Ang ipakita ba naman kung ano ang tunay na sitwasyon ng pamilya ko at ang pamromroblema sa bandang kinaiisahan ko, lalong lalo na ang sarili ko.

"Ikaw lang nakakakilala sa totoong Jeremiah eh.. kasi ikaw lang nagtyatyaga sakin eh. Tanggap mo kasi kung ano ako eh, yung ibang mga babae pang-porma lang. Pero alam mo ikaw oleng? ikaw lang yung babaeng pang-matagalan, panghabang-buhay. Ikaw yung.. klase ng babaeng di ako iiwan sa ere eh." sabi ko ng harapan kay oleng, napatingin naman siya ng dahan-dahan sa akin at pumungay muli ang mga mata nito at napangiti.

"Alam mo naman yun diba? na.. ikaw yung pinaka-mahalaga sa'kin. Mawala na silang lahat, wag lang ikaw." dagdag kong muli.

Napahinga naman siya ng malalim at bakas sa pisngi nito ang pamumula, tumae talaga siguro 'to kanina. Bigla naman ako nakaisip ng kalokohan.

Habang ang mga braso namin ay dikit sa isa't isa habang nakatagilid, ang mga ulo naman namin at mukha ay unti-unting lumalapit sa isa't isa maging ang mga labi namin. Aakmang idadampi ko na sana ang labi ko sa labi ni oleng ng bigla akong mapatigil. Binukas ko ang aking mga mata at kitang-kita ko ang pikit na mga mata ni oleng habang ang mga labi nito ay nag-aantay sa labi ko.

Natawa naman ako sakaniya dahilan upang bumukas ang mga mata niya at mag-taka ito. "Pasok! hahaha kumagat ka noh?" tawa ko dito. Uto-uto talaga 'to kahit kelan at angcute niya pa. "Ganyan, Ganyan yung gagawin kong style kay elaine. hehehe.." sabi ko rito at napansin ko rin ang pag-yuko ng ulo niya sa gilid ng mata ko.

Napatingin naman ako sakaniya at ng tumingin rin sakin ito at bakas na sa mukha nito ang galit. Agad naman siyang naglakad pabalik sa pinto ng kotse at sumakay roon. Nagtaka naman ako sa reaksyon niya at maging ako ay sumakay narin sa kotse.

Napatingin muli ako sakaniya habang walang reaksyon ang mukha nito habang nakahawak sa manubela ng kotse. "Sa susunod na pag-praktisan mo'ko, sasampalin na talaga kita." Malamig na sabi nito at agad agresibong pinatakbo ang kotse.

"Ito naman oh, totoo naman yung sinabi ko eh.. mawala na silang lahat, wag lang ikaw, kase.. kase ikaw yung bestfriend ko eh." giit ko sakaniya, huminga naman siya ng sobrang lalim at tila may pinipigilan sa loob niya.

Nakita ko pang tumulo ang luha nito sa kaliwang mata niya ngunit hindi ko nalang ito pinansin dahil alam ko namang madali lang siyang maiyak kapag binibiro ng sobra. Iyakin yan dati eh. Alam ko ring pagod na siya kaya mabuti pangang umuwi na kami.

Friendship or Love? it's really hard to choose.. though sometimes friendship ends in love, if romance ends, it's hard to return friendship.

---

#SOA
@Hernameisryukahmention a user

Starting Over Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon