Kabanata 35

1.5K 105 23
                                    

Deretso ang tingin ni Icarus sa daan habang binabaybay ng kotse nitong Mercedes Benz ang kahabaan ng kalsada sa tahimik na syudad ng Leyte. Ilang metro na lamang at mararating na niya ang mansion ng mga De Luna. Kinakabahan siya at nahihiya, ngunit, kung patuloy siyang magmumukmok dahil sa resulta ng paternity test, mas lalo niyang pinapahirapan ang sarili.

Hindi niya itatanggi ang responsibilidad, bagkus, unti-unti na iyong natatanggap ng kaniyang isip maging ng sarili. Iyon ang ibinigay ng tadhana sa kaniya, wala siyang magagawa. Kaya nagpasya na lamang siyang puntahan si Maria at kausapin ito ng personal. Ayaw na rin kasi niyang pahirapan pa ang damdamin. He misses his wife so much. He's longing for her warm smile and touch.

Napabuntonghininga si Icarus. Handa siya sa parusa ni Maria sa kaniya. Ang ipinag-aalala niya nang lubos ay tiyak niyang masasaktan na naman ito. Iyon ang inaalala niya. Seeing her in pain makes him feel that he's not worthy of her love. Nasasaktan siya at nagagalit sa sarili. He's so in love with her that it's painful. Kung sana puwede lamang ibalik. . .

Umiling siya.

There's no turning back now.

Ang tanging magagawa na lamang niya ay tanggapin kung ano ang totoo at baguhin ang sarili kung ayaw niyang masaktan muli ang mga mahal niya sa buhay, lalo na si Maria. Balak niya rin na kausapin ang ama ni Veronica at pormal na ipaalam dito na hindi niya puwedeng pakasalan ang anak nito dahil kasal na siya sa iba. Naisip niyang iyon ang pinakatama na gawin. Isa pa, naririndi na siya sa paggamit ni Veronica rito para ipanakot sa kaniya.

Umigting ang kaniyang bagang. Humigpit din ang hawak niya sa manibela ng kotse. Naiinis na kaagad siya kapag naaalala kung gaano kádesperado si Veronica para pakasalan niya. Hindi siya bulag, alam niyang gusto siya nito. Alam din niyang inaakit siya nito sa mga damit nitong halos kita na ang buong kaluluwa. Kung hindi lamang nito dinadala ang kaniyang magiging anak, baka kinaladkad na niya ito palabas ng mansion nila.

He hated her guts so much.

Masyadong makapal ang mukha nito.

Ilang sandali ay itinigil ni Icarus ang sasakyan hindi kalayuan sa harap ng gate ng mga De Luna. Kaagad siyang bumaba bitbit ang kaniyang coat na hinubad niya kanina. Isinampay niya iyon sa kaniyang balikat, at dumeretso sa guard house. Ilang katok ang kaniyang ginawa bago lumabas sa nakasaradong pinto niyon ang parehong guard na nakausap niya nang una siyang magpunta roon.

"Sir? Ano po ang sadya ninyo?" tanong ng guard.

Humugot ng malalim na paghinga si Icarus. Nagwika, "Kauusapin ko lang sana si Maria. Is she here?"

"Ay, si ma'am!" Napakamot ito sa ulo.  "Eh, S-sir, umalis po si ma'am. Mabuti pa, si Gob na lang po ang kausapin ninyo."

"Umalis? Saan nagpunta?" naguguluhang tanong ni Icarus.

"Hindi ko rin po alam, eh. Pasok na lang po kayo sa loob."

Tumango si Icarus. Sumunod rin siya sa guard nang buksan nito ang maliit na pinto sa gilid ng gate. Panay itong nagsasalita habang naglalakad sila papunta sa main door ng mansion. Sinasagot naman niya ito ngunit wala roon ang kaniyang isip kundi na'kay Maria at kung saan ito nagtungo.

Nainip na ba ito sa paghihintay sa kaniya kaya nagpasya itong umalis?

Damn!

Dapat ay hindi na niya pinatagal pa ang lahat.

Ang tanga niya!

Pinagalitan niya ang sarili nang paulit-ulit. Dahil doon, hindi niya namalayan na nasa harapan na sila ng mansion at kaharap na niya ang mga magulang ni Maria, naroon din ang mga kapatid nito. Nakakunot ang noo ng lahat nang makita siya, habang mababanaag ang gulat sa kanilang mga mata na kaniyang ipinagtaka.

ICARUS: THE GOD HAS FALLENWhere stories live. Discover now