Kabanata 33

1.3K 86 24
                                    

Sa isang madilim na pasilyo, isang babae ang tahimik na naglalakad. May ngiti sa labi at determinado ang mga mata nito. Alam na alam kung saan pupunta. Sa suot na see through na roba, wala itong pakialam kung halos kita na ang kabuuan nito kung lalapitan. Iyon ang gusto niyang mangyari. Ang maging kaakit-akit sa sinumang makakakita rito.

Nang marating ang pinto ng kwartong nais puntahan, agad na binuksan nito iyon nang walang pag-aalinlangan. Walang ingay ang babae na pumasok sa loob ng silid. Mas lalong lumawak ang ngiti nito nang makita ang taong pakay. Nakahiga sa malambot na kama at tulog na tulog, marahil dala ng kalasingan.

"You will be mine. Walang aagaw sa 'yo sa akin," bulong nito habang hinuhubad ang suot na roba. Maingat itong tumabi sa natutulog na si Icarus. Pinagmasdan ang mukha nito. "Ang gwapo mo talaga. I can't wait to be with you forever."

Natawa ito nang mahina na tila kinikilig. Ngunit natigil din nang kumilos si Icarus at humarap dito. Mas lalo nitong nabistahan ang maamo nitong mukha, ang matangos na ilong, at ang makakapal na kilay na kung titingnan ay tila laging galit. Nang bumaba ang mga mata nito, hindi nito napigilan ang sarili na haplusin ang malapad nitong dibdib na nahantad dahil sa hindi nakasaradong iilang butones ng suot na polo.

"Damn! You're so irresistible," animo'y baliw na wika nito habang namumungay ang mga mata.

Walang ano-ano'y inilapit nito ang mukha sa natutulog pa rin na si Icarus. She kissed his lips, and dared to trace his torso downward.

"N-no. . . I'm married," naalimpungatang ani Icarus. Iwinasiwas nito ang mga kamay habang nakapikit pa rin ang mga mata. "N-no. . . Stop. . ."

----------------

Kinaumagahan, masakit ang ulo ni Icarus nang magising. Ganunpaman, ramdam niyang may nakayakap sa kaniya. Ganoon na lamang ang kaniyang pagtataka. Tuluyan siyang bumangon. Ngunit, hindi niya magawa ang nais dahil sa mga braso na nakapulupot sa kaniyang katawan. Kaagad niyang binalingan ang may-ari niyon. Umigting kaagad ang kaniyang panga nang makilala ito.

"What are you doing here?!" Tila kulog sa lakas ang boses niya. Pabalikwas na umalis siya sa kama. Wala siyang pakialam kung nasaktan man ito.

"N-natatakot—"

"Shut up!" pagpapatigil niya sa babae. "How the hell did you come here?"

Tumayo rin si Veronica at hinarap siya. Wala itong pakialam kung halos lumuwa na ang dibdib nito sa maliit na bra. "You let me enter your room. Ikaw ang nagsabi na pumasok ako."

"What?" Nagpanting ang tainga ni Icarus sa narinig. Ano'ng pinagsasabi ng babaeng ito? The hell!

"Yes," matapang na anito. "We even kissed. So, why act like you don't like me and the kiss we shared last night, Icarus? I'm the mother of your child, anyway. We already did things beyond kissing."

Galit na hinaklit ito ni Icarus sa braso. "Don't you dare use that antic to me. Kahit ako pa ang ama ng anak mo, wala kang karapatan na pumasok sa kwarto ko. Naiintindihan mo!"

Marahas na binawi ng babae ang kamay na hawak ni Icarus. "Fine! Whatever," anito at umalis.

Napahilamos si Icarus sa mukha sa sobrang frustration. Ilang ulit din siyang nagmura sa isip. Galit siya. Maraming dahilan ang galit niya na kung iisahin ang mga dahilan, siya at siya pa rin ang puno't dulo. Kasalanan niya dahil mali ang naging desisyon niya sa buhay noon. What happened to him right now are the consequences of his actions. It's inevitable. Kaya't lubos siyang naiinis sa sarili dahil pati ang babaeng mahal niya ay nadamay.

Maria. . .

How he missed her.

Ilang araw at linggo na rin na tinitikis niya ang sarili na huwag itong tawagan o i-text. Nahihiya siya. Hindi niya alam kung papaano ito kakausapin nang hindi siya nakararamdam ng pagsisisi. Hindi naman kasi siya bulag kahit pa sinabi nitong ayos lang dito ang lahat. He could see pain in her eyes. Sakit na nilikha niya dahil naging gago siya.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENWhere stories live. Discover now