Kabanata 4

2.9K 154 40
                                    

Leyte. .  .

Isang humaharurot na kotse ang bumulabog sa mga mamamayan at sa katahimikan ng bayan. Sa bilis ng takbo nito at lakas ng musikang pumapailanlang, ang sinumang nakakita at nakarinig ay napapailing. Ang iba’y napapatanong. Ang iba nama’y napapatingin; puno ng kuryusidad.

Ang sakay ng kotse, walang pakialam. Sinasabayan nito ang bawat linya ng tugtugin. Birit kung birit. Minsa’y napa-h-headbang. May malaking ngiti sa labi, tanda na natutuwa ito sa kung anumang bagay.

Sino ba naman ang hindi kung nagawa niya nang maayos ang dapat na gawin. Her revenge was a huge success. Idagdag pa na hindi lang pinahiya kundi ikinalat niya rin ang video na nakuha kay Gio habang umuungol itong parang nauulol na aso sa ibabaw ng kama habang nakahubad.

Like a virgin
Touched for the very first time
Like a virgin
When your heart beats
Next to mine...

"Woo Hoo!" malakas nitong sigaw. Itinaas din nito ang dalawang kamay habang may malaking ngiti sa labi.

Mahaba ang daan na tinatahak ng kotse ni Maria. Eksakto kung saan sinasalubong niya ang magandang sinag ng araw. May mga iilang kabahayan, medyo magkalayo ang distansiya. Mga gawa sa concrete at pawang may matatas na bakod na gawa sa metal. Kilala ang village na iyon bilang isa sa pinakasikat sa kanilang lugar. Sa sentro nito, makikita ang pinakamalaking bahay. Kilala ito sa tawag na De Luna Mansion na itanayo pa ng panahon ng kastila, ilang daang taon na ang nakararaan.

Tumigil ang kotse sa isang marangyang bakod na may ginto ang kulay. Sa gilid at sentro ng bakod naroon ang siyang tinatawag na tatak ng kanilang pamilya, isang dragon na may mahabang buntot. It was some kind of heritage and legacy from the late Felipe De Luna, an American colonel who fought against Japanese forces in line with the Filipino guerillas at Mt. Silay on World War 11.

"Good morning, manong! Nasa loob pa ba si dad?" tanong ni Maria sa guard nang makalapit sa guard house nito.

"Nandito pa po, Miss Maria."

Tumango siya. Inabot ang susi ng kotse rito. "Paki-park na lang po ng kotse sa garahe mamaya. Baka kasi mabulabog ko ang buong kabahayan ngayon." Saka ngumiti at kumindat.

Tumatango na sinundan siya ng tingin ng guard. Sa isip ay kung ano na naman kaya ang kapilyahan na nagawa ng dalaga. Matagal nang nagtatrabaho ito sa pamilya De Luna at halos alam din nito ang nangyayari sa pamilya. Mabait naman ang kaniyang mga amo, wala siyang problema roon. Mabait ang lahat. May kapilyahan nga lamang ang bunso ng pamilya at madalas na sakit ng ulo ng ama.

Sa kabilang banda, tahimik na binaybay ni Maria ang main door ng mansion. Gising na ang mga katulong para gawin ang trabaho. Binati siya ng mga ito na pawang tango lamang ang kaniyang itinugon. Hindi na rin siya dumaan sa kusina para kumuha ng tubig sa sobrang pagod at dumeretso na lamang sa marmol na hagdan na may metal balluster at handrail na kulay ginto.

Modern ang estruktura ng loob ng bahay kahit pa antigo na iyon. Preserved sa iilang bahagi ang vintage style lalo na sa master's bedroom. Sa hallway, may mga iba't ibang larawan ng mga nagdaang henerasyon ng mga De Luna, maging ang kani-kanilang pamilya. Ang pinakamalaki, ang portrait ni Doña Corazon, ang maybahay ng colonel. Ito rin ang pinakapaborito ni Maria sa lahat. Gustong-gusto niya ang larawan dahil sa amo ng mukha nito. Bagay rin dito ang suot nitong Filipiniana, napakasimple ngunit napakaganda.

Nang makapasok sa loob ng silid, sinarado kaagad niya iyon. Tamad na humilata siya sa kama at pumikit, idinadalangin na sana ay dalawin siya ng antok. Ngunit sadyang hindi para sa kaniya ang pagkakataon na iyon nang bulabugin siya ng isang katok.

Napaungol siya, tanda ng pagpoprotesta. Hindi niya pinansin ang nasa labas. Ngunit matigas din ito, patuloy sa pagkatok nang malakas. Sadyang hindi papayag na hindi pagbubuksan. Sinusubok ang kaniyang pasensiya. Napamura siya at pupungas-pungas na bumangon. Dumeretso sa pinto at marahas na binuksan iyon. Tiningnan niya nang masama ang tatlong lalaking naroon.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENWhere stories live. Discover now